OBSESSED SI MAYOR‼️

1582 Words

HALOS hindi ako makapaniwala, dahil sa sinabi ni Mayor sa akin. Siya lang daw ang ang lalaking puwede kong tingnan at titigan? Ano ba ang trip ni Mayor, bakit ang gulo niyang kausap. Bigla din akong humarap sa kanya at tinitigan ko na nga siya sa kanyang mukha. Ngunit mali yata ang ginawa kong pagharap sa kanya, dahil huling-huli ko ang paglabas ng kanyang dila at ipinaikot niya ito sa kanyang labi. Ngumiti din siya sa akin, kaya muli ko na naman nakita ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Nakita ko rin ang paglabas ng kanyang napaka lalim na dimple sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. "A-Ano po ang pang-pitong kondisyon, Mayor? Ah, alam ko na! Ang pang-pitong kondisyon mo Mayor ay dapat ikaw lang din ang lalaking puweding lumapit sa akin, makipag-usap sa akin, at kakausapin ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD