Amara POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy na rin kami ni Traviz sa trabaho ngunit gumagawa siya ng paraan para may oras pa din kami sa isa't isa. Naglalakad kami papasok sa opisina niya ng salubungin kami ng secretary niya. "Good morning Mr. And Mrs. Cole. Nasa loob na po yung nirequest nyong breakfast." Wika niya. "Thank you." Pasalamat ko. "Sir nagrerequest po pala ng meeting si Mr. Peralta. Sinabi ko po na puno ang schedule nyo pero mapilit pa rin po." Wika niya. Tumingin muna siya sa akin bago niya muling binalingan ang secretary niya. "Cancelled ang mitting namin nina King, pwede ako after lunch." Wika niya bago ako akayin papasok sa office niya. "Are you sure makikipag meeting ka sa mga Peralta Love?" Tanong ko kay Traviz. "I want to give him a chance Honey, hin

