THAT man is my godfather? I still can’t believe what my father said earlier while we’re in the lanai area. Throughout my entire life, my parents always mentioned my godfather to me, but I have never had the chance to see him. I know my godfather’s name is Guilerme. But it didn’t occur to me he was still young. I mean, all this time, what was on my mind was that my Godfather Guilherme was an old man. Kasing eda na siya ni daddy. Pero ang lalaking nasa harapan ko kanina na ipinakilala sa akin ni dad ay parang ilang taon lang ang tanda sa akin.
I heaved a deep breath and released it into the air as I closed the book I was reading earlier. I put it on the bedside table, then I stood up from sitting on the single couch that was on the side of my bed. I walked out onto the terrace. Ipinatong ko sa ibabaw ng balustrade ang mga palad ko saka ako tumingala sa payapang kalangitan. Hapon pa lang naman kaya maliwanag pa ang buong paligid at kitang-kita ko ang kulay asul na kalangitan.
Nasa ganoon akong tagpo nang marinig kong may kumatok sa labas ng silid ko. Later, I decided to go back into my room para pagbuksan ang nasa labas ng pinto.
“Bakit po, yaya?” tanong ko sa kasambahay naming nabungaran ko.
“Señorita, ipinapatawag po kayo ng daddy ninyo.”
“Bakit daw po?”
“Hindi ko po alam, señorita. Iyon lang po ang sinabi ni Don Facundo.”
Muli akong nagbuntong-hininga saka tumango. “Susunod po ako,” mungkahi ko.
“Sige po, Señorita Amicia. Nasa library po ang daddy ninyo.”
“Salamat.”
Muli kong isinarado ang pinto ng silid ko saka naglakad muna ako palapit sa vanity table ko upang siyasatin ang hitsura ko. Then I decided to leave my room and go down to the living room. I went straight to the library because daddy was said to be there. Siguro naman ay wala na rito sa bahay ang Olaf na ’yon!
Pagkarating ko sa tapat ng library, I didn’t bother to knock on the door. I grabbed the doorknob and turned it open. And I saw my daddy sitting in front of his working table, while Natalie was sitting on his lap with her arms wrapped around his neck.
Napasimangot ako bigla dahil sa nakita ko.
“Thank you so much sa regalo mo sa akin, hon,” dinig kong sabi ni Natalie kay dad.
Oh! Ano na naman kaya ang ibinigay ni daddy sa babaeng ito? Hindi talaga mawala sa isipan ko na piniperahan lang nito ang tatay ko.
Saan nga ulit nakilala ni daddy ang babaeng ito? Sa bar?
“Pero dapat hindi ka na nag-abala na bigyan ako ng ganito.”
“Honey, regalo ko ’yan sa ’yo kasi malapit na ang birthday mo.”
“Two months pa bago ang birthday ko, hon.”
“That’s fine, my love. Gusto ko lang makita kang masaya.”
“You know masaya naman ako kapag kasama kita. Kapag nagbo-bonding tayong dalawa.”
“Don’t worry, hon. Kahit naman busy ako sa trabaho ko, lagi naman akong naghahanap ng way para may time ako lagi sa ’yo.”
Dahil sa sinabi ni daddy kay Natalie, hindi ko naiwasang hindi masaktan at magselos. Oh, really? Para sa babaeng ’yon, kahit napaka-busy niya sa trabaho pero kaya niyang humanap ng paraan para magkaroon siya ng oras para kay Natalie at mag-bonding sila? Samantalang sa akin, hindi niya magawa iyon!
Nalungkot ako nang husto dahil sa mga narinig ko. So instead of entering the room, I turned around and left in a hurry. Hindi na ako tumuloy roon para makausap si dad.
“Amicia—”
Narinig ko si Taby na tinawag ako, pero hindi ko na ito pinansin. Nagmamadali akong lumabas sa bahay. I don’t know where to go now. Basta, hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan man ako makakarating. Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha ko, nagpatuloy lamang ako sa lakad-takbo ko.
Nang makalayo na ako sa bahay, roon ko na hinayaan ang sarili ko na umiyak nang husto.
Umupo ako sa malaking ugat ng puno.
“Dad is so unfair, mommy! I wish you were still here with me. I need you, mom.”
I cried and cried until my chest felt better.
Mula sa pagkakaupo ko sa malaking ugat ng puno, tumayo ako at naglakad palapit sa isang puno na hindi kalakihan at ilang hakbang mula sa puwesto ko. Umupo ako sa damuhan at sumandal doon. Nasa rancho ako ngayon. Dito ako dinala ng mga paa ko kanina.
Hinayaan ko lang ang buhok ko na tangayin ng mahinang hangin habang nakatanaw ako sa malayo.
“Are you okay now?”
I suddenly frowned and turned to my left when I heard that familiar voice. And there, I saw him again.
What is he still doing here? I thought he had left.
“Is it okay with you if I accompany you again?” he asked.
Saglit ko siyang tinitigan nang seryoso bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. At mula sa gilid ng mata ko, nakita kong umupo siya isang hakbang mula sa puwesto ko.
“Bakit ka na naman umiiyak ngayon?”
“Can you just leave me alone?” sa halip ay asik ko sa kaniya. “I want to be alone.”
“I’d like to leave you here alone, but I’m already sitting on the grass,” sabi niya. “Malapit na gumabi. If I leave you here alone, you might have lost back to the mansion.”
Muling nagsalubong ang mga kilay ko nang lungunin ko siya. “Excuse me? This is our place. My mom gave birth to me here, and I also grew up in this place. Even in the middle of the night, I know how to return to the mansion,” masungit na wika ko sa kaniya.
Natawa naman siya ng pagak. “Malawak ang lupain ninyo. I bet, even though Helena gave birth to you in this place, and you grew up here, you haven’t toured the entire hacienda yet.”
Aba! Mas alam pa niya tuloy ang tungkol doon? E, simula nang maliit pa ako, lagi na akong isinasama ni dad sa pamamasyal sa buong hacienda.
Sino ba siya? E, no’ng isang araw lang naman kami nagkita. Kanina ko lang din nalaman na ninong ko pala siya.
“And one more thing, is that how you talk to your godfather?” tanong niya.
Nilingon ko siya ulit, at sakto namang lumingon din siya sa akin. I couldn’t speak immediately when I stare into his hazelnut brown eyes again. I really like that pair of eyes. Even though I only stared at it twice, feeling ko gumagaan bigla ang pakiramdam ko. Kagaya na lamang ngayon, I was crying earlier because I was hurt by what I heard from daddy. But now that I saw those eyes, I felt a sudden relief.
Sunod-sunod akong napakurap at mabilis na nagbawi ng tingin sa kaniya pagkuwa’y nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
“Why did you cry again?”
Nanatili akong tahimik at nakatitig lamang sa malayo. Gusto ko sanang magkuwento sa kaniya, pero hindi ko na ginawa. Magkaibigan sila ni daddy, kaya sigurado akong sasabihin niya kay daddy ang mga sasabihin ko sa kaniya ngayon.
“Nothing,” wika ko na lamang.
“I saw you earlier running out of the mansion while crying. That’s why I followed you here. May problema ka ba?”
“Are you really my ninong?” sa halip ay tanong ko sa kaniya. Nilingon ko siya uli.
“Nagdududa ka ba?” tumawa pa siya nang pagak.
“I was just wondering how you became my godfather? I mean, you’re too young to be my godfather. You know.”
“I’m already thirty-two.”
Muling nagsalubong ang mga kilay ko. Seriously? He’s thirty-two? I mean, hindi ko naisip ’yon. Napakabata ng hitsura niya. I thought nasa early twenties lang siya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa at mapailing. “Matanda ka na pala... Po.”
Hindi ko na namalayan na nakikipagkuwentohan na ako sa kaniya ng kung anu-ano lang. Nawala panandalian sa isip ko ang tungkol sa mga narinig ko kanina kay daddy. Hindi ko na namalayan na tumatawa na ako sa mga kuwento at jokes niya kahit corny naman.
At pagkatapos ng pananatili namin doon, nagpasiya na rin akong magpaalam sa kaniya para bumalik sa mansion. Medyo nag-aagaw na rin ang liwanag at dilim sa buong paligid.
“I’ll help you.” Inilahad niya sa akin ang kamay niya upang tulungan akong tumayo.
Dahil naging komportable naman na akong kausap at kasama siya kanina, hindi na ako nag-alangang tanggapin ang kamay niya. But in the moments when our palms touch, I feel like I suddenly feel something strange. I couldn’t tell, but his warm palm brought me something different.
Saglit akong napatitig sa kaniya bago niya ako hinila upang makatayo ako. Kaagad niya namang binitawan ang kamay ko.
“Thanks po again, Ninong,” sabi ko.
Natawa siya nang pagak. “You don’t have to call me Ninong if you don’t want to. It’s fine with me.”
“You’re my Godfather, so I should just call you Ninong,” sabi ko. “Anyway, mauuna na po ako.” Pagkasabi ko niyon, kaagad akong tumalikod sa kaniya at naglakad na rin. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig ko naman ang boses niya.
“Tama nga ako. Hindi mo kabisado ang buong hacienda ninyo.”
Napapihit ako paharap sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay ko.
“Sigurado kang diyan ang daan pauwi sa mansion ninyo?” tanong niya.
“Um.” Saglit akong nag-isip at inilibot ang paningin ko sa paligid. Inalala ko kung saan ako dumaan kanina. Ugh, I forgot. Saan nga ako galing kanina? “That way.” Itinuro ko ang daanan na nasa likuran niya saka ako naglakad pabalik. Pero hindi ko pa man siya nalalagpasan, he grabbed my arm, so I stopped walking and frowned as I looked at him. “What?”
“I’m just kidding. Doon ang daan pauwi sa mansion ninyo.”
Bigla ko siyang pinaningkitan ng mga mata ko. Pagkuwa’y binawi ko sa kaniya ang braso ko. “You know what, Ninong? Kanina parang nagugustohan na kita kasi akala ko mabait kang tao. Pero ngayon? I changed my mind.” Pagkasabi ko n’on, kaagad akong tumalikod sa kaniya at nagmamartsa nang naglakad palayo.
Narinig ko naman siyang tumawa habang nakasunod sa akin.
“Come on! Ihahatid na kita. Madilim na ang paligid.”
“No need. I can manage myself. Po.” Madiing saad ko sa kaniya.
“Trust your Ninong, I know you can’t go back to the mansion kung hindi kita ihahatid.”
“No thank you.” Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko para lang makalayo na sa kaniya.
Walang-hiya siya!