NAG-AALALA ng husto si Mayor Cody, dahil dalawang araw nang hindi nagigising si Haide. Hindi rin niya iniwan ang dalaga, dahil gusto niyang makausap agad ang magandang dalaga na nahagip ng kanyang sasakyan, kapag gumising ito. Nagpakuha lang siya ng mga gamit niya sa kanyang mga tauhan, para may mapag bihisan siya sa hospital. May sariling banyo naman ang Private Room, kaya makakaligo siya roon at makakapagbihis. Malaki din ang Sofa, kaya doon siya natutulog sa gabi.
Ilang beses din niyang binasa ang mga dalang papeles ng dalaga na nasa loob ng bag nito, kaya nalaman niya ang tunay na pangan ni Haide.
"Haide Lim, 20 years old." Malakas na bigkas ni Mayor sa binabasa niyang Bio Data na nakita niya sa loob ng isang envelope. Kasama din ng Bio Data ang Birth Certificate at Diploma ni Haide.
Bigla din nagkaroon ng idea si Mayor, kung paano siya makakabawi sa dalaga. Napa ngiti siya at napatingin kay Haide na mahimbing pa rin ang tulog. Muli niyang pinagmasdan ang napakaganda at napaka among mukha ng dalaga, saka siya bumaling sa kanang kamay niyang si Stan.
"Stan, tawagan mo si Benjie. Sabihin mong huwag na siyang maghanap ng bagong waitress. May ipapasok ako doon." Utos ni Mayor sa kanyang kanang kamay na si Stanley.
"Yes, Mayor." Agad din na sagot ni Stan. Naka upo ito sa Sofa na nasa loob ng Private Room na kinuha ni Mayor, para kay Haide. Lihim din na napangiti si Stan, dahil may idea na siya kung sino ang taong ipapasok ni Mayor, bilang waitress sa Dynasty Cuisine Restaurant na pag-aari ng pinsan ni Mayor.
"Ipaayos mo rin ang bago kong Penthouse, para may matuluyan si Miss Ganda, kapag nagkamalay na siya." Muling utos ni Mayor.
May bago siyang biling Penthouse, ngunit hindi pa ito na-a-ayos, dahil wala naman titira doon. Pero ngayon ay gusto na niyang ipa-ayos, at kompletuhin ang mga gamit sa loob, para may matuluyan lamang ang dalagang hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay-tao. Kinuha rin ni Mayor ang kanyang wallet, at kinuha mula sa loob nito ang isa niyang Debit Card at ibinigay kay Stan.
"Gamitin mo ito, para sa pagbili ng mga gamit sa Penthouse. Gusto kong lahat nang bibilhin mo ay mamahalin at Imported. Ibili mo rin nang maraming damit at sapatos si Miss Ganda, para may gamitin siyang pamalit. At gusto ko, manatiling lihim ang gagawin mo, Stan. Ayaw kong malaman ni Mommy na bumili ako ng bagong Penthouse at may babaeng patitirahin doon." Bilin ni Mayor, habang iniaabot ang Debit Card kay Stanley.
"Makakaasa ka Mayor. Gagawin ko lahat ang bilin mo, at sisiguraduhin ko rin na walang malalaman si Madam Teresa." Sagot ni Stan. Tumayo na rin ito at kinuha ang Debit Card na nasa kamay ni Mayor.
"Salamat Stan, maaasahan talaga kita. Bilisan mo ang trabaho, dahil doon ko dadalhin si Miss Ganda kapag nagkamalay na siya."
"Yes Mayor." Tumatango na sagot ni Stan, naka ngiti rin ang lalaki, dahil natutuwa siya sa kanyang amo.
Sa tagal na naglingkod ni Stan kay Mayor Cody ay ngayon lang ito nagkaroon ng interest sa isang babae. Kahit napakaraming babae ang nakapaligid kay Mayor Cody, at handang ibigay ang katawan nila sa lalaki ay hindi niya ito pinatulan. Kahit hindi sabihin ni Mayor ang tunay na nararamdaman nito ay nahuhulaan na kaagad iyon ni Stan. Kinuha ni Stan ang kanyang kulay itim na Jacket, at isinuot ito, upang hindi makita ng mga tao ang G*n H*lster na nasa katawan niya at may naka sabit rin mga bar*l at bala sa mga lagayan. Lalo tuloy nagmukhang malaking tao si Stan, dahil sa umbok ng suot niyang jacket. May dalawang hand g*n sa katawan nito at mga magaz*ne kaya ganon na lang ito kaumbok. Matangkad din na lalaki si Stan at malaki ang katawan. Kung wala itong suot na damit ay makikita ang naglalakihan nitong Biceps at Triceps, samahan pa ng anim na malalaking six pack abs niya na kay sarap pisil-pisilin. Kapag nag flex naman ang katawan ni Stan ay lalong lumalaki ito, dahil naglalabasan ang mga muscles niya sa likod at tagiliran.
Kung ikukumpara si Stan sa katawan ni Mayor Cody ay mas malaki siya kaysa kay Mayor. Si Mayor ay matangkad at maganda rin ang katawan, ngunit katamtaman lang laki ang nito. Pang Male Model ang katawan ni Mayor Cody, kaya ang daming nahuhumaling na mga babae sa kanya.
Pagka-alis ni Stan ay may tinawagan naman si Mayor Cody. Nakatayo siya sa tapat ng bintana at tinatanaw nito ang magandang tanawin sa ibaba ng building. Halos pabulong din ang pagsasalita ni Mayor, kaya walang makakarinig sa kanyang mga sinasabi.
****
UNTI-UNTING gumagalaw ang mga daliri ni Haide, at bahagyang iginalaw din nito ang kanyang ulo. Napa kunot noo siya dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo at lalamunan. Pakiramdam din niya ay ang bigat ng kanyang ulo, kaya napadaing siya sa sakit.
"U****H!" Mahinang daing niya. Gusto rin niyang gumalaw, ngunit hindi siya makagalaw. "H*****mph!" Muli niyang daing. Mas malakas din ito, kaya napalingon si Mayor Cody sa kanya.
"Haide?" Kinakabahan na sambit ni Mayor. Kitang-kita rin niya ang pag galaw ng ulo at mga kamay ni Haide.
Biglang natuwa si Mayor Cody, at agad na nag paalam sa kausap niya sa cellphone. Malalaki ang hakbang niya na lumapit sa kama ni Haide, at sinalat pa nito ang noo ng dalaga para malaman niya kung may lagnat ito. Ngunit normal naman ang temperature ng dalaga, kaya minabuti niyang pindutin na lang ang buzzer para tumawag ng Nurse at Doctor.
Hindi naman nagtagal at magkakasunod na pumasok ang isang Doctor at dalawang Nurse. "Mayor, anong problema sa pasyente?" Bungad na tanong ng Doctor, kay Mayor Cody.
"Doc, gising na ang pasyente." Sagot naman ni Mayor, habang may matamis na ngiti sa labi. Lumabas din ang isang dimple nito sa kanang bahagi ng kanyang pisnge, kaya lalong gumuwapo ang mukha nito.
"Magandang balita yan, Mayor. Sandali lang at titingnan ko ang kalagayan ni Miss Lim." Saad ng Doctor, saka nito nilapitan si Haide.
Agad na pinulsuhan ng Doctor si Haide, saka ginamitan niya ito ng stethoscope sa dibdib. Binuka din ng Doctor ang magkabilang mata niya, saka inilawan ito gamit ang compack flashlight. Tahimik lang na nakatayu si Mayor Cody sa paanan ng kama at naghintay na matapos ang Doctor sa ginagawa nito.
Laking pasalamat ni Mayor Cody sa Doctor, matapos sabihin na ligtas na ang dalaga. Minor lang din ang mga natamo nitong sugat o gasgas sa noo at braso, dahil sa malakas na pagkakasadsad nito sa semento nang mahagip siya ng kotse. Kinamayan din ni Mayor Cody ang Doctor, at nagpasalamat sa magandang service nito at pag-aalaga sa dalagang nabangga ng kanyang kotse.
