Chapter 3 – Pagdududa At Kumpirmasyon

1409 Words
Nang umuwi si Fernan ay marami itong dalang pasalubong na ikinatuwa nang husto ng mga anak nila ni Layla, tila nalimutan agad ng mga bata ang atraso ng kanilang ama na hindi pag-uwi nang ilang linggo. May pagmamatyag na pinagmasdan ni layla ang asawa habang masaya nitong ipinamumudmod sa mga anak ang mga dala nya para sa mga ito. Nilapitan n'ya ito. "Fernan, mag-usap nga tayo sa kwarto." Pupunta na sana s'ya sa kwarto nang tawagin ni Fernan ang kanyang pansin: "Mahal, tingnan mo ito o, mukhang bagay sa'yo ang mga ito." Susulyapan lang sana ni Layla ang iniaabot ng asawa, nang mapansin n'ya ang mga iyon. Kinuha n'ya ang isa at pinagmasdan. "Mukhang mamahalin ito a, magkano ang bili mo dito?" Kung hindi s'ya nagkakakamali, sa tingin ni Layla ay mga branded ang mga iyon. "Hindi ko 'yan binili, galing yan kay mon– sa amo ko. Naka stock lang daw kasi, saka hindi na rin n'ya naisusuot kaya ibigay ko na lang daw sayo." "Ang bait naman pala ng amo mo. Kahit branded, wala lang sa kanya kahit ipamigay n'ya sa employado n'ya?" May pagkamanghang wika ni Layla habang sinusukat-sukat ang damit sa katawan n'ya. "Oo. Mabait talaga yun. Naikuwento ko nga sa kanya ang kalagayan natin e, kaya...." Saglit natigilan si Fernan, saka nag-iwas ng tingin sa asawa. "Kaya binigyan n'ya ako ng extrang mapagkakakitaan." "T-talaga?" Nagkaroon ng kinang sa mga mata ni Layla. Tila, kahit hindi pa n'ya nakikita o nakikilala ang amo ng kanyang asawa ay mabuting tao na kaagad ang tingin n'ya dito. "Naku, salamat naman. Mabuti't meron pa talagang mga mabubuti tao sa mundo. Iabot mo na lang sa kanya ang pasasalamat ko, kung alam lang n'ya na malaking bagay itong ginawa niyang tulong sayo." Bahagyang naitutop ni Fernan ang kanyang labi. "Oo, sige." Nang muling bumalik si Fernan sa Maynila ay nakokontak na ulit ito ni Layla, sa ganun ay muling napanatag ang kanyang looban. Nawala na rin ang bakas ng pagdududa n'ya nung una para sa asawa. Ngunit isang hapon, nang tawagan ni Layla si Fernan ay muli s'yang nakarinig ng boses ng isang babae, sa pandinig ni Layla ay tila malapit lang ang babae sa kanyang asawa. "May kasama ka ba diyan, Fernan? Ba't parang nakarinig ako ng boses ng babae?" "H-ha?" Mangangatwiran sana si Fernan nang biglang humagikhik ang babae. Bagaman mahina lamang iyon ay hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Layla. Biglang naging alerto si layla. "Fernan, sino ang kasama mo diyan?" "A-amo ko...." Wala sa sariling naibulalas ni Fernan dala ng kaba, dahil nalalaman niyang, hindi n'ya maitatanggi ang narinig ng asawa. "Amo mo?" May pagtataka sa boses ni Layla. "Teka, bakit nariyan ang amo mo, e diba tapos na ang trabaho mo? Kaya nga ngayon ako tumawag e, kasi alam kong ganitong oras ay nagpapahinga ka na." "Um, ano......kasi...." "Ah!" Tila biglang nagkaroon ng reyalisasyon si Layla. "Nag-o-overtime ka ba ngayon?" "O-oo! Tama ka, nag-o-overtime nga ako ngayon." Dagling sagot ni Fernan. "Naku, pasensya na mahal, hindi ko alam. Sige na, baka mapagalitan ka pa ng amo mo. Bawal ata ang cellphone diyan. Sige na, bye." Magmula nang araw na iyon ay palagi nang nakakarinig ng boses ng babae si layla sa tuwing tinatawagan at kinakausap n'ya si Fernan, pakiramdam niya ay tila nananadya ito. Binalewala niya iyon dahil sinabi ni Fernan na katrabaho lamang n'ya iyon. Nagpatuloy sa pagkukwento si Layla kay Fernan ng tungkol sa mga nangyayari sa kanilang mag-iina sa Parañaque, nang....... "Ohhh~" Natigilan si Layla nang marinig ang biglaang pag-vngol ng isang babae, at katulad ng dati ay dinig na dinig n'ya iyon na wari'y malapit lang sa kanyang asawa. Nagtaka s'ya nang husto, ano ba ang nangyayari sa kabilang linya? Sasabihin sana n'ya kay Fernan na lumayo ito sa kung saan man ito naroon, nang maulinigan naman n'ya ang mahinang boses nito na parang may kinakausap ito: "Shhh...... hinaan mo lang ang boses mo." Iyon ang narinig ni Layla. Kumunot ang noo ni Layla. "Fernan? Sino ang kausap mo?" "H-ha?..... wala." Naulinigan ni Layla ang tila paghingal sa boses ng asawa. Maya-maya ay nagitla na lang s'ya nang makarinig naman s'ya na parang may bumagsak sa kabilang linya, kasunod niyon ay ang pagd@ing ng isang babae na wari'y nasaktan ito. "Fernan, ano ang nangyayari diyan?" "W-wala, may ano, m-may bumagsak lang....... Sige na Layla, ibababa ko na ito, mauubos na kasi ang load ko." At naputol na ang linya nang hindi man lang nakakapagpaalam si Layla. Napaisip nang malalim si Layla, malakas ang kutob n'ya na may itinatago ang asawa. At ang babae sa kabilang linya....... hindi man n'ya gustong mag-isip ng marumi ngunit sa mga narinig n'ya, pakiramdam n'ya ay may ginagawa ito at si Fernan. Magbuhat ng araw na iyon ay hindi na naman sinasagot ni Fernan ang mga tawag ni Layla. Dahil sa kanyang narinig nung huling beses na nakausap n'ya ito ay tila napraning si Layla, idagdag pa ang nakakatakot niyang kutob na baka meron na pala itong kinakalantaring babae sa Maynila. Minsan, nang bumili sa isang tindahan si Layla ay naulinigan n'ya ang pinagchi-chismisan ng ilang babae na nakatambay doon. Tungkol iyon sa isang lalaki na taga doon sa kanila na nagtatrabaho din sa Maynila. May babae daw umano ito kaya inaway-away ito ng asawa nito kagabi. Dinig na dinig daw nila ang pagwawala ng babae. Napaisip si Layla, biglang sumariwa sa isip nya ang hindi magandang kutob n'ya kay Fernan, paano kung may babae na rin pala ito? Bigla siyang nag-alala, nawalan na siya ng ganang bumili at umalis na lang. Umuwi s'ya ng bahay at nagkulong sa kwarto. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone at tinawagan ang asawa. Kung dati ay pinipili n'ya ang oras ng pagtawag n'ya dito, ngayon ay wala siyang pakielam kahit oras pa ng trabaho. Ang importante lang sa kanya ay marinig n'ya mismo sa asawa ang totoo. Kahit nakakailang tawag na si layla at kahit hindi iyon sinasagot ni Fernan ay hindi n'ya ito tinigilan. Lumipas ang mag-iisang oras ngunit hindi pa rin sinasagot ni Fernan ang kanyang tawag. Nang maisip n'ya na maaring nasa locker ang cellphone nito ay saka lamang s'ya tumigil. Hawak ang kanyang cellphone ay naupo si Layla sa gilid ng kama, hindi malaman kung ano ang kanyang iniisip. Dumating ang tanghalian, tinawag s'ya ng panganay niyang si Lalaine para mananghalian ngunit hindi s'ya kumain. Nakatutok lamang s'ya sa oras dahil binabantayan n'ya ang oras ng breaktime sa pinagtatrabahuhan ni Fernan. Nang makontak na n'ya ito ay iritable itong sumagot. "Layla, ano ba? Bakit mo na naman ba ako tinatadtad ng miss call? Nakapagpadala na ako, diba?" "Hindi pera ang kailangan ko kaya kita tinatawagan." Malamig na sagot ni layla. "Magsabi ka nga ng totoo, may babae ka ba diyan?" "H-ha? A-ano?" Natigilan si Fernan. Hindi n'ya inaasahang bigla siyang tatanungin nang ganito ng asawa. "Saan na naman ba nanggaling yan? A-anong babae?" "Hoy Fernan, huwag kang magsisinungaling sa akin, ha. Babae ako at hindi ako tanga! Kung iniisip mong maloloko mo ako, puwes nagkakamali ka. May babae ka diyan, ano? Umamin ka?!" "Wala! Ano ba naman yan Layla, bakit mo ba ako pinagdududahan? Nagtatrabaho ako nang maayos dito para lang masuportahan ko nang maayos ang pamilya natin, tapos pagdududahan mo 'ko?" Hindi pinansin ni layla ang pangangatwiran at pangungunsensya ni Fernan, dahil desidido na siyang pauwiin ito. Nang magdahilan si Fernan ay tinakot n'ya ito: "Sige. Hindi ka uuwi? Pag-uwi mo dito, nasa labas na ang lahat ng mga damit mo. Huwag ka nang umuwi nang tuluyan dito." "Layla naman e, para ka namang bata!" Inis na singhal ni Fernan. Ngunit sa takot nya na baka totohanin ng asawa ang banta nito ay nagdesisyon siyang umuwi na. Pag-uwi sa Parañaque ay masama ang tinging isinalubong ni Fernan sa asawa, ngunit hindi nagpatinag si Layla. "Huwag mo akong matingnan tingnan nang ganyan. Baka nakakalimutan mong, ikaw ang may kasalanan sa atin?" Nalamukos ni Fernan ang sariling mukha. "Ano na naman ba yan? Kararating ko lang, o." "Doon tayo sa kuwarto mag-usap." Nagtungo si Layla sa kwarto, kasunod ang asawa.......... "Ngayong umamin ka, magsabi ka ng totoo, Fernan; may babae ka ba sa Maynila?" Natahimik si Fernan na wari'y nag-iisip pa. Maya-maya ay bumuntung-hininga ito. "Layla........ patawarin mo ako, kasi....." Kinutuban ng hindi maganda si Layla. Naikuyom n'ya ang kanyang mga kamao. "B-bakit? Tama ba ang hinala ko?" "Gusto ko naman talaga itong sabihin sayo e, pero......... Hayy...." Buntong-hininga ni Fernan. "Sige, aamin na ko...... oo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD