Rafael Clemente’s POV (Part 2 of Rafael’s POV) I am three hours early for class. Dumaan muna ako sa part time job sa computer shop at nakapag-duty muna ng dalawang oras bago tumungo dito sa university. My job is hourly paid kaya bawat oras sa akin ay mahalaga. “Hi, pre,” bati sa akin ng nakasalubong ko na classmate habang papunta sa tambayan ko na rooftop para doon mag-aral. Exam week na namin sa susunod na linggo kaya busy ang mga estudyante sa pagre-review. Kampante naman ako na maipasa ang finals dahil halos gabi-gabi akong nagpupuyat sa pag-aaral. “Pare,” I asked my classmate nang mapansin ko ito. Ang alam ko ay oras na ng klase nila ni JR sa isang subject kaya hindi ko alam kung bakit ko ito nakikita ngayon. Malamang ay nagka-cutting class. “Pre, ang aga mo ha?” “Yes. Pupunta

