MAYOR CODY‼️

1802 Words
HAIDE'S POV... KAKAIBA ang pakiramdam ko nang magising ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, pero iisa lang ang alam ko sa mga sandaling ito. Napakaasakit ng ulo ko, at nauuhaw din ako. Sobrang dry na dry na ang lalamunan ko, at parang masakit rin ang pakiramdam nito kapag lumulunok ako. Pati ang katawan ko ay parang nanghihina rin, kaya ganon na lang ang pagtataka ko, kung bakit ganito ang aking pakiramdam. Pinilit kong igalaw ang aking mga daliri sa kamay, kasabay ng aking ulo. Ngunit napa ungol ako ng malakas, dahil lalong sumakit ang ulo ko. Parang pumipitik ito na makirot. Mabigat din sa pakiramdam nito na parang mabibiyak ang ulo ko. May naririnig din akong tumatawag sa akin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Ilang sandali pa ang lumipas, ay biglang may mga taong kumausap sa akin. Nagpakilala yung lalaki na doctor daw siya at nasa hospital ako. Kung anu-ano din ang tinatanong nila sa akin, at ginagawa sa katawan ko, para daw malaman nila kung may napinsala sa katawan ko, o wala. Napapaisip tuloy ako, kung ano nga ba ang nangyari sa akin, at kung bakit ako nasa hospital na ito? Sino ang nagdala sa akin dito? Baka singilin ako ng malaki dito sa hospital? Naku, saan naman kaya ako kukuha ng ipambabayad ko rito? Wala nga akong kapera-pera, dahil nadukutan ako sa Bus Station. "Ms. Lim, magpahinga ka muna dito sa hospital, hanggang bukas ng umaga. Kailangan mo rin kumain ng masusustansya, para mapabilis ang panunumbalik ng lakas mo. Pupuntahan ulit kita dito bukas, para matingnan ko ang BP mo, bago kita payagang makauwi." sabi ng doctor sa akin. Iniwan nila akong malalim na nag-iisip, dahil sa mga nangyari sa akin. Naka pikit ako ng aking mata at patuloy na iniisip kung ano talaga ang nangyari sa akin, nang may narinig akong boses ng lalaki na tumatawag sa pangalan ko, pero hindi ko naman kilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kaya bigla kong iminulat ang aking mga mata, at napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. "How are you, Haide? Are you feeling any pain? Are you hungry or thirsty?" magkakasunod na tanong sa akin ng matangkad na lalaki sa tabi ko. Hindi ko napansin kanina na may iba pa pala akong kasama dito sa kuwarto, kaya nagulat ako sa boses nito. Ngunit nang matitigan ko ang kanyang anyo ay bigla akong nakakita ng angel sa katauhan nito, dahil sa ganda nitong lalaki. Matangkad siya, may kalakihan din ang katawan at ang tangos ng ilong niya. Ngumiti din siya sa akin, kaya kitang-kita ko ang malalim na dimple niya sa kanan niyang pisngi. Ang guwapo niya talaga, grabe, sino kaya siya? Bakit niya ako kilala? Muli akong napalunok, para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko, bago ako sumagot. Kahit nahihiya ako ay binalewala ko na lang iyon, dahil gustong-gusto ko na talagang uminom ng tubig. "I'm thirsty..." sagot ko sa malat kong boses. Dios ko, nakakahiya naman kay Mr. Pogi, baka akalain niyang naka lunok ako ng palaka, kaya ganito kasama ang boses ko ngayon. "Hhhhhhmm!" malakas akong tumikhim, para mawala ang tila nakabara sa aking lalamunan. Kitang-kita ko ang mabilis na kilos ng lalaki patungo sa lamesa, at kumuha doon ng mineral water, saka niya ito binuksan at gustong ipainom sa akin. Nahiya ako, kaya iniwas ko ang mukha ko, saka ko kinuha ang bote sa kamay niya. Ngunit bigla akong na-kuryenti, dahil sa malakas na boltahe na nasa kamay ni Mr. Pogi. Bakit ganon, bakit ako nakuryente, eh wala naman siyang wire sa katawan. Pero binalewala ko na lang ang nangyari, dahil nauuhaw na ako. Agad kong tinungga ang hawak kong bote at mabilis itong ininom. Kukang na lang ay lunukin ko ang buong bote, para mapadali ang pagpawi ng aking uhaw. "Dahan-dahan, baka masamid ka." nag-aalalang sambit ng lalaki. Bigla akong napa ubo, dahil sa narinig kong sinabi ni Mr. Pogi. Nahiya tuloy ako sa kanya. Ano kaya ang pangalan niya? Artista kaya siya? Bakit ang guwapo-guwapo niya? Mabilis ang galaw ng lalaki, para daluhan ako. Pinabangon niya ako at pina upo sa kama, saka niya hinaplos ang likod ko. Parang naka ginhawa naman ang pakiramdam ko, dahil sa ginawa ng lalaki sa akin. "Oh, god! Kukunin mo na ba ako, at itong Anghel na ito ang ipinadala mong susundo sa akin dito sa lupa? Please po, lord, gawin mo na lang po siyang tao, at siya na sana ang magiging future husband ko. Mas gusto ko pang magpakasal sa lalaking ito, dahil nakita ko na siya ng personal. Ang guwapo niya, at para siyang artista." piping dasal ko, habang nakatitig ako sa mukha ng lalaki. "May dumi ba ako sa mukha, Haide, saang banda?" nagulat ako, dahil sa tanong sa akin ng lalaki. Kinapa-kapa din niya ang kanyang mukha, saka nito tiningnan ang mga daliri niya kung may dumi nga siya sa mukha. Nahihiya naman akong humingi ng paumanhin sa lalaki. "Pa-Pasensiya na po kayo, sir. N-Nagtataka lang po ako kung sino kayo, at bakit kayo ang nag-aasikaso sa akin dito." nahihiyang tugon ko. Tinanong ko na rin kung sino siya. Alanganin din ang ngiti ko dahil talagang nahihiya ako kay Sir Pogi. "I'm Mayor Cody Silvestre. Ako ang may-ari ng kotseng naka hagip sa 'yo, Haide, at ako rin ang nagdala sa 'yo dito sa Hospital." sagot sa akin ng lalaki. OMG! Mayor pala siya ng Manila, nakakahiya tuloy sa kanya. Naku! Hindi kaya niya ako kasuhan nito kung wala akong maibayad sa hospital? Mukhang mamahalin pa naman ang hospital na pinagdalhan niya sa 'kin. "K-Kayo po ang Mayor ng Manila?" nanlalaki ang mata kong tanong sa kanya. Bigla din akong kinabahan, dahil hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot sa kanya. Pero ang guapo niya promise, at mukhang bata pa siya. Teka, may asawa na kaya siya? "Ako nga, Haide. Huwag kang matakot sa akin, hindi naman ako nangangain ng tao." nakangiting sambit ni Mayor sa akin. Muli akong natulala, dahil mas guwapo talaga siya kapag naka-smile. Kitang-kita ko rin ang malalim na dimple niya sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. Nakatitig lang ako sa mukha ni Mayor, nang bigla na lang siyang kumindat sa akin. Naku po! Nahuli ako ni Mayor na nakatitig sa mukha niya. Bigla ko rin naramdaman ang biglang pag-init ng mukha ko, tanda na nangangamatis na ako ngayon sa pagka pula, dahil sa hiya. Kung bakit naman kasi ang hilig kong tumitig sa guwapo. Nahuli tuloy ako, pero hindi kulong. "Mas maganda ka pala, Haide, kapag nagba-blush ka. Para kang may make-up sa mukha, dahil sa pagkukulay rosas ng pisngi mo." tukso sa akin ni Mayor. Ano ba naman itong si Mayor, masyadong tapat, at laging nagsasabi ng totoo. Well, nasanay lang siguro ako na lagi akong sinasabihang maganda sa Probinsya, kaya hindi na bago iyon sa aking pandinig. Naputol ang usapan namin ni Mayor, dahil bigla kaming napatingin sa pinto. Narinig kasi namin ang magkakasunod na pagkatok sa pinto. Nagtataka rin ako kung sino ang dumating. Hindi naman siguro ako natagpuan ng mga magulang ko dito sa Manila. Pero kahit anong mangyari, hindi ako sasama sa kanila pauwi sa Probinsya namin. Ayaw kong magpakasal sa makunat na Chinese