PAGDATING ni Mayor Cody sa Basement Carpark sa Penthouse ni Haide ay patakbo pa siyang nagtungo sa elevator at sumakay. Hindi na rin niya tinanggal ang suot niyang helmet, dahil hindi siya naka dala ng facemask at sunglasses niya sa kamamadali kanina. Pati ang kanyang wallet ay nakalimutan rin niyang dinala, dahil sa takot niya sa puweding mangyari kay Haide. Mabuti na lang at nailagay niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone, kaya may pantawag siya sa mga tauhan niya. Paglabas niya ng elevator ay muli na naman siyang tumakbo, patungo sa pinto ng Penthouse ni Haide. Mabuti na lang dahil may passcode siya, kaya kahit wala siyang keycard ay makakapasok pa rin siya sa loob ng Penthouse. Pagbukas niya ng pinto ay mabilis rin niyang isinara at nagsisigaw siya ng pagkalakas-lak

