Jea Raine Serrano’s “Hay*p ka! Hay*p kayong lahat!” sigaw ko. Wala na akong pakialam pa kung marinig man ni Rafael ang pagsisigaw ko. “JR, don’t push me to my limit. Ibibigay ko sa’yo ang ampon natin ng ligtas kapag sinunod mo ang gusto ng asawa mo.” Bigla naman akong pinatayan ng tawag ni Jonas. Napahagulgol na lang akong sumubsob sa kama hanggang mapagod akong umiyak. Ngayon ay wala na akong choice kung hindi sundin ang gusto ni Rafael. Gagawin ko na ang gusto nito at kapag nakabalik kami galing dito sa honeymoon namin ay kailangan kong makuha si Nicole. Hindi ko na hahayaan na makalapit sa amin ni Nicole si Jonas. Kumuha muna ako ng lakas ng loob para hanapin si Rafael. I stayed in front of the mirror. Tinitigan ko na nang husto ang mukha ko habang sinusuklay ang mahaba kong buho

