Nagmadali na akong naligo dahil baka nagugutom na si Liezel, alam kong hindi siya kakain kapag hindi ako pumunta sa kanya. Pagkatapos kong maligo ay sinigurado kong gwapo ako sa paningin niya at mabango.isang white polo shirt at tattered jeans lang ang suot para hindi naman siya mailang sa akin. Habang nasa sasakyan ako ay sunod-sunod ang tawag at text ni Carla. Hindi ko ito pinansin dahil alam ko naman na kukulitin lang niya akong umuwi. Hindi ko alam kung bakit all of a sudden ay naging may pakialam na siya sa akin. Dati naman ay hindi niya ako pinapansin at tinatawagan. Siya ang nangungulit sa akin na makipag annul na ako sa kanya, pero ngayon biglang nagbago. Ayaw niya ng makpaghiwalay ang masakit sa akin niya binibintang ang mga ginawa niya. Nakarating ako sa park ng ospital at tina

