UMALIS si Mayor Cody sa Penthouse, para puntahan ang kanyang ina na nasa hospital. Matulin niyang pinatakbo ang kanyang kotse na latest model ng Rolls Royce, para mabilis siyang makarating sa hospital sa Quezon city, kung saan naroon ang kanyang ina. Pagdating niya sa hospital ay agad siyang nagtungo sa entrance, upang puntahan ang kanyang ina. Napakalakas ng kaba ni Mayor, dahil sa pag aalala sa kanyang ina. Sa hagdan na rin siyang dumaan paakyat, dahil busy ang dalawang elevator ng hospital. Wala naman Private elevator ang hospital, kaya mas pinili niyang maghagdan, kaysa maghintay ng elevator na kay bagal umandar rin umandar. Agad naman siyang pinagbuksan ng kanyang mga tauhan, pagdating niya sa harapan nang pinto ng Private Room kung saan naka confine ang ina . Parang tinatambol an

