MATAPOS masiguro ni Mayor na maayos na ang kalagayan ko ay nag paalam na rin siyang uuwi. Ang dami pa niyang ibinilin sa akin, bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Napapa-iling na lang ako, dahil sa kakulitan ni Mayor. Ngayon ay unti-unti ko nang nakikilala ang mga katangian ni Mayor. Mabait siya, maasikaso at napakamaalalahanin niyang tao. Siya yung uri ng tao na kahit hindi mo hingian, o hilingin ang isang bagay sa kanya ay kusa niyang ibibigay sa 'yo na walang hinihintay na kapalit. Nakaligo na rin ako kanina, dahil sinabihan ako ni Mayor na maligo muna, bago niya ako iwanan dito sa Penthouse. Naka upo lang siya sa kama ko kanina, habang hinihintay niya akong lumabas ng banyo. Saka pa lang siya umalis nang maka labas na talaga ako ng banyo at naka suot na rin ng Pajama ko. Paja

