"M-Mayor?" alanganing sambit ni Haide. Dumadagondong rin ang kanyang dibdib, dahil sa lakas ng kanyang kaba sa dibdib. Ngunit nag uumapaw naman sa saya ang kanyang puso, dahil naalala ni Mayor ang kanilang Anniversary. Buwan-buwan ay nireregaluhan siya ni Mayor, tuwing sasapit ang kanilang Anniversary. 18 Months na ng kanilang kasal ngayon, kaya heto na naman si Mayor at mayroon na naman itong pa-surprise sa kanya. Ngayon lang siya nito pinuntahan sa Resto, para doon i-celebrate ang kanilang Anniversary. Buwan-buwan ay sa Penthouse lang silang dalawa nag dinner. May ilang beses rin silang nagpunta sa Batangas, para doon nila ipagdiwang ang kanilang Anniversary. Noong 1st year Anniversary nila ay isang linggo silang nagbakasyon sa Zambales, at doon nila cenilebrate ang kanilang Anniversar