man. De bali nang tumangdang dalaga. Tumayo si Mayor, upang pag buksan ang tao na nasa labas ng pinto. Nanghahaba naman ang leeg ko, dahil sadyang may pagka-maretes ako. Gusto ko talagang malaman kung sino ang nasa labas ng pinto. Parang nawala din ang pananakit ng ulo ko, dahil sa pagka-maretes ko. Nakalimutan ko na masakit ang ulo ko kanina at pati panghihina ng katawan ko ay biglang nawala. Binuksan ni Mayor ang pinto at pinapasok ang taong kumakatok. Nagulat ako sa laki ng katawan lalaking bagong dating. Sinulyapan din niya ako, saka niya ako binati, habang may matamis na ngiti sa labi. OMG! Bakit kaya ang guguwapo ng mga tao dito? Para akong nanunuod ng TV, dahil sa kanila. "Magandang araw sa 'yo Miss Ganda. Salamat naman at gising kana, siguradong nagdiriwang na ngayon...." naputol ang sasabihin ng lalaki, dahil biglang tumikhim ng malakas si Mayor. Pati ako nagulat, dahil sa lakas ng pagtikhim niya. Akala mo naman naka lunok ng microphone sa lakas ng kanyang boses. Nakakagulat. "Stan, nagugutom na si Haide. Ibaba mo na sa lamesa ang mga dala mong pagkain, para makakain na kami." matigas ang boses ni Mayor na nag-utos sa lalaki na nagngangalang Stan. Pati mga pangalan nila, pangalan ng guwapo! Guwapo rin si Stan, at ang laki ng kanyang katawan at mga braso. Halata din ang six packs abs nito, dahil naka suot siya ng body fit na white shirt. "Stan, lumabas ka muna. Kumain kana rin sa labas. Tatawagan na lang kita, kapag lalabas na si Haide dito sa hospital." sabi ni Mayor sa lalaki. Tumayo din si Mayor sa harapan ko, at natakpan na ng kanyang malaking katawan si Stan. Naka halukipkip din siya, at tila sinadya pa niyang palabasin ang naglalakihan nitong biceps at triceps. Bigla din nanikip ang suot nitong light blue polo shirt, dahil sa ginawa niyang pag flex ng katawan "Okay, Boss..." narinig kong sagot ni Stan. Malalaki din ang hakbang nitong nagtungo sa may pinto, at binuksan ito saka siya lumabas. Sumunod naman si Mayor sa kanyang tauhan, saka nito ni-lock ang pinto. Napakunot akk nang noo, dahil hindi ko alam kung tama bang i-lock ni Mayor ang pinto ng kuwarto na kinaroroonan namin. Hay, bahala na nga. Sige na lang, total, guwapo naman ang kasama ko dito sa loob. "Alam kong nagugutom kana, Haide, kaya nagpabili ako sa tauhan ko ng masarap na bulalo, at beef Caldereta." nakangiting sabi ni Mayor, habang binubuksan niya ang mga lagayan ng mga pagkain. Bigla din kumulo ang tiyan ko, dahil bigla akong nakaramdam ng gutom pagka amoy ko sa usok ng mga ulam. Napa kagat-labi ako, dahil nahihiya ako kay Mayor Cody. Alam kong narinig niya ang lakas nang tunog sa aking tiyan. "Humigop ka muna ng sabaw, para mainitan ang sikmura mo. Mukhang puno ng hangin ang tiyan mo, dahil ilang araw kang hindi kumain dahil sa pagkaka-coma mo." sabi ni Mayor, saka niya ibinigay sa akin ang plastic bowl na nilagyan niya ng umuusok na sabaw. "T-Thank you, Mayor." nahihiyang pasalamat ko. Tinanggap ko rin ang bowl na iniaabot niya sa akin, at agad kong nilapit sa ilong ko, upang maamoy ang mabangong usok ng sabaw. "Be careful, it's hot." sabi ni Mayor, saka niya muling hinawakan ang kamay kong may hawak na bowl. Napatingin din ako sa mukha ni Mayor Cody, at tinitigan ko ang mga mata niya. Ay, grabe, ang hahaba naman ng mga pilik mata niya, tinalo pa ako. "Ihipan mo muna bago mo higupin, para hindi mapaso ang dila mo." nag-aalalang sambit nito sa akin. Grabe!... Kinikilig ako sa mga ginagawa sa akin ni Mayor...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD