HINDI ko namalayan ang sarili ko na nakatulog pala ako ng mahimbing pagkatapos ng mainit naming pagniniig ni Mayor Cody. Pag gising ko ay nakita ko ang guwapong mukha ni Mayor na naka tunghay sa akin. Naka ngiti rin siya sa akin at parang nagniningning ang kanyang mga mata. Agad rin niya akong dinampihan ng halik sa labi pagkagising ko. "How are you feeling, wife?" mahinang tanong niya sa akin. Hinawakan rin niya ang pisngi ko at hinaplos niya ito sa pamamagitan ng kanyang hinlalaki. "Sore..." sagot ko sa malat kong boses. "Wait here, mag pabili lang ako ng dinner natin, para maka kain muna tayo, bago kita bigyan ng gamot mo. Dito ka lang sa kama, Babe, dadalhin ko na lang dito sa loob ng room natin ang dinner natin mamaya." paalam sa akin ni Mayor Cody. Muli rin niya akong hinalikan

