LIEZEL DELA CRUZ "Umuwi ka na, Josh… gawin mo muna kung ano ang pinunta mo dito. Tatawagan kita kapag handa na akong makipag-usap sa’yo," mahinahon kong sabi, kahit ramdam kong unti-unti nang bumibigay ang boses ko. Hindi ko siya kayang tingnan nang diretso. Kasi alam kong kapag ginawa ko ‘yon… baka hindi ko na kayaning panindigan ang sinasabi ko. Ginagawa ko ‘to para sa mga anak ko. Kagabi ko lang tuluyang naintindihan, may karapatan silang makilala kung sino ang tunay nilang ama. Hindi ko pwedeng ipagkait ‘yon sa kanila. At siya… alam kong pangarap niya rin ‘yon. Oo, may anak na sila ni Carla. May pamilya na siya. Pero hindi ibig sabihin nun na wala nang puwang ang katotohanan. Hindi ibig sabihin nun na kailangan ko na lang itago ang lahat… habang buhay. "Babe…" Napapikit ako na

