Traviz POV Papasok pa lamang ako ng Emerald mall nang may narinig akong komusyon. I heard someone calling Amara kaya dali dali akong lumapit. Then Rita asking for help. Nakita kong naka upo sa sahig si Amara at hawak ang kanyang tiyan. "Kuya Traviz tulungan mo kami. Si ate Amara." Narinig kong sigaw ni Rita ng makita niya ako. Agad kong binuhat si Amara palabas ng mall para dalhin sa Hospital. Hindi ko na nagawang magtanong kung ano ang eksaktong nangyari dahil kaligtasan ng mag-ina ko ang pinakamahalaga. "Love, ang baby natin." Lumuluhang wika ni Amara. "Don't worry Honey, our baby will be fine okay. Papunta na tayo ng Hospital." Kalmado ngunit puno ng pag-aalalang wika ko. "Rita, sabihan mo nalang sina Hera na papunta na kami sa Hospital." Bilin ko kay Rita nang maisakay ko sa kot

