"Doon tayo sa Sofa mag-usap, Haide, dahil napaka importante ang mga sasabihin ko sa 'yo." sabi niya sa akin, habang hila-hila niya ang kamay ko.
Dios ko naman, bakit ang lambot ng palad ni Mayor? Nakikiliti tuloy ako. Mas malambot pa yata ang palad niya, kaysa sa akin.
"Sit-down, Haide, huwag kang matatakot o mahihiya sa akin. Mag-uusap lang tayo, para malaman mo ang mga dapat mong gawin, habang nakatira ka dito sa Penthouse."
Ngumiti na lang ako kay Mayor. Kahit kinakabahan, at naiilang ako ay hindi ko na lang iyon pinansin.
"Okay, Mayor, ano po ang mga kondisyon niyo?" kinakabahang tanong ko. Napatingin din ako sa guwapong mukha ni Mayor, dahil curious ako sa mga kondisyon na sinasabi niya.
"Una, bawal mong ipagsabi na magkakilala tayo, at pinapatira kita dito sa Penthouse ko. Sabihin mong sayo ito, kung may magtanong.
Pangalawa, bawal kang magpaligaw sa mga lalaki, at makipag usap sa kahit sinong lalaki, maliban sa akin.
Pangatlo, bawal kang tumanggap ng kahit sinong bisita dito sa Penthouse.
Pang-apat, magta-trabaho ka sa Restaurant ng pinsan ko bilang waitress, pero bawal mo akong kausapin kapag pupunta ako doon. Isipin mong hindi tayo magkakilala." sunod-sunod na wika ni Mayor Cody.
Nakinig lang ako sa mga sinasabi sa akin ni Mayor, dahil wala naman akong magagawa sa ngayon. Kailangan ko ang tulong niya, kaya kahit anong gusto niya ay gagawin ko. Wala din akong problema sa mga sinabi niyang Kondisyon, dahil wala naman akong nakikitang masama sa mga iyon.
"Ano ang pang-lima, pang-anim, pang-pito, walo, siyam at sampu, Mayor?" bigla kong natutop ang bibig ko, dahil sa naging tanong ko. Kahit kailan talaga, masyadong matabil ang bibig ko.
"Pag-iisipan ko pa. Iyon muna sa ngayon, halika na sa kuwarto para maipakita ko sa 'yo lahat ng mga gagamitin mo dito." sagot ni Mayor, saka siya naunang tumayo, at naglakad patungo sa hagdan.
Pinagmasdan ko ang kabuohan ng first floor ng Penthouse. Napakaganda nito, at napaka linis tingnan. Kasalukuyan pa lang nilalagay ng mga tauhan ni Mayor ang mga kurtina na kulay Gold. Ang ganda ng pagkaka design ng mga kurtina, bagay na bagay din sa Brown Leather Sofa na bagong-bago pa. May mini-Bar Counter di sa tabi ng dinning area. Kasalukuyan pa itong inaayos ni She. Siya ang natuka sa Bar Counter, at kusina, para ayusin ang mga gamit.
"Pang-lima, bawal kang tumingin sa mga lalaking tauhan ko, at kahit sinong lalaki na nasa paligid mo." -Mayor Cody.
Napa unat ang likod ko, dahil sa sinabi ni Mayor. Napanganga rin ako, dahil sa sinabi niyang pang-limang kondisyon. Ang hirap naman nito, paano pala kung sasakay ako sa tricycle, o Jeep? Lalaki ang driver, pati ang conductor. Kapag bibili ako, paano kung lalaki pala ang nagtitinda? Haist! Ewan ko kay Mayor, ang gulo niya.
"Bilisan mong umakyat, Haide! Ang bagal-bagal mong kumilos." pasigaw na pagtawag niya sa akin. Nag-e-echo rin sa loob ng Penthouse ang malakas na boses ni Mayor.
Nakita ko rin sa sulok ng aking paningin na napatingin sa amin ang mga tauhan ni Mayor, dahil sa lakas ng kanyang boses. Para siyang may nalunok na microphone sa lakas.
"Nandyan na, Mayor." natatarantang sagot ko, habang patakbo akong umaakyat sa hagdan. Bago ako makarating sa second floor ay mabilis akong nagyuko, para hindi ko makita ang mukha ni Mayor. Mahirap na baka masigawan na naman ako ni Mayor Cody. Mukhang may regla pa naman siya ngayon, dahil biglang nagsusungit.
"Tatlo ang kuwarto dito sa taas, Haide. Itong nasa bungad ang magiging kuwarto mo." sabi ni Mayor, saka niya binuksan ang pinto ng kuwarto.
Humakbang ako papasok sa loob, at muli kong iginala ang aking paningin sa loob. Una kong napansin ang napakalaking kama. King size yata ito, dahil mas malapad ito na malayo, kaysa sa kama ko doon sa amin. Puting-puti rin ang bed sheets at mga punda ng unan, at comforter. Ang kurtina naman ay kulay Silver, pero may pa-dobli itong kulay dark grey, para hindi makita ang tao dito sa loob. Purong salamin kasi ang wall, kaya tagusan na makikita ang tao dito sa loob ng kuwarto, kapag hindi nakasara ang kurtina. Mabuti na lang at nasa mataas na bahagi ang kinalalagyan ng Penthouse, kaya hindi nakakailang ang tumabay dito sa may tabi ng glass wall. May sariling Sofa at Flat screen TV, kaya kahit hindi na ako lumabas ng kuwartong ito ay makakapanuod pa rin ako ng paborito kong Teleserye sa TV.
"Nagustuhan mo ba ang magiging kuwarto mo, Haide?" tanong sa akin ni Mayor. Lilingunin ko sana siya, pero naalala ko na bawal pala akong tumingin sa mga lalaki.
"Opo, Mayor, ang ganda po." nakangiting sagot ko. Hinawi ko rin nang bahagya ang kurtina, para makita ko ang labas ng Building.
"Huwag mong bubuksan ang manipis na kurtinang yan, baka masilipan ka nang nakatira sa kabilang unit. Panatilihin mong nakasara ang manipis na kurtinang iyan, Haide, at kapag matutulog ka naman ay isara mo itong mas makapal, para hindi ka makita dito sa loob." sabi pa ni Mayor, saka niya hinawakan ang string ng kurtina at tuluyan na nga niya itong isinara.
Mabilis akong tumalikod sa kanya, at muli kong ibinaling ang paningin ko sa Chandelier na nasa tapat ng coffee table. "Wow! Ang ganda ng ilaw." bulalas ko, habang nakatingala ako sa mga crystals na ginawang palamuti sa paligid ng mga ilaw. Para itong spiral raindrops na kumikinang kapag natatamaan ng liwanag.
"Galing pa yan ng ibang bansa." sabi ni Mayor, "Nagustuhan mo ba?" tanong din niya sa akin.
"Opo, Mayor, ang ganda-ganda po niya, bagay na bagay dito sa kuwarto." naka ngiting sagot ko.
"Halika dito, at ipapakita ko sa 'yo ang Walk-in Closet mo." pagtawag din niya sa akin, saka siya naglakad patungo sa loob ng isang Walk-in Closet. Dati ko pang pangarap magkaroon ng walk-in closet, pero hindi natupad. Maliit lang kasi ang kuwarto ko, kaya walang space, para sa walk-in Closet.
Sumunod ako kay Mayor sa loob ng walk-in closet, para makita ang loob nito. Napakamot pa ako ng aking ulo, dahil naisip kong wala naman pala akong dalang mga damit. Anong ilalagay ko sa loob ng walk-in closet? Ngunit pagpasok ko ay nakita kong punong-puno ng mga damit ang loob ng walk-in closet. May mga nakahirilang bag din sa isang glass cabinet, kaya kitang-kita ko ang laman nito. Sa kaharap naman nitong cabinet ay mga naggagandahang mga dress.
"Mayor, baka magalit ang may-ari ng walk-in closet na ito kung makikigamit ako. Sa labas ko na lang ilagay ang mga gamit ko, iilan lang naman ang mga damit na dala ko. Ilagay ko na lang sa maliit na drawer ng side table sa tabi ng kama." wika ko kay Mayor. Mabilis din akong lumabas, dahil ayaw kong galawin ang mga gamit sa loob. Aba, mahirap na, baka pagkamalan akong magnanakaw 'no.
"Haide, wait! Para sa 'yo lahat ang laman ng walk-in closet na ito. Bumalik ka rito!" pagtawag sa akin ni Mayor. Sinundan din niya ako at hinawakan ang braso ko, para pigilan akong makalayo sa may pinto.
Agad naman akong nag-iwas ng paningin, dahil baka lalo siyang sumigaw, kapag tiningnan ko siya. "Po? A-Akin ang laman ng walk-in closet na iyan, Mayor?" nagtatakang tanong ko. Muli ko rin sinilip ang loob, saka ako muling nagsalita. "Mayor, baka pabayara mo rin sa akin ang mga yan, ha? Wala akong perang ibabayad sa 'yo." tanong ko kay Mayor.
"Haide, sa 'yo talaga ang lahat ng nasa loob. Ipinabili ko ang mga yan, para may gamitin ka. Isuot mo lahat ng mga damit na gusto mo. Pati ang mga bags at sapatos ay sayong-sayo ang mga iyan." sabi ni Mayor Cody. "Haide, bakit hindi mo na ako tinitingnan? May dumi ba ako sa mukha, o pangit ba ako, kasi hindi ako nag-ahit ng balbas ko?" tanong sa akin ni Mayor.
"Mayor, kasasabi mo lang po ang pang-limang kondisyon mo. Sabi mo na bawal akong tumingin sa mga lalaki. Eh, lalaki naman po kayo, diba, Mayor? Hindi naman kayo babae, kaya hindi ko kayo puweding tingnang." sagot ko, habang nakatalikod ako kay Mayor.
"Pang-anim na kondisyon. Ako lang ang lalaking puwede mong tingnan, at titigan. Maliwanag!?"