Amara POV Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Traviz na kausap ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na inabala ang pag uusap nila dahil tila nagkakatuwaan ang mga ito. Narinig kong nag aasaran nanaman sila gaya ng palagi nilang ginagawa kapag magkakasama sila. Para silang mga bata kapag nagkasama sama sa bahay, ngunit pagdating sa trabaho at negosyo ay talagang katatakutan sila ng mga hindi nakakakilala ng tunay nilang personality. Naupo lang ako sa gilid ng kama habang kausap niya ang mga kaibigan niya ngunit nagpaalam na siya kina King at pinatay ang tawag. Isinarado niya ang kanyang laptop at nilagay sa bedside table sa tabi niya. "Come on Honey, let's sleep. We will Cologne Cathedral tomorrow morning before we go to Heidelberg Castle. Sa ibang araw nalang tayo pumunta ng Berlin bag

