"S-Si M-Mayor po, nasaan siya?" nahihiyang tanong ni Haide sa ina ni Mayor Cody. Naka hawak rin siya ng mahigpit sa kanyang kumot, dahil sa pinag halo-halong imosyon na nararamdaman. "May pinuntahan lang siya sandali, Hija. Baka pabalik na rin 'yon." nakangiting sagot ni Teresa. Hinaplos pa niya ang noo ni Haide, pababa sa mahaba nitong buhok. "Ang ganda-ganda mo pala, Hija. Hindi na ako magtataka ngayon, kung bakit ikaw ang piniling mahalin at pakasalan ng anak ko. Kahit ngayon lang tayo nagkita, alam ko na mahal na mahal mo si Cody. Nababasa ko rin sa 'yong mukha ang kabutihan ng puso mo. Haide, sana mapatawad mo ako, kung ako ang dahilan kung bakit ka itinago ni Cody ng ilang taon." mahabang salaysay ni Teresa. Lumamlam din ang kanyang mukha, habang binabanggit niya ang paghingi ng taw

