Chapter 1 – Pagluwas Sa Maynila

1133 Words
"Ito lang? Magkakasya ba 'to?" Kunot-noong tanong ni Layla sa asawa nyang si Fernan, matapos nitong iabot ang kanyang sahod. "Wala e, alam mo namang kulang ang araw ng ipinasok ko, diba?" "Kulang? O, e tanungin kita, bakit kulang ang araw ng ipinasok mo? Sino ang may kasalanan?" Nakapamewang na tanong ni Layla. Nagkamot ng ulo si Fernan. "Oo na. Ako na ang may kasalanan, bakit ba kailangan mo pang sabihin yan?" "Paano ba naman kasi, ang liit na nga ng sinasahod mo, hindi na nga nagkakasya sa atin ng mga anak mo, nakuha mo pang umiinom. Bakit kasi magpapakalasing ka tapos hindi mo naman pala kaya?" "Hayaan mo na, mahal. Minsan lang naman e. Dumating kasi si pareng Wilmor galing Maynila at nag-ayang uminom, saka libre naman n'ya e. Wala nga akong ginastos e." "At sa tingin mo ay matutuwa na ako doon? Wala ka ngang ginastos, pero dahil sa pag inom inom mo, hindi ka naman nakapasok kinabukasan dahil sa hang over mo. Tapos nung sumunod na araw, nagkasakit ka naman. Kaya ayan, ilang araw kang hindi nakapasok." "Oo na, sorry na." Niyakap ni Fernan ang asawa. "Hayaan mo, ang sabi sa'kin ni Wilmor, ihahanap raw n'ya ako ng trabaho sa Maynila. Sigurado, kapag nakapagtrabaho na ako doon, makakaahon na rin tayo." Ang mag-asawang Fernan at Layla ay sa Pangasinan nakatira, meron silang tatlong anak. Mahirap ang makahanap ng trabaho sa lugar nila, at kung meron man ay mababa lang ang sahod. Para sa katulad nila Fernan at Layla na may tatlong anak, ay hindi iyon magkakasya kaya palagi silang kinakapos sa buhay. "Ang bango naman ng asawa ko, naligo ka na ba? Hintayin mo ko ha, huwag ka munang matutulog, maliligo lang ako." Bago pa man maipasok ni Fernan ang kanyang kamay sa loob ng blouse ni Layla ay kinurot na n'ya ito sa bewang. "At ano na naman ang binabalak mo? Hoy Fernan, tumigil tigil ka ha. Tatlo na ang anak natin, kaya huwag mo nang dagdagan. Nakita mo na nga ang hirap ng buhay natin e." "Hindi ko naman sinabing dadagdagan ko ang mga anak natin e, gusto ko lang naman ng loving loving. Pahalik nga, mmm~" Hindi hinayaan ni Layla na makaisa ng halik ang asawa sa kanya, hinawi n'ya kaagad ang mukha nito. "Tumigil ka nga! Gusto mo ng loving loving? Paano ka nakakasiguro na hindi ako mabubuntis, may c**d*m ka ba? Nakabili ka ba? Heto nga o, kulang pa nga yung ibinigay mo panggastos natin e." Dahil hindi hinayaan ni Layla na mangyari ang gusto ni Fernan ay nagpunta na lang ito sa kaibigang si Wilmor. Pagpunta doon ay dinatnan niya itong umiinom mag-isa. "O pre, nagsosolo ka a." "Ikaw pala Fernan, tamang-tama ang dating mo, nahihirapan kasi akong ubusin ito e." Itinaas ni Wilmor ang isang napakalaking bote ng alak. "Sige, pero hindi ako iinom ng marami ha. Baka magalit na naman kasi si Layla e." "Sige....." Ipinagsalin ni Wilmor si Fernan ng alak sa isang baso. " Oo nga pala, tinawagan ko yung katrabaho ko kanina. Nagpatulong kasi ako sa kanya na magpahanap ng trabaho na puwede mong pasukan doon sa Maynila. Ang sabi niya ay may alam daw s'ya na kakabukas lang na restaurant, baka gusto mong pasukan. Sigurado naman na minimum doon. "Oo ba! Sige, papasukan ko yan." Dahil nalalaman ni Fernan na nasa 695 ang minimum wage sa Maynila ay na excite ito. Naisip n'ya, ito na kaya ang makakapagpa ahon sa kanila sa hirap ng buhay? Bagaman nalalaman naman n'ya na hindi nila ikakayaman ang minimum wage ay nalalaman naman n'ya na mas mainam na iyon kaysa sa sinasahod n'ya sa Pangasinan. "Pero pare, maiba ako, alam mo, may hitsura ka e, kung gusto mo ng malakihan at mabilisang kita....." Lumapit si Wilmor kay Fernan at halos bumulong na. "Puwede kang mag escort. Alam mo ba kung ano iyon?" Natigilan sa pag-inom ng alak si Fernan. Nagtawa ito at siniko pa ang kaibigan. "Anong escort? Anong sinasabi mo diyan, lasing ka na ata e." "Seryoso ako, saka hindi pa ako lasing, ano....... tsk, Kalimutan mo na nga lang ang sinabi ko." Umiling-iling na lang si Fernan, ngunit habang umiinom ay lumilipad sa kung saan ang isip nito. Tila napag-iisip isip nito ang sinabi ng kaibigan. Dahil tulog na si Layla pag-uwi n'ya ay hindi na nasabi ni Fernan ang tungkol sa napag-usapan nila ni Wilmor. Kinabukasan: "Fernan, anong oras–" natigilan sa pananalak si Layla sa asawa nang pigilan s'ya nito at sabihin ang magandang balita. "A-ano? Talaga? Totoo ba yang sinasabi mo, o baka...." Tiningnan nang may pagdududa ni Layla si Fernan. "Sinasabi mo lang yan para hindi na kita talakan?" "Hindi ano, totoo itong isinasabi ko, kahit tanungin mo pa si Wilmor." "Hindi na. Kahit na may pagka maloko ka, may tiwala naman ako sayo e." Niyakap ni Fernan ang asawa. "Kaya mahal na mahal kita e, alam kong kahit na anong gawin ko ay pagkakatiwalaan mo ako." "Hump, Tama ka na sa pambobola mo. Kailan ka luluwas?" "Tatapusin ko lang itong linggong ito, pagkatapos ay magpapaalam na ako kay boss." Matapos ang linggong iyon ay umalis na sa trabaho si Fernan. "O, baka may nakalimutan ka ha. Mahirap ang aalis ng kulang kulang ang mga gamit mo. Maynila yun, malayo, kaya siguruhin mong dala mo lahat ng kailangan mo." "Papa...." Lumapit ang bunsong anak nila Fernan at Layla na si Lyndon. "O don-don, anong pasalubong ang gusto mo? Kapag sumahod si papa, bibilhin ko." Ani Fernan habang nag iimpake, katuwang si Layla. "Kailan ka uuwi, papa?" Malungkot na tanong ng bata. Umiskwat si Fernan at tinapatan ang anak. "Matatagalan umuwi si papa, pero tandaan mo anak, lahat ng ito ay para sa inyo ng mga kapatid mo. Kaya magtiis-tiis ka lang, ha. Huwag kang mag-aalala, uuwi uwi din ako." Matapos aluin ang mga nalulungkot nilang mga anak ay umalis na si Fernan. Hindi masyadong nalungkot si Layla, inisip na lamang n'ya na kahit malalayo ang asawa ay may dala naman iyong pag-asa para sa kanila. Ngunit tila sasalungat ang kapalaran...... "Naku! Naiwan pala ito ni Fernan!" Nanakbong lumabas ng bahay si Layla para sana habulin si Fernan kaya lang ay nakaalis na ang sinasakyan nito. "O Layla, bakit nagmamadali ka?" Tanong ng may-edad ninlang kapitbahay habang nagwawalis ito sa tapat ng kanilang pinto. "E, aling mameng, si Fernan kasi e....." "O, e kaaalis lang ng asawa mo a, gusto mo na agad pabalikin?" "Hindi naman, ho. Kaya lang, naiwan po kasi niya itong wedding ring namin e. Hindi po n'ya naisuot." "Naku Layla, parang masamang pangitain yan para sa pagasasama n'yong mag-asawa a!" Ani ng matanda. Gusto man ni Layla na huwag na lang intindihin ang sinabi ng kapitbahay, ngunit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Hindi n'ya maitatanggi na kinukutuban din s'ya nang hindi maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD