SHE COULDN’T deny it. Kahit na itanggi ni Erica Mae, hindi niya maiaalis sa sarili na dismayado siya. Maghapon siyang nasa B2. Natapos niya ang experiment niya sa variation ng banana cupcake at nagawa niya ang lahat ng iba pang gagawin. Busy siya, right? At inaantok din dahil halos wala siyang tulog. Pero sa kabila niyon hindi niya maisantabi na may hinahanap siya. She was missing Rory. Mag-a-alas sais na ng hapon ayon sa suot niyang relo. Malamang ay nasa airport na ang binata. At hindi nakuhang magpaalam man lang sa kanya. Kungsabagay, nasabi na nito sa kanya na may flight ito. Still, disappointed siya na makakaalis nga ito na ni isang text man lang ay hindi ginawa para sa kanya. Eh, hindi naman kayo, di ba? Ano pa ba ie-expect mo? anang isang bahagi ng utak niya. Kahit na. Dati nam

