Jea Raine’s POV “Nakakadiri ka!” paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Rafael bago ko ito tuluyang iniwan sa master’s bedroom. Hindi man lang ako hinayaan na makapagsalita kanina ni Rafael dahil naunahan na ako ng galit nito. Kita naman sa mata nito kanina na hindi nito tinatanggap ang paliwanag ko kahit totoong nangyari na ang sinabi ko. Kasalanan ko dahil sa sobrang sakit na naidulot ko sa lalaki ay malamang tumigas na ang puso nito sa akin. Puno na ng galit ang puso nito. Kahit hindi ko kagustuhan ang nangyari sa amin... hindi na ako nito mapapatawad. Hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko na kahit kailan naman ay hindi nawala ang pag-ibig ko dito. Siya pa rin ang mahal ko. Wala naman akong lalaking minahal. He is my first love, and I’m sure of myself

