HAIDE'S POV..... HINDI ko alam kung matutuwa ako o maiinis, dahil umalis na ang hig@d na laging naka dikit sa asawa ko. Ang sarap niyang kalbuhin sa totoo lang. Kung puwede ko nga lang ipamukha sa kanya na ako ang legal na asawa ni Mayor, ginawa ko na. Naku!... Ang sarap niyang hampasin ng tray sa totoo lang. Pero darating din ang tamang panahon para mas@mpal ko ang hig@d na babaing iyong. Napa buntong hininga na lang ako dahil wala naman akong magagawa sa ngayon. Hindi rin ako gagawa ng kahit anong ikasisira ng pangalan ni Mayor. Napakaraming tao ang umaasa sa kanya, para tulungan silang maka bangon sa kahirapan. Kaya kailangan niyang manalo at muling maluklok sa puwesto, para magampanan niya lahat ang mga tungkulin niya bilang Mayor sa Lungsod na ito. Maka pagligpit na nga ng mga kin

