Jea Raine Serrano' s POV “D*mn it!” malakas na sigaw si Rafael sabay sipa sa dingding pagkabalik namin dito sa master’s bedroom. Matapos sipain ang dingding ay kuyom ang mga palad nito na nakahawak sa dingding na doon nakaharap. Kakapasok pa lang namin at pagkasara ng pinto ay agad itong bumitiw sa pagkakakapit sa braso ko. Ang ama kasi nito na si Don Ricardo ay nasa katapat na kwarto lang nitong master’s bedroom at iyon talaga ang kwarto nito rito sa bahay bakasyunan nilang mansyon. May kukunin raw kasi na dokumento itong father-in-law ko kaya pati ay paakyat dito ay sumabay sa amin. Ilang sandali lang ay aalis na kami at tutungo sa Maynila. “Rafael! Baka marinig ka ni dad,” saway ko dito dahil parang gusto nitong magwala sa galit. Nag-aalala rin ako dahil may benda pa nga ito sa kama

