“Yes, Gov, iiwan ko na po siya dito. Sinabi kong hintayin ka na lang niya,” sagot ni Dan. “Thank you, Dan. Makakabawi rin ako sa'yo.” “Basta ikaw, Gov, wala pong problema. Kasama po ito sa trabaho ko.” Pagkatapos namin mag-usap ni Dan, dumating naman si Karen, dala ang pinabili ko sa kanya. “Karen, ikaw na bahala dito sa office. If there are any urgent documents that I need to sign, send them to my email. Kapag may nag hanap sa akin, sabihin mo na lang na hindi mo alam kung saan ako nag punta.” “Noted po, Sir.” Magalang niyang sagot. Kinuha ko na ang coat ko at isinuot, inayos ko na rin ang mga papers sa table ko at binalik sa drawer ko. Pagkasara ko sa laptop ko ay dinampot ko na rin ang susi ng kotse ko saka ako tuluyang lumabas sa aking opisina. Agad kong pinasibad ang aking sas

