NEW HOME‼️

1503 Words
MATAPOS akong i-check ng doctor ay pinayagan na rin akong makalabas ng hospital. May dumating din na mga tauhan si Mayor, para ayusin ang mga kailangan ko para sa paglabas ko. Wala na kasi si Mayor, pag-gising ko kaninang umaga. Mga tauhan na niya ang narito sa loob ng kuwarto ko. Nagtaka pa ako kasi lahat sila bumati sa aking ng "Good Morning, Ma'am Haide" habang nakayuko ang kanilang mga ulo sa harapan ko. Ano yun, ako na ang amo nila ganon? Nagpakilala din sila sa akin, isa-isa. Unang nagpakilala si She Bordeos, sumunod ang dalawang lalaki na sina Grey Gacusan, at Mark Bawega. Mga Private Bodyguard daw sila ni Mayor Cody, ngunit walang nakaka-alam ng kanilang tunay na identity. "Ma'am Haide, kumain ka po muna, bago tayo umalis dito sa hospital. Malalagot ako kay Mayor, kapag nagutuman kayo. Kabilin-bilinan pa man niyang alagaan namin kayong mabuti dito, at ihatid sa titirhan niyo na ligtas." saad ni She. Inilagay din niya ang mga pagkain sa ibabaw ng table, para makakain ako ng maayos. "Salamat, She. Sandali lang at mag CR muna ako." paalam ko kay She. Tumayo na rin ako, at hinanap ang tsenilas na ginamit ko kagabi. Mabilis naman akong nilapitan ni She, saka niya kinuha ang tsenilas na nasa ilamin ng hospital bed, para ipasuot sa akin. "Kumapit ka sa akin, Ma'am, at aalalayan kita papuntang banyo." sabi sa akin ni She. Humawak na lang ako sa braso niya, para hindi ako bumagsak, kapag nakaramdam ako ng pagkahilo. Sinamahan pa niya ako sa loob at dinala sa may toilet bowl, saka iniwan. "Sa labas lang ako maghihintay sa 'yo, Ma'am Haide. Pero kung kailangan mo ng tulong ko, huwag po kayong magdalawang isip na tawagin ako." saad niya sa akin. "Okay, She, salamat." sagot ko. Pagkalabas ni She, ay saka pa lang ako nagsimulang gawin ang mga routine ko. Mabilis lang akong natapos, dahil ayaw kong paghintayin si She ng matagal. Nakakahiya, mas maganda pa yata yun sa akin, pero ako ang tinatawag niyang Ma'am. Maganda ni She Bordeos, para siyang Beauty Queen, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit siya naging Private Bodyguard ni Mayor? Sayang naman ang mala-porcelana niyang kutis. Parang alaga din siya ni Vicky Belo, dahil sa ganda ng kanyang skin tone. Nahiya tuloy ako. Hindi ko pa nasubukan magpa-Derma sa buong buhay ko. Mahal eh, wala akong perang ipangbabayad sa Dermatologist. Paglabas ko ay agad din akong kumain. Tanghali na rin kasi, kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Kailangan ko pang inumin ang mga Vitamins na bigay sa akin ng Doctor. "Kain tayo. Tulungan niyo akong ubusin itong mga pagkain, ang dami-dami nitong dala niyo." pagyaya ko sa kanila. Ang dami naman kasi nilang biniling pagkain, tapos ako lang pakakainin nila. "Mamaya na Ma'am. Tapusin mo muna ang pagkain mo." sagot sa akin ni She. May ka-Text din siya sa kanyang Cellphone, kaya hindi siya gumagalaw sa kinau-upuan niya. "Kung ayaw niyo akong samahan kumain, hindi rin ako kakain!" nagtatampong saad ko. Biglang nagkatinginan ang tatlo, saka sila mabilis na tumayo at lumapit sa harapan ko. Agad din silang nagsikuha ng kanilang plato, saka sumandok ng kanilang pagkain. "Ubusin niyo lahat ang pagkain, bawal ang magtira, lalayasan kayo ng grasya." dagdag ko pa, kaya napangiti silang tatlo sa akin. Parang natakot din sila sa akin, dahil inubos nga nilang lahat ang mga dala nilang pagkain. Walang nasayang, at tinapon sa basurahan. Minsan ko nang nasubukan ang magutom ng husto sa kalye, at natulog sa gilid ng paader, pero ngayon ay parang takot na takot na akong muling magutom ng ganon at matulog sa labas. Kaya kahit anong hilingin ni Mayor ngayon, bilang kapalit sa pagpapatira niya sa akin sa bahay niya ay tatanggapin ko ng maluwag sa loob ko. MATAPOS namin kumain ay saka pa lang ako naghanda, para sa pag-alis namin. May dalang bagong damit si She, at iyon ang ipinasuot niya sa akin. Pakiramdam ko ay para akong papasok sa office, dahil sa damit ko. Light blue mini dress siya, pero may malabang sleeve na off shoulder. Pencil cut din ito, kaya bagay siya sa akin katawan, dahil maliit lang ang baywang ko, pero mabilog naman ang pang-upo ko. May bagong sapatos din siyang dala, kaya iyon ang isinuot ko. Parang sinukat din sa paa ko ang sapatos, dahil ang ganda ng fit nito sa paa ko. SABAY kaming naglakad ni She, palabas ng hospital. Nakasunod naman sa amin sina Grey, at Mark. Dala din nila lahat ng mga gamit na dinala ni Mayor sa Hospital. Pati ang