Amara POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala kami ni Traviz sa trabaho at sa paghahanda para aming kasal. Ngayong araw ang kasal namin at dito namin napiling magpakasal sa isang private resort sa Batangas binili pala ni Traviz pagkatapos ng huling competition na sinalihan niya. Maganda ang lugar, very peaceful and relaxing. Kasalukuyang inaayusan ako ng make up artist at stylist team. Nasa kabilang kwarto naman ang ibang girls at kasalukuyan na ring inaayusan. "Dyosa sa kagandahan ang ating bride. Simpleng make up lang pero pang beauty queen ang ganda." Papuri ng make up artist sa akin. "Salamat." Nakangiting wika ko. Makalipas ang mahigit dalawang oras ay natapos na din akong ayusan. Kasalukuyan kaming nagpophoto shoot habang hinihintay ang oras ng wedding ceremony namin.

