HINGAL NA HINGAL si Mayor Cody na bumagsak sa ibabaw ni Haide. Nilubog pa niya ang mukha sa leeg ng asawa, habang habol pa rin niya ang kanyang hininga. Masayang masaya rin siya, dahil muli na naman niyang naka ulayaw ang asawa. Ang tanging babae na nagpapabaliw sa kanya. Agad rin ipinikit ni Haide ang kanyang mga mata, dahil sa matinding pagod at panghihina. Pakiramdam niya ay naubos na lahat ang kanyang lakas, dahil sa pagniniig nilang mag asawa. Pagod man siya, ngunit may ngiti pa rin sa kanyang labi na nakapikit. Muli pang hinalikan ni Mayor ang naka awang na labi ng asawa, saka siya bumaba mula sa ibabaw nito. Hinila rin niya ang comforter, at itinakip ito sa hub@d nilang katawan, saka niya niyakap si Haide ng mahigpit. Magkayakap silang dalawa, habang hingal na hingal pa rin dahil

