Chapter 17

1466 Words
Amara POV Nagising ako dahil sa alarm. Monday nga pala ngayon kaya mabilis akong nag shower at gumayak para hindi ako malate sa appointment ng mga pasyente ko. Pagdatimg ko sa office ay nandoon na si Lyn na busy naman sa pag aayos ng mga records ng pasyente. "Good morning Lyn, kanina ka pa?" Bati ko sa kanya. "Good morning po Doc. Pasensya na po di ko kayo napansin na dumating. Kadadating ko lang din po 10 minutes palang po nakakalipas." Sbi niya. "Okay, paki ready nalang yung flie ng mga may appointment today para di ka na rin mahirapan sa paghahanap ng files nila mamaya." Bilin ko sa kanya. "Mag order ka na rin ng breakfast natin, tumawag ka nalang sa restaurant sa baba." Utos ko s kanya. "Sige po doc." Sagot niya. Papasok palang sana ako sa office ko ng dumating si Traviz. "Good morning Ladies." Bati niya. May bitbit siyang mga oaper bags at flowers. "Good morning Dr. Cole." Bati sa kanya ni Lyn. "Good morning Dr. Cole. May kailangan po ba kayo?" Tanong ko sa kanya. "Nothing, I just want to personally deliver this to you." Wika niya habang nakatitig sa akin. "Thank you." Wika ko. Iniabot niya sa akin ang mga bulaklak at kay Lyn naman ang paper bags. "Sumabay ka ng mag breakfast sa amin." Pag aaya ko sa kanya. "Okay lang ba na sumabay ako magbreakfast sa inyo?" Tanong niya. "Nako D. Cole wala pong problema diba Dr. Kim?" Wika ni Lyn na kinikilig pa. "Lyn kumuha ka na ng para sa iyo then bring our food to my office." Utos ko sa secreatary ko. "Okay po Doc." Wika ni Lyn na halatang pinipigil ang kilig, kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. "Wala ka palang binago dito sa office mo?" Sa i niya ng makapasok kami sa office ko. "Maganda naman at maayos itong office kaya hindi ko na rin pinabago. Saka mas gusto ko rin kasi ang ganito maaliwalas tignan." Sagot ko naman. Maya-maya ay pumasok si Lyn dala ang breakfast namin ni Traviz. "Doc sa labas lang po ako tawagin nyo lang po ako kapag may kailangan pa po kayo." Wika niya. "Sige Lyn, thank you." Wika ko. "Thank you Miss Lyn." Wika rin ni Traviz. "Magkakilala pala kayo ng Secreatary ko." Pahayag ko. "Yeah! Sa kanya ko inaabot yung breakfast every day, nagkataon lang na sibrang aga mo oumasok ngayon." Sabi niya. "You mean matagal ng alam ni Lyn kung sino ang nagpapadala ng mga flowers at food dito?" Sabi ko. "Yeah, pero nakiusap kasi ako sa kanya na 'wag sasabihin sa iyo na kilala nya ang nagpapadala ng mga iyon." Depensa naman niya. "Kaya naman pala hindi na nagulat ang magaling kong secretary nung dumating ka kanina." Wika ko naman na bahagya niya ikinatawa. "Huwag mo ng pagalitan si Lyn, kasalanan ko naman dahil nakiusap ako sa kanya na 'wag sabihin sa iyo na ako ang nagdadala ng mga iyan." Sabi niya. "Fine. Kumain na tayo at marami akong pasyente ngayon na naka schedule." Sabi ko naman saka sinimulan ng kumain. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na rin siya aalis dahil may meeting pa siya sa isa pa niyang kumpanya. Tinawag ko na rin si Lyn oara ligoitin ang mga kinainan namin. "Ikaw Lyn ha, may kasalanan ka sa akin. Matagal mo na palang alam kung sino yung nagpapadala ng mga flower at food di mo sinasabi sa akin." Paninita ko sa kanya. "Eh, kasi naman po doc. Si Mr. Chairman ba naman ang makiusap na wag ko sabihin sa iyo kaya hindi ko po matanggihan. Saka Doc. Bagay na bagay naman po kasi kayo at boto ako sa love team nyo ni Dr. Cole." Kinikilig na wika ni Lyn. "Sige na bilisan mo na diyan, baka dumating na mga pasyente." Sabi ko na lang. Naging busy kami ni Lyn dahil medyo marami rin ang pasyete namin ngayon at may ilan ding mga bagong pasyente na nadagdag. "Lyn mauna ka nang mag lunch, pag balik mo saka nalang ako bababa para mag lunch o kaya orderan mo nalang ako oag pabalik kana dito. Magpapahinga muna ako bago mag round sa mga ward mamaya." Wika ko. "Sige po doc. Ano po ba gusto nyong lunch ipapadeliver ko nalang po kaagad dito para makakain na din muna kayo." Ani nya. "Rice and sinigang kung merong available kapag wala kung ano nalang ang meron doon basta walang kahit anong nuts." Sabi ko. "Okay po doc. Mauna na po ako." Paalam niya. Ilang minuto palang mula ng umalis si Lyn ay dumating naman ang pagkain na ipina order ko sa kanya. Agad naman akong kumain, pagkatapos ay niligpit ang mga kinainan ko. Naupo ako sa reclining chair na nasa isang gilid ng opisina ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising na lamang ako ng tumunog ang alarm na isinet ko sa aking cellphone. Kaagad naman akong nag hilamos at nag toothbrush. Nang maayos ko na ang aking sarili ay lumabas na ako ng opisina para mag grounds. Pagkatapos mag rounds sa mga wards na hawak ko ay isinugod naman dito sa ospital ang isa ko ring oasyente na napaaga ang paglelabor. Ala sinco na ng matapos ako sa delivery room. Kaagad rin akong umalis sa delivery room ng masiguro kong ligtas na ang mag ina. Kinausap ko rin muna ang pamilya ng pasyente at ibinigay ang mga reseta ng mga kailangan nilang bilhin bago ko sila iniwan sa labas ng delivery room. Pagbalik ko ng office ay mabilis akong nagbihis at maghanda na rin sa pag uwi. Pag labas ko ng office ko ay naroon na si Traviz. "Hi, ihahatid na kita." Wika ni Traviz. "Pano yung kotse ko? Wala akong sasakyan bukas kapag iniwan ko dito yon." Sabi ko. "Walang problema don, Amara. Susunduin nalang kita bukas ng umaga. Tutal madadaanan komnaman yung subdivision nyo kapag papunta ng Hospital." Ani nya. "O-okay." Sabi ko nalang. Sabay na kaming sumakay sa elevator pababa sa basement parking. Pinagbuksan niya ako ng ointo ng sasakyan at maingat na isinara ang pinto nang makaupo na ako ng maayos. "Nakausap ko kasi si Lyn kanina sabi nya ay dumiretso ka sa delivery room kanina oagkatapos mo mag rounds kaya siguradong pagod ka. Kaya hinintay na kitang para maihatid kita pauwi." Pahayag niya ng makasakay siya ng sasakyan. "Medyo nakakapagod nga, nahirapan pa kami kanina dahil matagal bago napababa ang BP ng pasyente, pre mature din kasi yung baby." Sabi ko. "Ganon ba? Do you want me to have early dinner bago umuwi para magpapahinga ka nalang pagdating sa bahay?" Tanong niya. "Hindi na siguro. Nandoon naman na si Mila siguradong magluluto yon ng dinner. Kung gusto mo ikaw nalang ang mag dinner sa bahay." Sabi ko. "Maybe next time, I want you to rest early masyado kang napagod kanina. Nagmessage din sina Phoenix may pag-uusapan yta tungkol sa biglaang kasal ni Jackson." Wika niya. "Okay." Maikling sagot ko. Tahimik lang kami buong byahe, hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Pinagbuksan niya ako ng ointo ng sasakyan nang maipa k niya ng maayos sa harapan ng bahay namin ang kotse. "Thank you sa paghahatid, naabala pa tuloy kita sa lakad mo." Sabi ko pagkababa ng kotse. "No problem, ako naman ang may gusto na ihatid ka. Now go inside and rest. I'll be here tomorrow around 8:00 in the morning. Let's have breakfast together okay?" Sabi niya. "Hindi ba tayo mal late non? Make it 7:00 am." Wika ko. "I'm the boss Amara, at kahit after lunch pa tayo pumasok walang problema." Sabi niya. "Fine. Ikaw ang sisisihin ko kapag nagreklamo ang mga pasyente ko." Sabi ko naman. "Ako na bahala sa kanila." Sagot naman niya. "I'll go a head tumatawag na ang mga makukulit kong kaibigan." Wika niya at ipinakita ang nagriring niyang cellphone. "Okay, ingat. Bye." Sabi ko. "Bye Amara, see you tomorrow." Ani nya. "See you." Sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay. Agad rin namang nagdrive paalis si Traviz. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong naman ako ni Mila. "Ate pasensya na po di ako nakabalik ng maaga kanina." Wika ni Mila. "Okay lang Mila, isa pa madalang ka naman umuwi sa inyo." Sabi ko. .oo nga po pala ate Amara bakit di nyo po sakay yung kotse mo? Nasira po ba?" Tanong niya. "Ah, iniwan ko sa hospital. Hinatid kasi ako ni Dr. Cole." Sagot ko naman. "Ah, sige po ate doon na muna ako sa kusina magluluto ako ng dinner ano po ba ang gusto nyong iluto ko?" Tanong niya. "Can you cook pinakbet, lagyan mo ng maraming sitaw at okra please." Sabi ko. "Sige ate, tatawagin ko nalang kayo kapag ready na yung dinner." Sabi niya. Umakyat na rin ako sa kawarto at mabilis na nagbihis bago nahiga sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD