JOSHUA BENITEZ Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit mabilis uminit ang ulo ni Liezel. Kung bakit madaling mag react ang ilong niya at kung bakit inis na inis siya sa akin. “Babe, dito ka lang. Magpapabili lang ako ng pregnancy test sa drug store,” sabi ko kay Liezel. Tumango siya, medyo kinakabahan kaya inayos ko muna siya sa kama at pinahiga bago ako lumabas ng silid namin. . Mabilis akong lumabas at hinanap ang kasambay namin. “Manang! Manang!” tawag ko. “Gov, may kailangan po ba kayo?” sagot niya. “Manang, pwede po bang magpabili ng pregnancy test? Yung mabilis lang po sana,” sabi ko. “Ah, sige po, ipapabili ko agad,” sagot naman niya. Ilang minuto lang parang ang bagal ng oras. Pabalik-balik ako sa sala at hindi mapakali. “Josh, kalma ka nga,” sabi ni Liezel mula sa sofa

