MAGKASUNOD na bumagsak ang dalawang lalaki sa tabi ni Mayor Cody, dahil sa magkakasunod na tama ng b@la sa kanilang mga likod. Magkakasunod na pag-igting ng panga ang ginawa ni Stan, dahil sa galit niya sa mga kalaban na umabang kay Mayor Cody. Ibinaba niya ang hawak niyang bar*l at muling isinukbit sa likod nito. Malalaki ang hakbang ni Stan na lumapit kay Mayor Cody, at tinulungan niya itong bumangon. "Boss! Ayos ka lang, Boss?" nag aalalang tanong ni Stan. Hinawakan niya ang kamay ni Mayor at hinila niya ito para makabangon. "Ayos lang ako, Stan. Salamat." sagot ni Mayor. "Naunahan ako ng mga p*t@ng *na na 'yan." saad ni Mayor, saka siya dumura ng d*go. Hinawakan niya ang kabilang baba at tinulak niya ang panga pa-kaliwa, at ganon din sa kanan. Hinawakan din niya ang kanyang baywan

