Jea Raine Serrano’s POV “B-babe, k-kinakabahan ako...” “Huwag kang kabahan. I’m sure na magugustuhan ka ni Nanay. Ang nanay ko ang pinakamabait sa buong mundo.” Ngumiti ang boyfriend kong si Rafael. “Talaga? Pero paano kung hindi niya ako magustuhan?” Kinakabahan pa rin ako. This is the first time na mami-meet ko ang Nanay ni Rafael. Ang tagal ko na itong kinukulit na ipakilala ako sa nanay nito. Ang totoo ay nahihiya si Rafael sa akin na papuntahin ako dito sa bahay. “That’s impossible. Walang tao na hindi magkakagusto. You’re a lovable person. The first time I saw you, binaliw mo na ang puso ko.” Natigilan naman ako sa sinabi ng boyfriend ko. Kinilig ako sa banat nito. “Eh, ‘di umamin ka rin. Na-love at first sight ka sa akin.” Tudyo ko sa boyfriend ko. Tumawa lang si Rafael kay

