PASYENTE‼️

1908 Words
"Saan ka tumutuloy dito sa Maynila, Haide? Nakita ko ang address mo sa mga papeles na nasa loob ng bag mo. San Rafael ang naka lagay na address mo doon, kaya alam kong taga probinsya ka. Kung wala kang matuluyan na kamag-anak o kaibigan dito sa Maynila, hayaan mong tulungan kita. Nasa custody na rin kita ngayon, kaya lubos-lubusin ko nang tumulong sa 'yo. May bahay akong walang nakatira, kung gusto mo ay doon kana lang tumira. Lebre na lahat, tubig, kuryente, wifi. Ang gagawin mo lang ay bantayan ang bahay ko, at linisan ang loob." mahabang salaysay ni Mayor. Napanganga na lang ako, dahil sa pakikinig sa kanya. Hindi rin ako makapaniwalang aalukin niya akong tumira sa bahay niya. Gusto kong tanggapin ang offer sa akin ni Mayor. Pero nag-aalala ako na baka mapagkamalan akong kabit ni Mayor. Baka sugurin ako ng asawa niya, at kaladkarin palabas ng bahay. Tapos ipagsisigawan pang kabit ako ni Mayor Cody Silvestre. Nakakahiya! "Salamat Mayor. Pero natatakot po ako baka sugurin ako ng asawa mo, saka kalbuhin ang mahaba kong buhok, tapos kasuhan pa ako, tapos pagbintangan akong kabit mo." tuloy-tuloy na turan ko. Aba mahirap na, ayaw kong makalbo 'no. "Binata pa ako, Haide, kaya wala kang dapat ikatakot. Hindi rin alam ng Mommy ko na may bagong bili akong bahay, kaya safe ka doon." nakangiting sagot sa akin ni Mayor. Heto na naman ang malalim na dimple niya sa isang pisngi niya, nakaka-inlove, promise. "Ano ba yan, Haide. Nakakahiya ang kadaldalan mo kay Mayor." pagkastigo ko sa sarili ko. Bigla din nag-init ang mukha ko, dahil sa mga naiisip ko. "Aminin, kinikilig ka naman dahil nalaman mong binata pa si Mayor." sabi ng isip ko. Alanganin akong ngumiti kay Mayor. Nahihiya ako na kinikilig sa kanya. Wala pa daw siyang asawa. O-M-G! Sana mapansin ni Mayor ang Chinese-Beauty ko. Char! "Maraming salamat po, Mayor. Ang totoo po niyan, eh, wala talaga akong matutuluyan dito sa Maynila. Nadukutan pa ako sa Bus Terminal noong bumaba ako, kaya yung perang baon ko ay natangay lahat, kasama na pati ang Cellphone ko. Mabuti na lang po, at naibulsa ko yung barya ko sa Bus, kaya may pinambili ako ng pagkain. Noon nabangga po ako, papunta sana ako na maghanap ng trabaho, kaya lang..." malungkot na kuwento ko kay Mayor. Nababa na rin ako ng paningin, dahil muli kong naalala na wala pala akong mapapasukan na trabaho dito sa Maynila. Kailangan ko nang maghanap sa lalong madaling panahon. "Saang Bus Terminal ka nadukutan!?" nagulat ako, dahil sa laki ng boses ni Mayor. Bakit bigla yatang nagalit si Mayor, pagkarinig niyang nadukutan ako. "Sa Avenida, Mayor. Doon po kasi ako bumaba." sagot ko. Biglang tumayo si Mayor, at kinuha ang sa kanyang bulsa ang cellphone niya. Tumayo siya sa harapan ko, saka siya nag-dial, at nilapit sa tainga niya ang cellphone, at naghintay ng sasagot sa kabilang linya. "Baltazar, kunin niyo ang cctv footage sa Avenida Bus Terminal. Imbistigahan niyo kung sino ang Jablong mandurukot sa Station. Kapag nakita niyo, huliin niyo at iharap sa akin." Maririin ang bawat katagang binitawan ni Mayor sa kausap niya sa kabilang linya. Kuyom din ang kanyang kamao, habang kausap niya ang tinawag niyang Baltazar sa kabilang linya. Kitang-kita ko rin ang sunod-sunod na pag-igting ng panga ni Mayor, kaya kinabahan ako. Parang nakikita ko na iba kung magalit si Mayor. Kung anong amo ng mukha niya, lalo na kapag nakangiti ay parang kabaliktaran ito kung siya'y magalit. "Damihan mong kumain, Haide, para lumakas ka kaagad, at maka uwi kana sa bago mong tirahan." saad ni Mayor sa akin. Bigla din siyang ngumiti at tila walang nangyari. Parang hindi siya nakaramdam ng galit kanina, habang kausap niya ang tauhan niya sa kabilang linya. Nilagyan din niya ng Caldereta ang plato ko, saka niya kinuha sa akin ang hawak kong bowl. Naubos ko na rin ang sabaw na hinihigop ko, pero hindi ko iyon namalayan. Umupo na rin si Mayor sa higaan ko at sinabayan akong kumain. May kalakihan naman ang hospital tray na may stand, kaya kasya ang mga plato naming dalawa. Habang kumakain si Mayor ay nilalagyan din niya ng ulam ang plato ko. Hindi naman ako tumutol, dahil gusto ko naman ang mga pagkain. Tahimik lang kaming kumain, hanggang matapos kaming dalawa. Pagkatanggal ni Mayor ang kinainan namin ay bumangon ako, para mag-CR. Dahil yata sa sabaw, kaya naiihi ako. Ngunit bigla na lang akong pinigilan ni Mayor. "Huwag ka munang bumangon, Haide. Sabilin mo lang kung ano ang gusto mo, at ako na mismo ang magbibigay sa 'yo." sabi ni Mayor, habang hawak niya ang aking magkabilang braso. "Mayor, mag-wewe lang ako sandali. Naparami yata ang higop ko sa sabaw, kaya ngayon ay na-wewewe na ako." nahihiyang sagot ko. Wala nang hiya-hiya, naiihi na ako. "Hindi mo na kailangan mag punta sa CR, Haide. Naka suot ka pa rin naman ng Diaper, kaya diyan kana umihi." sabi niya sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata ko, dahil sa sinabi ni Mayor. "OH-MY-GOD! Naka suot ako ng diaper? Sino nagpasuot sa akin ng diaper, ikaw ba Mayor?" malakas ang boses kong tanong kay Mayor Cody. "No, Haide. May Nurse na nag-aasikaso sa 'yo dito. Hindi ako ang naglalagay at nagtatanggal ng diaper mo." nanlalaki ang matang sagot ni Mayor. Umiiling din siya, habang nakataas ang kanyang dalawang kamay. "Believed me, Haide, hindi kita hinawakan." dagdag pa niya. "Ayaw ko nang may diaper, magpapalit na ako, at magsusuot na lang ako ng p@nty. May dala naman akong mga p@nty sa bag ko. Teka, nasaan pala ang bag ko." tuloy-tuloy na sabi ko, at muli na naman akong bumangon. Hindi na rin ako pinigilan ni Mayor Cody, at mabili itong nagtungo sa may cabinet, upang kunin ang bag ko. "Heto na ang bag mo, Haide." sabi ni Mayor, saka nito binuksan ang bag ko sa ibabaw ng kama at kumuha ng p@nty ko. "Mayor, bag ko yan!" pasigaw na sambit ko, dahil sa gulat ko na biglang binuksan ito ni Mayor ang bag at kumuha ng p@nty sa loob. Sumama din ang isang br@, nang iangat niya ang kanyang kamay, kaya biglang naladlad sa harapan namin ang br@ ko. Mukhang nagulat din si Mayor, dahil bigla niyang naihagis paitaas ang p@nty ko, saka agad din niyang sinalo, habang ang br@ ko naman ay naka sabit ang strap sa isa niyang daliri. "Sorry, Haide, hindi ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin sa akin ni Mayor. "Pasensya na rin kayo sa akin, Mayor. Nagulat lang ako, hindi ko po sinasadyang sigawan kayo." paghingi ko rin ng dispensa, dahil sa pagsigaw ko. "Hayaan na natin yun, Haide. Halika, alalayan na kita papunta sa banyo, para makapag palit ka sa loob." malumanay na rin ang boses ni Mayor, saka niya ako hinawakan sa kamay at dinala sa may pintuan ng banyo. "Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong sa loob, dito lang ako sa labas maghintay." bilin niya sa akin. "Okay po Mayor. Thank you." nahihiyang sagot ko. Pumasok na rin ako sa loob ng banyo para maka pagbihis. Ni- lock ko rin ang banyo, bago ko itinaas ang suot kong hospital gown, saka ko tinanggal ito sa aking katawan, saka ko hinubad ang suot kong diaper. Dios ko, para naman akong baby nito. Bakit naman kasi kailangan pa nila akong pasuotan ng diaper. Nakakahiya kay Mayor, alam pala niyang naka suot ako ng diaper. Naligo na rin ako, dahil pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ko. Mas masarap din matulog kapag bagong paligo. Mabilis akong nagtungo sa tapat ng shower at mabilis