HAIDE'S POV..... PAG DATING namin ni Mayor ditonsa Penthouse ay agad na kaming kumain ng supper. Supper na talaga ito, dahil maghahating gabi na. Mga Japaneses Foods ang mga dala kanina ni Mayor. May Sushi, Tempura, Gyoza at Chicken Terriyaki. Dahil pareho kaming gutom, kaya naubos namin lahat ang mga pagkain. Kinain pa namin ang binili namin na Balut at Bibingka. Busog na busog kaming dalawa, dahil wala talaga kaming itinirang pagkain. DAHIL sa dami ng mga pinagkain namin ni Mayor, ay hindi muna kami natulog na dalawa. Binuksan ni Mayor ang balcony ng aming kuwarto at dito kami nakatayo sa balcony habang nakatanaw sa mga ilaw na nagmumula sa mga nagtataasang building dito sa Makati. Nakayakap rin si Mayor sa akin, mula sa likod ko. Tahimik lang din siya, kaya hindi rin ako nagsasalita