Backpack ko ay sila na rin ang bumuhat. Hindi nila ako hinayaan na magbitbit ng kung ano, kaya naglakad na lang ako palabas. Sumakay kami sa isang bagong-bago na SUV. Auto-open door siya, kaya nagulat ako. Nasanay kasi ako sa kotse ni Papa na mano-mano bubuksan ang pinto. Pero itong kotse sa harapan ko, kotseng pang mayaman talaga. Ilang Million kaya ang halaga nito? Kasama kong sumakay sa loob ng SUV si She, samantalang nasa harapan naman ang dalawang lalaki. Si Mark ang driver, at si Grey naman ay naka upo sa passenger seat, habang abala sa kaka-Text. Parang kanina ko pa sila nahahalata na palitan sila sa pagte-Text. Parang napaka seyoso din ng kanilang mga mukha, kapag nagte-Text sila. Mabuti na lang at may babae na Private Bodyguard si Mayor. Kaya panatag ang loob ko na sumama sa kanila, para ihatid ako sa bahay na tutuluyan ko. Sana hindi gaanong malaki ang bahay, para madaling linisan. Hindi pa naman ako gaanong marunong sa gawaing bahay, dahil may kasambahay naman kami sa Probinsya. Paaralan at Shop lang ang alam kong puntahan. Tumutulong ako sa pagbebenta ng mga paninda ng mga magulang ko, tuwing wala akong pasok, kaya sanay na sanay ako sa pagtitinda. Pero huwag lang barat ang bumili, dahil makakarinig talaga siya sa akin ng masasakit na salita. Tahimik lang akong naka upo sa aking upuan, habang pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan naming mga gusali. Nakakapanibago lang kasi, dahil sa Probinsya namin ay sa City ka lang makakakita ng malalaking Building. PAGDATING namin sa harapan ng isang napakataas na Building ay biglang itinuro sa akin ni She ang Top Floor. "Ma'am, Haide, doon po tayo pupunta. Nasa Top Floor ang Unit ni Mayor, doon kayo titira, Ma'am. Sa bagong Penthouse ni Mayor Cody." sabi sa akin ni She. Nagtataka kong tiningnan ang itaas ng Buiding, para makita ang itinuturo sa akin ni She. Ngunit ang taas nito, at hirap akong tingalain ito. Pero ang Building ay mukhang bago. Parang bagong bukas pa lamang ang Condominium na ito, dahil napakaganda at subrang kintab ng mga salamin na pinaka wall nito sa labas. May ilang bahagi kasi nang Building ang purong salamin ang ginamit sa tagiliran, na nagbigay din ng kakaibang design sa Condo. Ang taas, sobra! Nakakalula siguro kapag nasa Balcony, dahil sobrang taas na nang kinaroroonan ng Penthouse ni Mayor. Akala ko simpleng bahay lang ang sinasabi ni Mayor na bagong bahay niya, hindi ko akalain na Penthouse pala ito. Naku po, nayari na, talagang malaking eskandalo ito, kapag may naka alam na ako ang titira sa bagong Penthouse ni Mayor Cody Silvestry. Mapagkakamalan talaga akong kabit ng isang Mayor nito. Pumasok ang kotse sa Basement Carpark. Ibinaba kami ni Mark sa tapat ng Elevator Lobby, para hindi na kami maglakad nang malayo ni She. Sumakay kami sa Elevator at nakita kong pinindot ni She ang 20th Floor. Ang taas pala ng kinaroroonan ng Penthouse ni Mayor. Sana hindi ako malula, kapag titingin ako sa ibaba. Pero excited akong makapasok sa loob. First time ko kayang maka apak nang Penthouse. Akala ko hanggang pangarap na lang na makapasok, at makita ko ang loob ng isang Penthouse. Pero ngayon, dito pala ako patitirahin ni Mayor. PAGBUKAS ng Elevator sa 20th Floor ay nalakad pa kami ng ilang metro. Nasa pinakadulo ang Main Door ng Penthouse ni Mayor. Wala din akong nakitang ibang pinto, maliban sa pinto ng Penthouse. Talagang bawat pintuan ay siniguradong magkakalayo, for Privacy na rin ng bawat nakatira dito. Pagtapat namin sa Main Door ay bigla itong bumukas. Napatingin ako sa taong nasa pintuan, at ganon na lang ang gulat ko, dahil si Mayor pala mismo ang nagbukas ng pinto. Naka ngiti pa siya sa akin, at kitang-kita ko ang malalim na dimple niya. "G-Good morning, Mayor." nahihiyang pagbati ko kay Mayor. Medyo nagyuko rin ako ng mukha, para itago ang pagba-blush ko. Kung bakit naman kasi si Mayor pa ang sumalubong sa amin. Akala ko ay nasa trabaho na siya. "Come-in, Haide, ito ang magiging bahay mo mula ngayon. Kompleto kana rin sa lahat ng kakailanganin mo dito. Mula sa mga gamit dito sa buong bahay, hannggang sa mga monthly bill, at pagkain mo dito. Nasa second floor ang magiging kuwarto mo, Haide. Pina kompleto ko na rin lahat nang mga gamit na kakailangan mo sa katawan. Pero mayroon lang ako hihilingin na kapalit nang lahat ng ito, Haide." sabi sa akin ni Mayor, habang inaalalayan niya akong umupo sa napakagandang Sofa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD