Jea Raine Serrano’s POV Magtutuos? Kinabahan ako sa sinabi ni Rafael at anong klaseng pagtutuos ang gagawin namin. Subukan lang nitong saktan ako at magsusumbong ako kay Daddy Ricardo. Pero alam ko naman na hindi nito kayang manakit ng babae. Kahit hanggang langit pa ang galit nito sa akin. Pinakawalan agad ni Rafael ang braso ko matapos ng ilang saglit na matalim na tingin nito sa akin. Matapos ay tumikhim ito. Iniwas na ang tingin sa akin. Mabilis akong umalis sa table at nagpunta sa restroom. Totoo naman na naiihi na ako. Katakot takot na tension rin ang inabot ko hindi pa man nagsisimula ang party. I think this party will only take two to three hours bago matapos pero parang ilang oras na ang nakalipas. ‘Yung nasa gate pa lang kami kanina ay ang dami nang ganap. Paano pa kaya mama