akong naligo. Kompleto naman ang mga gamit dito sa loob, kaya ginamit ko na rin ang mga ito. Pero ang shampoo ay panglalaki. "Clear Men Icy Cool" ang naka lagay sa bottle. Ang lamig sa anit ng shampoo, parang gininaw tuloy ako. Safeguard din ang sabon na naka lagay sa lagayan, kaya natuwa ako. Ito kasi ang paborito kong sabon, mabango siya sa akin. May nakita din akong pang ahit sa tabi ng sabon, kaya natuwa ako. Mahaba na pala ang buhok ko sa ibaba, kailangan ko na siyang ahitan. Makati kasi kapag mahaba na masyado, at parang mas malinis ang pakiramdam ko kapag walang buhok. Mabilis ko naman na natapos ang ginawa kong pag-ahit. Nilinisan ko rin ang Razor, para walang maiwan na buhok. Pati ang sahig ng banyo ay sinigurado kong naanod lahat ang mga buhok ko sa ibaba. Baka may mag banyo dito at makita ang mga iyo, nakakahiya. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko naman ang tuwalya na naka sampay. Pinunasan ko ang katawan ko, at tinuyo ko ang buhok ko. Nagsuot na rin ako ng p@nty at br@, saka ko kinuha ang ternong padjama sa loob ng bag ko. Inilagay ko rin ang tuwalya sa buhok ko, para hindi tumulo ang tubig. Kinuha ko rin ang toothbrush ko sa loob ng bag, at nag toothbrush muna ako, bago ako lumabas. Paglabas ko ng banyo ay agad nga akong sinalubong ni Mayor. Talagang naka bantay siya sa aking paglabas. Kinuha din niya sa kamay ko ang bag na hawak ko at muling ibinalik sa loob ng cabinet. "Naligo kana pala. Hindi mo na lang pinagpabukas, baka mabinat ka niyan." nag-aalalang sabi ni Mayor. "Ang lagkit kasi ng katawan ko, Mayor. Makati na rin pati ang ulo ko, kaya naligo na lang ako." sagot ko. "Huwag ka munang matulog, kailangan matuyo muna ang buhok mo, bago ka matulog. Halika dito sa tapat ng electric fan, at patutuyuhin muna natin ang buhok mo.sabi ni Mayor. Hinila din niya ako, patungo sa Sofa, at doon ako pinaupo, saka ni-on ang electric fan. "Mayor. malamig masyado." nanginginig ang bibig kong sambit kay Mayor. Ang lamig na nga kasi ng aircon, pero pina andar pa ang electric fan, kaya tuloy ang lamig-lamig. "Isuot mo muna itong Jacket ko, para hindi ka lamigin. Kung bakit kasi naligo kana agad, sabi mo kanina magpapalit ka lang, pero naligo ka pala." sermon sa akin ni Mayor. "Malagkit nga kasi ang katawan ko, Mayor, kaya ako naligo." muli kong tugon sa kanya. Naiinis din ako, dahil tinaasan niya ako ng boses. Pero bigla din nawala ang inis ko, dahil sa paghaplos ni Mayor sa buhok ko. Matapos matuyo ang mahaba kong buhok ay muli akong dinala ni Mayor sa aking kama, at pinahiga. "Matulog kana, para makapag pahinga kang mabuti. Baka payagan kanang lumabas bukas. Dadalhin kita doon sa bagong bili kong bahay na tutuluyan mo." Sabi sa akin ni Mayor, bago niya ako ipahiga sa kama. Kinikilig talaga ako kay Mayor. Ang bait-bait pala niya talaga. Sana hindi magbago sa akin si Mayor. Sana hindi niya bawiin ang sinasabi niyang bahay na tutuluyan ko. Sa kalsada talaga ako pulutin, kapag pinalayas ako ni Mayor sa bahay niya. Naka tulog akong may ngiti sa aking labi. Masaya ako, at tila ang gaan din ng pakiramdam ko. Natulog na rin si Mayor sa sofa. Naka patong sa arm rest ng upuan ang dalawang paa ni Mayor, dahil matangkad siya. Naka unan nama siya sa kabilang arm rest, saka naka yakap sa kanyang kumot. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, dahil inaantok na rin ako. Excited na akong maka labas ng Hospital, at makalipat sa bago kong tahanan. Bigla ko rin naalala ang mga magulang ko. Kamusta na kaya sila? Sana maayos lang sila doon. Alam kong galit na galit na sila sa akin ngayon. "Papa, Mama, patawarin niyo ako." sigaw ng isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD