MAAGANG sinundo ni Mayor Cody ang kanyang asawa sa Restaurant. Matiyaga rin siyang nag hintay sa pagbaba ni Haide sa Basement Carpark, para sumakay sa kotse niya. Mag kalahating oras na rin siyang naghihintay doon. Maaga siyang umalis sa City Hall, dahil gusto niyang mauna sa Carpark, bago pa bumaba si Haide. May binili rin siyang bulaklak para sa asawa. Pinili pa niya ang mga bulaklak na hindi pa namukadkad. May isang box rin na chocolates itong kasama at isang dosenang special cup cakes na iba-iba ang flavor. Nakakaramdam na rin ng antok si Mayor, dahil sa tagal niyang nag hihintay sa loob ng kotse. Ipinikit na lang niya ang kanyang mata, upang umidlip muna siya saglit, habang hinihintay si Haide. Tahimik lang din ang kanyang kanang kamay na si Stan, habang panay ang text niya sa kausa

