"Mayor, tumalikod ka muna." utos ni Haide kay Mayor. Magtatanggal na siya ng kanyang damit at undewe@r kaya ayaw niyang makita siya ni Mayor. "Okay, Babe. Bilisan mo, sobrang lamig dito sa likod ng bahay." sabi ni Mayor. Hinubad na rin niya ang kanyang damit, saka niya isinuot ang mas malaking bathrobe. Nasa loob naman ng dirty kitcken ang poso, ngunit sa lakas ng hangin ay malamig na ang loob ng bahay, kaya giniginaw talaga silang pareho. Matapos nilang makapag suot ng bathrobe ay saka pa lang sila umakyat sa taas ng bahay. Muling niyakap ni Mayor ang katawan ni Haide, dahil ginaw na ginaw na ito. Nanginginig rin ang katawan ni Haide, dahil sa pagkababad niya sa ulan kanina. Nadaanan nila ang mag-asawang katiwala sa may dining area, kaya nagpagawa si Mayor ng mainit na kapeng barako

