KABANATA 2

897 Words
Classmate Nagising ako sa tunog nang nag-aalburotong alarm clock sa aking side table na agad ko namang hinampas para patayin saka muling nagtalukbong ng kumot. Sobrang lamig kasi ngayon kaya nakakatamad bumangon. Ilang minuto lang ay naka-idlip pa akong muli.. Ngunit bigla akong bumalikwas ng bangon dahil sa malakas na tunog ng aking cellphone. Mabilis ko itong sinagot at ang matinis na boses ni Terry ang bumungad sa`kin. "Where the hell are you Lara?!" tila gusto na nitong lumuwa sa screen ko habang sumisigaw.. "Lara naman kailan kaba darating sa tamang oras? Late ka nanaman niyan!" Bantulot akong bumangon at dumiretso na sa banyo. "Okay, okay.. I'm on my way na, I gonna hang up the phone..I'm driving!" Pagsisinungaling ko dito. Magsasalita pa sana ito pero pinindot ko na ang end button. Mabilis akong naligo,nag toothbrush at saka kumaripas ng takbo palabas na sana sa malaking pinto nhuniy napahinto ako nang tawagin ni mommy. "Lara belle!" Umikot ang mata ko saka nakangiting lumingon sa may-ari ng tinig. "Mom, Goodmorning!" saka sinalubong ito ng yakap at halik sa pisngi. "Aalis ka na? bakit hindi ka muna kumain?" malambing nitong tanong sa akin. "Sa school nalang po mommy. I'm in hurry po e!" Muli akong humalik sa pisngi nito at tumuloy na palabas. Agad kong tinalon ang kotse ko saka mabilis na pinaandar iyon at wala pang sampung minutos ay nasa tapat na ako ng school. "Gotcha!" sambit ko na siya naman pinagbuksan ni manong guard. "Goodmorning po, ma'am!" Bati nito sa`kin. Nginitian ko lang ito saka pinaharurot ang kotse kong papasok sa loob ng campus. Madaming napalingon dahil sa pag gasgas ng gulong sa kalsada nang mina niobra ko ang sasakyan patungo car park bago umibis ng sasakyan. "Uy si Lara oh?" Rinig ko nang may madaanan akong grupo ng mga lalaki.. "Shet, ang ganda nʼya talaga," sabi pa ng isa. Ganyan nila ako tingnan, kulang nalang lagyan ko sila ng tig-iisang timba paanan nila dahil ano mang oras ay mapupuno nila ng mismong laway nila iyon. Beacuse I'm Larabelle Montellano, dyosa kung ituring ng lahat, dahil sa angkin kong ganda, talino at hindi rin pahuhuli sa pa-sexy-han. Sinalubong naman ako ng mapanuring tingin ng mga ingiterang mata ng mga babaeng nakatayo sa may corridor. Hindi ko nalang sila pinansin, para saan pa? Masisira lang ang araw ko kung papatulan ko pa sila. Mabilis na akong pumasok sa building namin at tinahak ang daan patungo sa aking silid. Ngunit tumigil ang mga paa ko sa mismong pintuan nang mapagtantong nagsisimula na ang klase. "Ms.Montellano and late ka nanaman?!" Singhal sa akin ng Instructor namin. Nginitian ko lang ito ng pinakamatamis kong ngiti at hinawi ang ilang buhok palayo sa mukha. Dahan-dahan akong humakbang palapit dito bago magsalita. "I'm very sorry, sir, hindi na po mauuli," I murmured softly. Lumunok ito sa sinabi ko at pinilig ang ulo bago minuwestra ang kamay para patuluyin na ako sa klase. "Ibang klase ka talaga Lara" bulong ni j**s sa`kin nang makaupo na ako. Nginitian ko lang ito at inilabas na ang notebook ko 't ballpen. Siniko naman ako ni Cara na isa sa mga seat mate ko, "Nabalitaan mo na ba?" Bulong nito sa`kin. Lumingon naman ako dito na nakakunot ang noo. "Ang alin?" "Dito daw papasok yung bagong transferee, ibig sabihin magiging classmate natin yung sikat na vocalist ng bandang Logistic Band" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at tila hindi makapaniwala sa narinig. Hanggang sa narinig kong umingay ang buong klase. Ganon nalang napako ang tingin ko sa pintuan kung saan nakatayo ang lalaking nagbigay ng isang libong kuryente sa aking katawan. Ang lalaking laman ng aking mga panaginip. Ang lalaking nagiging dahilan ng paggising ko sa araw-araw. Kinurot ko ang braso ko. Kung panaginip lang ito ay parang ayoko nang magising pa. But heʼs for real, totoo ngang nandito siya sa section namin. "Isa ka pang late!" Dumagundong ang boses ni Mr.Colminar sa buong klase dahilan para tumahimik ang lahat. Tila hindi naman natinag ang lalaki at prente paring nakatayo sa bungad ng pintuan. "Ipakilala mo ang sarili mo sa klase!"  maawtoridad na utos dito ni Sir Colminar. Pinagsaliko ko ang mga palad ko't nilagay iyon sa aking dibdib habang tila hindi pa rin makapaniwala. Tumikim muna ito at diretso nang nagsalita. "I'm Rexon Del'torre. I'mypur new classmate." Pakilala nito sa sarili bago sumulyap sa may bintana para iwasang tumingin sa mga kaharap. "OMG ang gwapo nʼya!" Hindi na napigilang bulalas ng malalandi kong classmate. "Hi, I'm Karen!" Pakilala ng isa kong classmate na tila hindi na napigilan ang sarili. "Ang haharot nʼyo hah?" Taas kilay na sambit ng baklang si j**s. Nakita kong ngumisi ito sa nag pakilalang si Karen na tila hihimatayin naman sa kilig. "Quiet! Quiet class!" Sigaw ni Mr.Colminar na siyang hinampas ng malakas ang kaniyang lamesa. Tumahimik muli ang buong klase dahil sa takot dito "Mr. Del'torre you can seat next to Ms.Salamera." Di ko mapigilang magrebelde, dahil hindi siya itinabi mismo sa akin kung saan may bakante pa sa aking kanan. Pero okay na rin dahil itinabi siya kay Candice na tahimik at mahinhin. Napansin siguro nito na sinusundan ko siya ng tingin kaya nataranta ako nang sumulyap ito sa akin. Nahigit ko ang paghinga nang mag tama ang mata namin.. Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa nakakatunaw niyang titig. But that was too short, mabilis rin kasing bumaling ang tingin nito sa unahan. Ako naman ay parang nasa Cloud nine ng mga oras na iyon dahil sa kilig na naramdaman. Wala sa hinagap ko na magiging classmate ko ang iniidulo kong si Rexon De`torre. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD