MATAPOS ang Dinner Date nina Haide at Mayor Cody ay agad na ipinahatid ni Mayor si Haide sa Penthouse nito. "Matulog kang maaga, Babe. Huwag mo na akong hintayin, dahil uuwi ako sa bahay ngayong gabi. Doon ako matutulog. Ilang araw na rin akong hindi nagpapakita kay Mommy, baka galit na iyon sa akin." paalam ni Mayor Cody, habang nilalagay niya ang seatbelt ni Haide. Dinampihan rin niya ng halik ang lips ng asawa, bago niya inilabas ang ulo niya mula sa loob ng kotse. "Okay, Mayor, mag-iingat ka sa daan mo. Alam kong marami ang naghahangad ng masama sa 'yo. Umuwi ka rin deretso sa bahay niyo. Mahirap na, baka masundan ka ng mga kalaban mo." nag aalalang paalam ni Haide. Inayos rin niya ang necktie ni Mayor, dahil basta na lang niya itong itinali kanina. "Yes, Boss..." sagot ni Mayor

