“SUMMER themed cupcakes? Why not?” sabi niya kay Angelique thru video call. Biglaan ang meeting na pinatawag nito para sa bakeshop at gustuhin man niya ay hindi na siya makakarating. Nasa isang bench siya ng Enchanted Kingdom. Mula sa kinauupuan niya, natatanaw siya sina Rory at Onyok na pasakay na naman sa Grand Carousel. Kung pang-ilang beses iyon ay hindi niya alam. Basta bumaba doon ay pipila uli ang dalawa para sumakay uli. “Ginawa na natin ito last year. Patok naman, hindi ba?” wika ni Angelique. “Wala pa tayong ginawa na hindi patok,” confident na sabi niya. “Hello, single moms!” Kumaway siya sa mga natatanaw niya sa background ni Angelique. “So what are we going to offer this time? Actually medyo late na nga tayo. Dapat nag-start na tayo noong bago nag-Holy Week.” “Holy Week la

