Chapter 6

1147 Words
Amara POV Makalipas ang halos isang buwan ay dumating na din sa wakas ang isa sa mga race car ko. Ipinauna ko lang na ipauwi dito sa Pilipinas ang pinaka favorite ko. Ito yung naiwan sa U.S ng umuwi ako ng South Korea. Ang iba kasi sa mga race car ko ay nauna ko ng ipadala sa Korea. "Ate Amara seryoso sasakyan mo talaga yan?" Manghang wika ni Mila. Nandito kami sa garahe kung nasaan ang racing car ko. "Oo naman, hindi ko ba nabanggit sa iyo na professional car racer ako at lumalaban sa mga competition sa iba't ibang bansa?" Sabi ko. "Wala ka po nabanggit, pero nakakabilib ka po. Biruin mo sumasali ka pala sa mga competition." Wika niya. "Dati yon Mila, yung sa Germany na siguro huling laban ko. Pero siguro sasali ako paminsan minsa sa ilang mga event. Plano ko nalang na isali sa mga car show at mga exhibition yung mga car ko na iyon." Pahayag ko. "Ilan po ba ang mga kotse nyong ganito?" Tanong ni Mila. "I have five but this one is my favorite." Sabi ko. "Five cars ate tapos ang mahal siguro ng bili mo sa mga iyan." Sabi niya. "Galing rin naman sa napanalunan ko sa mga tournament ang mga iyon. I can actually buy 2 cars sa isang panalo lang sa competition pero syempre it's better to save than spending my hard earned money to luxury cars. Sa totoo lang dalawa lang ang binili kong race car, ito yung nabili ko sa first win ko. Yung iba napanalunan ko lang sa pustahan." Natatawang sabi ko. "Ate Amara pwede po ba ako manuod ng exhibition mo?" Tanong niya. "Oo naman basta matapat na wala kang pasok." Sabi ko naman. "Yes! First time ko makakapanood ng ganun ng personal, excited na ako." Masayang wika niya. "Pwede rin kitang isama kapag may practice ako. Para malibang ka bago magpasukan. Magiging busy ka na din pag nagsimula ang pasok mo. Next weekend sama ka sa akin itetest drive ko ito medyo matagal ko na kasing hindi nagamit." Sabi ko. "Go ako dyan ate Amara." Sagot niya. "Matanong komlang po, dati ay Yoona ang tawag sa iyo diba? Bakit po ayaw nyo ng magpatawag sa first name mo?" Tanong ni Mila. "Let's say that name gives me a lot of pain Mila, at ayaw ko ng balikan yung mga nangyari dati. Amara is the stronger version of my self, while Yoona is my soft side." Sagot ko sa kanya. "Mabuti pa magbihis ka Mila, punta tayo sa mall, tutal day off ko naman ngayon let's go shopping." Pag aaya ko sa kanya. "Sige ate magbibihis lang ako." Sagot niya at mabilis pumasok sa loob umakyat ng bahay para magbihis. Hindi na ako nagbihis. Simpleng crop top blouse at denim shorts lang ang suot ko na hanggang sa kalahatian ng hita ko ang haba at pinarisan ko ng white sneakers. Umakyat lang ako sa kwarto ko para kuhanin ang wallet ko at susi ng kotse. Pagbaba ko ay dumiretso na ako sa garahe para kuhanin ang kotse. Nakaabang na sa labas ng bahay si Mila ng mailabas ko ng garahe ang kotse ko. "Let's go Mila." Aya ko sa kanya. Pagkasakay niya ay nagdrive na ako papunta sa mall. Pagdating sa mall ay nagpunta muna kami sa isang boutique. Magaganda ang mga dress nila doon kumpleto mula casual, office and formal dresses. "Mamili ka na din ng pwede mong pamasok Mila. Ako na bahalang magbayad." Sabi ko. "Eh ate Amara uniform lang naman po palagi ang suot ko lalo na po kapag nagsimula na kami mag duty sa hopital." Sagot niy. "Basta pumili ka nalang ng gusto mo, okay." Sabi ko. Nahihiya man ay kumuha narin si Mila ng ilang klase ng dress. Pakatapos namin makapili ng mga damit ay nagbayad lang ako sa cashier at umalis na din kaagad. Ilang paris ng shorts at blouse din ang nabili ko sakpati na din mga dress. Pagkatapos namin mamili ay nag ikot ikot mula kami sa mall, maaga pa naman para magdinner kami. May nadaan kaming shop na puro mga hign end bags ang tinda. "Wow ang mahal naman ng mga tinda dito." Sabi ni Mila. "Mga sikat na brand kasi ang mga yan." Sabi ko naman. Habang namimili ako ay nabangga ako ng hindi inaasahang tao. "Pahara hara kasi sa daan eh." Mataray na wika nito. Kaya napatingin ako sa mukha niya. "Akalain mo nga naman ano, dito pa kita makikita. Teka bakit ka hinayaang makapasok dito eh wala ka namang pambili ng kahit na pinakamurang bag dito." Pamamahiya sa akin ni Shiela. "Grabe ka naman Miss, akala mo naman kilala mo yung tao kung makahusga ka." Wika ni Mila. "At sino ka naman?" Tanong ni Shiela kay Mila. "Ah, alam ko na. Ikaw yung bago niyang kaibigan diba? Bagay nga kayo mga hampas lupa. Tignan nyo nga yang mga suot nyo halatang mga cheap kayo." Pagpapatuloy niya sa pangungutya sa amin. "Alam mo Shiela, bakit hindi mo muna tignan yang sarili mo. Sa tingin mo nakakahigit ka na sa iba png tao dahil lang mamahalin ang suot mo? Magiingat ka sa mga kinukutya mo dahil baka may mataas mayaman pa sayo ang pinagsasabihan mo. I'm not saying na mas mayaman ako sayo. Suggestion ko lang naman yon." Sagot ko. Saka ipinagpatuloy ang pamimili ko ng bag. "Sige nga kung hindi ka cheap, kaya mo bang bumili ng kahit na pinakamurang bag bag dito? Kung hindi kompa alam wala na kayong business dahil napabagsak na ng pamilya ni Mike ang pinakaiingatan nyong Hospital." Panguuyam niya. "Miss." Tawag ko sa isang staff ng shop. "Yes ma'am may I help you?" Magalang na wika ng staff. "Can you bring me your latest collection ng pinakamahal na brand dito sa shop nyo." Utos ko sa kanya. "Sure ma'am, sandali lang po." Sagot ng staff. "Oh, speaking of Mike hindi ba more than 10 years na kayong magkarelasyon? Nagtataka lang ako bakit kaya hindi ka pa nya pinapakasalan? Kung ako sayo kakabahan na ako malay mo may iba palang gusto ang boyfriend mo. Hindi mo alam may kaagaw ka na pala gaya ng ginawa mo sa akin diba. Kung kilala mo si karma alam mo na ang ibig kong sabihin." Sabi ko. Pagkasabi ko non ay dumating naman yung staff dala yung bag na ipinakuha ko. "Miss paki sama na diyan sa babayaran ko ito, regalo ko dito sa new friend ko." Tukoy ko kay Mila habang iniaabot sa staff yung isa pang bag. "Here's my card Miss." Sabay abot ko sa staff ng black card ko. Nawala naman ng imik si Shiela. Pagkatapos namin magbayad at makuha ang oinamili namin ay kaagad kong inaya palabas ng shop ni Mila. "Thank you ma'am come again." Natinig komoang sabi nga mga staff sa shop na iyon. Si Shiela? Naiwanang wala oa ring inip sa loob ng shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD