HINDI MATATAWARAN ang tuwa ni Onyok nang magsimula ang fireworks. Alam din naman ni Erica Mae iyon kaya ano na lang ba iyong konting oras na ipaghihintay nila gayong mahabang oras na rin naman silang nandoon. “Tapos na. Let’s go,” aya niya kay Onyok. Tumango si Onyok. Pumapalakpak pa ito at kumaway sa hangin. “Bye, EK! Babalik kami! Di ba, Mama, babalik tayo dito?” “Oo naman. Pero saka na. Hindi pa agad.” “Okay.” Luminga ito. “Nasaan si Ninong?” Nagkibit siya ng balikat. “Nandiyan lang iyon.” True enough, natanaw niya ito na paparating. Isang malaking Eldar, the Wizard na stuffed toy ang dala nito. “Ano iyan?” sita niya agad. “Sobra mo nang ini-spoil si Onyok.” “Hindi naman para sa kanya ito. Para sa iyo.” “Para sa akin?” Itinuro pa niya ang sarili. Bumaling si Rory kay Onyok. “D

