Chapter 4

1018 Words
Traviz POV Naging busy ako sa nakalipas na dalawang Linggo. Kauuwi ko lang mula sa business conference sa Davao ng tumawag si daddy. "Son, kamusta ang business conference na oinuntahan mo?" Tanong ni dad. "Okay naman oo dad, may ilang investor din akong nakausap at gusto nilang makipag partner sa pagpapatayo ng CMC sa Davao. May ilang mga investor din na nagsugest ng magandang location para pagtayuan ng bagong ospital." Sgaot ko naman. "That's a good news son. Oo nga pala bukas na magrereport yung anak ng kaibigan ko. Treat her well son, she's aloof from other people lalo na sa mga hindi nya kakilala at hindi rin sya basta nagtitiwala sa kahit na sino." Wika ni dad. "For what reason she became like that dad?" Curious na tanong ko. Naiitindihan ko kung aloof ang isang tao or hindi masyadong nakikihalunilo sa iba dahil sa pagiging introvert nito. pero yung kawalan nya ng tiwala at hirap magtiwala sa ibang tao ay sigurado akong may malalim na dahilan. Lalo tuloy akong naging interesado na makilala sya. "Walang nabanggit si Joon sinabi lang niya na nakaganyan yung anak niya before they left. Mabait na bata si Yoona, natatandaan ko pang masayahing bata siya dati at palakaibigan kaya nagtataka rin ako kung ano ang nangyari bago sila nagpasyang umalis ng bansa." Sabi ni dad. "Si Yoona ba na anak ni Dr. Kim ang sinasabi nyo dad?" Tanong ko kay daddy. "Yes son, do you know her?" Tanong ni daddy. "Well sa pangalang lang po daddy, madalas kasi siyang pagusapan sa university lalo na nung biglaan siyang umalis at magpatuloy ng pag aaral sa ibang bansa. Ang alam ko lang ay nalulugi ang ospital nila kaya ibinenta sa inyo saka isa ring dahilan ay ang nasira ang reputasyon ni Dr. Kim dito sa Pilipinas kaya sila umalis.. Sabi ko. "Yeah, pero hindi naman sila talagang na bankrupt. Ayaw nalang niyang lumaki pa ang issue kaya nag decide siyang umalis nalang ng bansa. Alam niyan hindi rin maganda ang magiging epekto non kay Yoona kaya minabuti nalang niyang umalis." Sabi ni dad. "Tama naman ang naging desisyon ni Dr. Kim dad, look at their success in South Korea now. Oo nga pala dad, plano naman ngayon ng mga Peralta na isabotahe ang company ko. Papasukin na din nila ang Pharmaceutical dahil hindi nila matapatan ang advance technology ng Cole Medical Center." Wika ko. "I know it will happen son, Greedy ang mga Peralta, ayaw nilang may nakakalamang sa kanila. Kaya maging maingat ka din baka hindi mo nalalaman may tauhan pala sila sa company mo. You should secure you security system lalo na sa mga bagong research mo." Pagpapaalala sa akin ni dad. "Don't worry dad secured lahat ng may kinalaman sa mga research lalo na sa laboratory. We always monitor it, you know Phoenix pagdating sa ganyang bagay." Sabi ko. "That's good. Okay son ikaw na bahala kay Yoona. I have to hang up may meeting pa akong pupuntahan." Pagpapaalam ni dad. "okay dad, bye." Pagka end ko ng call ay dumiretso muna ako ng bathroom para magshower. Dahil na rin sa pagog ko dahil sa byahe ay kaagad din akong nakatulog. Medyo tinanghali ako ng gising dahil late na rin akong dumating kagabi mula sa Davao, hindi ko na nagawang magbreakfast dahil malelate ako ng pasok sa office. Dumaan nalang ako sa isang coffee shop sa malapit sa ospital para bumili ng breakfast ko. Pagdating ko sa parking lot na nakareserve oara sa mga doktor at matataas na official ng ospital ay nakita ko ang isan white Audi. Kaparehong model ito ng sasakyan ko, kulay blue nga lang ang sa akin. Pagkababa ko ng kotse ay nagmamadali na akong sumakay sa elevator paakyat sa office ko at Naabutan ko na doon ang secretary ko. "Good morning Doc. Nandiyan na po sa Doc. Kim yung ibinilin po ni Sir Trevor na bagong Doctor sa OB-Gyn d partment." Salubong sa aking ng secretary ko. "Okay." Maikling wika ko saka pumasok sa loob ng office ko. Pagpasok ko sa office ay nasulyapan ko ang pamilyar na mukaha. "Amara Kim? Ikaw si Dr. Kima na sinasabi ni dad?" Tanong ko. "Ah, by the way I'm sorry kung pinaghintay kita. Nalate kasi ako ng gising dahil kagagalang ko lng ng Davao last night." Paghingi ko ng paumanhin. "Not a problem Mr. chairman. Good morning. I'm Dr. Yoona Amara Kim. Please to meet you." Wika niya sabay lahad ng kamay niya. "Please to meet you too Dr. Kim. I'm Dr. Traviz Anthony Cole" Wika ko saka inabot ang kamay niya para makipag shake hands. "I didn't know that you are also a Doctor, you are famous for being a car racer. Nakakabilib ang kakayahan mo." Pagpuri ko sa kanya. "Thank you Mr. Chairman." Ani nya. "We don't need to be too formal. I'm also a doctor here so you can just call me Dr. Traviz or Dr. Cole. Wag lang Mr. Chairman parang nakakatanda lang kasi pakinggan." Sabi ko. "Okay Dr. Cole." Wika naman niya. "My secretary will accompany you to your office/clinic Dr. Kim. Welcome to Cole Medical Center." Wika ko. "Thank you Dr. Cole." Sagot niya. Tinawag ko naman ang secretary ko para ihatid si Yoona sa office niya. Hindi ako makapaniwala na si Yoona at ang babaeng hinahangaan ko noon pa ay iisa. What a small world. It's now my chance to be close to her. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ito. Kung ganun pala ay aattend siya sa event na inorganized ko. Nag organized talaga ako ng ganitong event dahil nagbabakasakali akong tanggapin ni Amara ang invitation. I'm so lucky dahil sigurado na akong dadalo siya at higit sa lahat kaibigan pa pala ni dad ang daddy nya at dito na rin siya magtatrabaho sa ospital namin kaya mas madalas ko na siyang makikita. I think hindi lang paghanga ang nararadaman ko para kay Amara, sa narinig kong kwento mula kay daddy tungkol sa kanya, mas lalo ko siyang gustong makilala at gusto kong alamin kung ano ang nangyari sa kanya bago siya umalis ng bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD