“PAPA!” Nagdilat ng mga mata si Erica Mae. Dinig na dinig niya ang boses na iyon ni Onyok. Pagtingin niya sa orasan, alas nueve na ng umaga. Siningil nga siya ng pagod at puyat niya nang nagdaang araw. Nag-inat siya at napangiti. Malamang ay hindi makapaghintay si Rory at naroroon an naman sa kanila. At malamng din pinangunahan na nito ang anak niya at nagpatawag na ng ‘papa.’ Wala naman siyang makapang pagtutol sa dibdib niya. Sa halip bukal sa loob niyang tinanggap na malapit na ngang mauwi sa katotohanan iyon. Tama naman ito, lubos na nilang kilala ang isa’t isa para mag-aksaya pa sila ng ilang panahon na magligawan. Matatanda na sila para doon. Puwede na silangb tumalon agad sa ibang stage. Gaya ng pagpapakasal? tukso ng isang bahagi ng utak niya. Naki-kiss ka na nga niya, eh, tu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


