HOMELESS‼️

1653 Words
NAGLAKAD PALAYO sa Bus Terminal si Haide. Naisip niyang hindi na rin maibabalik sa kanya ang nawalang cellphone at wallet, kaya minabuti na lamang niyang maglakad at maghanap ng mapapasukang trabaho. Naka tapos naman siya sa Senior High, at nasa second year na rin siya sa College. Kaya umaasa siyang may tatanggap sa kanya, kahit magtinda lamang siya ng kung anu-ano sa mga tindahan. Sanay na sanay naman siyang maging Tindera, dahil bata pa lang siya ay tumutulong na siya sa pagtitinda sa kanilang Chinese Gift Shop and Accesories. May nadaanan siyang Cellphone Shop, kaya pumasok siya sa loob para magtanong. Umaasa din siyang makakapasok siya ng trabaho doon. "Magandang araw po. Magtatanong lang po sana ako kung naghahanap po ba kayo ng Saleslady dito? Mag-aapply po sana ako." Tanong ni Haide sa magandang babae na may edad na nasa counter. Ito lamang kasi ang nakikita niyang tao sa loob kaya dito siya nagtanong. "Wala na kaming bakante dito. Subukan mo doon sa kabila, baka hindi pa sila naka hanap ng bagong tendera." Sagot sa kanya ng babae. Medyo may pagkamataray din ang babae, at kung tingnan siya at suriin nang babae ang katawan niya ay para siyang mahuhub@ran, kaya umalis na lamang si Haide. Muli siyang pumasok sa tindahan ng mga cellphone and accesories sa tapat ng shop na pinanggalingan niya, at muling nagtanong. "Ate, puwede po bang mag-apply ng trabaho?" Bungad niya sa babaeng nakita niya sa loob. Nanghihina na rin siya dahil sa gutom, kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Anong natapos mo? Baka naman simpleng pagbarya lang sa costumer ay hindi ka marunong? Baka malugi pa ang negosyo ko sa 'yo, kung sakaling ikaw ang maging tendera dito! Baka puro pagpapaganda lang atupagin mo dito at hindi ang pagtitinda?" Mataray na tanong sa kanya ng babae. Tinaasan din siya ng kilay nito, kaya medyo natakot siya sa mukha nito. "Pasensya na po kayo. Hindi na lang po ko mag-aapply dito." Sagot ni Haide, saka naka yukong lumabas sa shop. Tuloy-tuloy na naglakad si Haide, upang maghanap ng lugar kung saan siya puweding magpahinga. Nagugutom na rin siya, a nag a-away-away na ang mga alaga niya sa tiyan. Naririnig din niya ang lakas ng tunog nito, kaya hinawakan na lang niya ang tiyan, habang naglalakad siya. Nasa mga tindahan siya ng mga damit at sapatos sa Quiapo, kaya napakaraming tao ang nagsisiksikan sa pagitan ng mga nagtitinda. Malapit na rin mag dilim, kaya ang mga nagtitinda ay naglabas na rin ng kanilang mga paninda. Magpapasko na rin kaya napakaraming tao ang namimili sa gabi, dahil hindi na gaanong mainit mag shopping kapag gabi. Hindi pinansin ni Haide ang mga tao sa paligid niya. Ang tanging nasa isipan lamang niya ngayon ay ang magkaroon siya ng lugar na puweding masilungan. Kung hindi lamang sana siya nadukutan kanina, siguro hindi siya nagpapalaboy ngayon. Dahil sa patuloy na paglalakad ni Haide ay dinala siya ng kanyang mga paa sa harap ng simbahan. Napatigil sa paglalakad si Haide, at pinagmasdan niya ang harap ng simbahan. Napangiti si Haide, dahil bukas ang pinto ng simbahan kaya muli siyang humakbang patungo sa loob nito. Buhhdist ang mga magulang ni Haide, ito ang religion na naakamulatan nila. Pero si Haide ay mas naniniwala siya sa Dios at nagsisimba talaga siya