Jea Raine Serrano’s POV “Yaya, huwag mong kalimutan iyong mga bilin ko kay Nicole, ha.” Malambing na sabi ko. “Opo, Ma’am Raine.” Magalang na sabi ng yaya ni Nicole. Marami pa sana akong ibibilin pero biglang dumating si Rafael. “We’re getting late.” Seryosong sabi ng asawa ko. Lumingon ito kay yaya. “Yaya, iwanan mo na kami.” Kumunot ang noo ko saglit. Nasa labas na kasi ito ng entrance kanina at mukhang hindi makapaghintay ng kahit sandali man lang. Nagpaalam lang naman ako na magbibilin para sa anak ko. Though meron naman na bodyguards na si Nicole kaya kampante na rin ako sa safety nito ay hindi pa rin ako nakakalimot na magbilin para sa buong maghapon na activities ng anak ko. Nagmamadali naman na sumunod si yaya kay Rafael at umalis sa kinatatayuan namin. Ako naman ay lumingon