Matapos lumabas ang Doctor at mga Nurse ay saka pa lang nilapitan ni Mayor Cody ang dalaga. Naka kunot naman ang noo ni Haide, dahil nagtataka siya sa kanyang paligid. Pumikit din siya at pilit niyang inaalala kung anong nangyari sa kanya, bakit siya nasa Hospital. Napag tanto lamang niyang nasa Hospital siya, dahil sa Doctor na kumausap sa kanya. Tinanong pa siya kung ano ang tunay niyang pangalan at kung taga saan siya. Nasagot naman niya iyon ng tama, kaya sinabihan lang siya ng Doctor na mag pahingang mabuti at kumain ng marami, para manumbalik ang lakas ng kanyang katawan.
Tumayo si Mayor Cody sa tabi ng higaan ni Haide, at pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga. Mariin na nakapikit si Haide, dahil sa patuloy nitong pag-iisip kung ano ang nangyari sa kanya, bakit siya nasa hospital ngayon. Ang huling natatandaan niya ay kumakain siya sa isang Toro-toro. Hanggang sa biglang sumagi sa isipan niya ang kanyang paglabas sa maliit na kainan na iyon at nagmamadaling tumawid ng kalsada. Bigla siyang napamulat ng mata, matapos niyang maalala ang totoong nangyari sa kanya. Bigla din siyang natakot, at kinakabahan para sa kanyang sarili, kaya tiningnan niya ang kanyang kamay at kinapa din ang sariling katawan, upang malaman niya kung kompleto pa ba ang kanyang kamay at paa.
"How are you, Haide? Are you feeling any pain? Are you hungry or thirsty?" Magkakasunod na tanong ng isang lalaki ang nagpalingon kay Haide. Hindi niya napansin na may kasama siya sa loob ng kuwartong iyon, kaya nagulat siya sa boses ng lalaking biglang nagsalita.
Hindi kilala ni Haide ang lalaki na nasa harapan, ngunit alam niyang mabuti itong tao. Kaya ng magtanong sa kanya ang lalaki kung nagugutom siya o nauuhaw ay bigla siyang sumagot "I-I'm thirsty." Sagot niya sa lalaki sa malat na boses. "Hhhhmm!" Malakas na pagtikhim niya, para mawala ang tila naka bara sa kanyang lalamunan.
"Just a momment, I'll get you some water to drink." Saad ni Mayor Cody, saka malalaki ang hakbang niyang lumapit sa maliit na round table, kung saan nakalagay ang mga ipinabili niyang tubig at pagkain sa kanyang Bodyguard.
Kinuha nito ang isang katamtamang laki ng Mineral water at isang asado bun, para ibigay sa dalaga. Binuksan din niya ang mineral Water, bago ibinigay kay Haide. "Here, uminom ka muna." Sambit ni Mayor, saka niya inilapit ang bunganga ng plastic bottle sa bibig ni Haide.
Agad naman na iniwas ni Haide ang kanyang mukha sa plastic bottle at nahihiyang kinuha ito sa kamay ng binata ang hawak nitong bote ng tubig. "Ako na lang po ang hahawak, kaya ko na po." Saad ni Haide. Nahihiyang kinuha niya ang Plastic bottle. Hindi rin sinasadyang magdikit ang kamay nila ni Mayor Cody, kaya nagulat siya. Parang napaso ang pakiramdam niya, kaya bigla niyang itinaas ang kanyang kamay. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang mga daliri, paakyat sa kanyang kili-kili, at kumalat sa kanyang katawan.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Mayor Cody.
"Y-Yes, okay lang po ako." Nahihiya at malumanay na sagot ni Haide, saka muling kinuha ang tubig. Hindi na rin niya pinansin ang nararamdaman niya, dahil sa nararamdaman niyang uhaw. Itinungga niya ang isang boteng Mineral Water, hanggang maubos ito.
"Dahan-dahan lang, baka masamid ka." Nag-aalalang sambit ni Mayor. Hinawakan din niya ang plastic bottle at balak na pahintuin si Haide sa pag-inom nito. Ngunit muling napaso si Haide, dahil sa kuryenteng hatid ng kamay ni Mayor Cody.