linggo-linggo. Tutol man ang mga magulang niya noon na maging Catholic siya ay walang nagawa ang mga ito kaya pinagbigyan na lamang siya ng mga magulang, dahil sa Pilipinas naman sila naninirahan. Tuloy-tuloy na naglakad si Haide, patungo sa harapan ng altar at doon siya lumuhod at taimtim na nagdasal. Hindi napigilan ni Haide ang kanyang sarili na hindi mapaluha, dahil sa mga nangyari sa kanya sa Maynila. Hindi naman ito ang unang beses siyang nakarating ng Maynila, ngunit ngayon lang siya lumuwas na mag-isa. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin susuko si Haide. Alam niyang may Dahilan ang lahat, kaya ito nangyayari sa kanya. Matapos niyang mag dasal at humingi ng kapatawaran sa panginoon, dahil sa paglalayas niya sa kanila ay muli siyang tumayo at nagpunta sa pinaka sulok at doon siya umupo at muling nagdasal sa dios. Hindi namalayan ni Haide ang paglipas ng mga oras, hanggang sa nakatulog na rin siya sa kina u-upuan niya. MAGSASARA na sana ng Simbahan ang mga sakristian ng Pare, nang mapansin nila ang isang babae na natutulog sa isang upuan sa dulong bahagi. Agad nilang nilapitan ito upang gisingin at pauwihin sa bahay nito. "Miss, miss, gumising kana. Magsasara na ang Simbahan, lumabas kana at bukas kana ulit mag simba dito." Saad ng isang lalaki na naka damit ng puti. "Miss, balik ka na lang bukas kung gusto mong magdasal. Baka hinahanap kana ng pamilya mo, gabing-gabi na at dito kana rin naka tulog sa loob ng simbahan." Sabi naman ng isa pa. Agad na bumangon si Heide, dahil bigla siyang nahiya sa dalawang lalaki na nasa harapan niya. Kaya minabuti na lang niyang mag paalam sa dalawang lalaki. "Pasensya na po kayo, kung dito ako nakatulog. Aalis na po ako at babalik na lamang po ako bukas dito para mag simba ulit." Nahihiyang paalam ni Haide. Binuhat din niya ang kanyang bag at tuloy-tuloy itong lumabas sa malaking pintuan ng simbahan. Pag labas ni Haide sa simbahan ay umupo lamang siya sa gilid ng pader ng simbahan. May shelter naman ito, kaya hindi na siya mababasa kung u-ulan. Muling nakatulog si Haide sa labas ng simbahan habang naka upo, at yakap nito ang kanyang bag. Ayaw niyang mawala ito, dahil nasa loob nito ang mga mahahalagang papeles na gagamitin niyang maghanap ng trabaho. Balak din niyang mag ikot-ikot sa lugar bukas, at magbakasakaling may makita siyang puweding pasukan na trabaho. Kinaumagahan ay nagising si Haide, dahil sa tawag ng kalikasan. Tumayo siya at naghanap ng cr. Isang araw na siyang hindi kumain, at puro tubig lang laman ng tiyan niya. Ngunit ngayon ay humihilab naman ang tiyan, dahil siguro sa lamig. Nagtungo siya sa likod ng simbahan at nagbaka sakaling may Comfort Room doon. Hindi naman nabigo si Heide, dahil may naka lagay naman na Comfort Room sa likod, kaya maabilis siyang pumasok upang makigamit ng cr. May nakita din siyang balde na puno ng tubig, kaya binuhat niya ito at ginamit sa paglilinis ng kanyang katawan. Kahit napaka lamig ng tubig na magdamag na nasa balde ay hindi niya ito pinansin. Nang masiguro ni Haide na malinis na siya at nakabihis nang maayos ay muli siyang bumalik sa harapan ng simbahan at doon dumaan patungo sa mga tindahan sa paligid. May nakita kasi siyang pera sa bulsa ng pantalon na suot niya kanina, kaya natuwa siya at nagkaroon ng pag-asa. Naibulsa pala niya ang barya niya sa bus, pa- Maynila, kaya may ibibili na siya ng kanyang pagkain. Naghanap siya ng kainan na mura lang ang mga paninda, upang makatipid siya. Habang hindi pa siya nakakahanap ng trabaho ay kailangan mapagkasya niya ang mahigit limang-daan na natitira sa kanya. Nang makita niya ang isang Toro-toro ay agad siyang pumunta doon at nag order ng kanin at monggo. Iyon lang kasi ang pinaka mura sa mga tinda nilang ulam, kaya iyon na lamang ang kinain niya. Agad na kumain si Haide, saka uminom ng maraming tubig. Gutom na gutom talaga siya, kaya kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao ay hindi niya iyon pinansin. Kumuha din siya ng tubig sa gallon ng mineral water, para may mainom siya mamaya. Paglabas ni Haide sa karenderia ay bigla na lang siyang tumawid sa kalsada. Dahil sa tuwa niya na nalamanan ang kanyang sikmura ay hindi na pumasok sa isipan niya na tingnan muna ang kaliwa't kanan, bago siya tumawid. GULAT NA GULAT ang driver ng isang kulay itim na Mercedes-Benz SUV, dahil sa biglang pagtawid ng isang babae. Agad naman siyang nag preno, ngunit nahagip pa rin niya ang isang babae. "Mayor, may nabangga tayo!" Puno ng pag-aalala na sambit ng Driver. Lumingon din siya sa lalaking naka upo sa likuran, upang makausap ito. Hinahaplos naman ng lalaking naka upo sa back seat ang kanyang noo na na-untog sa likod ng upuan kanina, dahil sa biglang pag preno ng kanyang driver. "Tingnan mo kung buhay pa, para madala natin sa hospital!" Utos niya sa kanyang tauhan sa naka upo sa passenger seat. Agad na bumaba ang driver at isang Bodyguard na kasama ni Mayor Cody Silvestre. Ang Re-elect Mayor ng Maynila. Kilalang-kilala ito sa lugar, dahil sa ganda ng pamamalakad nito sa kanyang nasasakupan. Tao din ang naki usap sa kanya noon na muling kumandidato. At sa susunod na halalan ay muli na naman siyang kakandidato para sa ikatlong termeno bilang Mayor ng Lungsod. "Mayor, mukhang nabagok ang ulo at nahimatay. Kailangan natin siyang dalhin sa Hospital, para matingnan ng Doctor. Kawawa naman, ang ganda pa naman ng babae at mukhang bata pa." Ulat ng Bodyguard ni Mayor, kaya biglang bumaba si Mayor Cody, upang makita ang sinasabi ng Bodyguard na maganda at batang-bata na nabangga nila. Napakarami na rin mga tao sa paligid ang nanunuod sa kanila. Marami din nagsisigawan na kababaehan, dahil nasilayan nila ang pinaka guwapo at pinakabatang naupong Mayor ng Maynila. "Mayor Cody.... I love you!..." Malakas na tili ng isang babae, ngunit hindi naman ito pinansin ni Mayor. Ang paningin at isipan ni Mayor ay nasa babaeng naka handusay sa kalsada at duguan ang noo. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lang binuhat ni Mayor ang dalagang walang malay-tao at mabilis na dinala sa loob ng kanyang sasakyan. Bigla din siyang kinabahan ng husto, at nag-alala sa kalagayan ng dalaga. Yakap niya ang dalagang walang malay-tao sa likod ng sasakyan at hindi alintana ang umaagos na dugo mula sa noo nito na napupunta sa suot niyang light-blue polo shirt. "Bilisan mo, Doro! Baka maubusan ng dugo si Miss Ganda..." Utos niya sa kanyang driver. Hindi rin napansin ni Mayor ang itinawag niya sa walang malay-tao na dalaga. "Miss Ganda."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD