Amara POV Papunta ako ngayon sa ospital dahil ngayon ang schedule ng pasyente ko para sa cesarean section niya. Pagdating ko sa ospital ay sinalubong agad ako ng guard at cnabi g may naghahanap sa akin. Hindi na sana ako tutuloy na puntahan ang taong naghahanap daw sa akin pero nakita na niya ako. "Yoona, wait." Wika ni Mike. "It's Dr. Amara Kim." Pagko-correct ko sa kanya. "I'm sorry, Dr. Kim. Gusto ko lang humingi ng second chance para sa business proposal ko last time. We really need suppliers for our new project. At yung company nyo lang ang best choice para maging supplier namin." Pakiusap niya. "I'm sorry Dr. Peralta, pero hindi maari ang nais mo. Masisira ang partnership between Cole Medical Center. Ayaw kong mangyari yon dahil sila lang ang tanging Company na hindi kami tinal

