MARIONE:
NAPAPANGISI ako na nakayakap sa tagiliran ni Lucky habang papasok kami ng headquarters nito. Napapayuko at panay ang pagbati naman ng lahat sa amin na nginingitian at tinatanguhan ko. Ang iba ay kinikindatan ko pa.
Napataas ako ng kilay nang magkasalubong kami nu'ng babaeng Lieutenant na pinakilala ni Lucky sa akin noong nakaraan.
Napasulyap pa ito sa kamay ni Lucky na nakahawak sa punong-braso ko dahil nakaakbay ito sa akin. Napangisi akong ikinaasim lalo ng mukha nito.
"Inspector, nakakalimutan mo yatang oras pa ng trabaho natin?" pormal nitong tanong.
Pagak akong natawa na ikinabaling nila sa akin. Sumandal ako sa dibdib ni Lucky na idinantay ang palad sa dibdib nitong pasimpleng hinaplos iyon. Napapalunok naman itong napatitig sa kamay ko na bakas ang inggit sa kanyang mga mata. Tama nga ang hinala ko. May gusto siya kay Lucky. tss.
"Ano ka nga ba ulit dito?" tanong ko na may pagmamaldita ang tono at nakangising nakataas ng kilay dito.
"Lieutenant," sagot nitong nautal pa bahagya.
"Lieutenant? Kung gano'n. . . lumugar ka. Inspector ang kaharap mo at baka hindi mo kilala kung sino ako para umasta ka ng ganyan sa harapan ko, Lieutenant. Baka gusto mong mawalan ng trabaho sa isang pilantik lang ng daliri ko. Hwag kang bastos, kuha mo?" pagalit ko ditong namutla at napapalunok.
"Babe," mahinang saad ni Lucky na napapisil sa braso ko.
Napayuko naman si Trisha na tila nalunok nito ang dila at hindi na nakapagsalita pa.
Iginiya naman ako ni Lucky sa opisina nito. Napabusangot ako na pabalang naupo sa kanyang swivel chair na pinapaikot-ikot iyon. Nakatayo naman ito sa harapan ko. Nakahalukipkip na matamang nakatitig sa akin at bakas ang kaseryosohan.
"Marione?"
Napataas lang ako ng kilay sa pagtawag nito sa akin. Napahinga ito ng malalim na napahilot ng sentido.
"I don't like what you did today, babe," kalmadong saad nito.
"Na ano? Na nagpanggap akong traffic enforcer?" painosenteng tanong ko.
Muli itong napahinga ng malalim na pagod ang mga matang nakatitig sa akin.
"Marione, look. Hwag ka namang maging bastos sa mga kaibigan at katrabaho ko. Iginagalang nila ako dito at ganu'n din ako sa kanila," saad nito.
Natigil ako sa pagpapaikot-ikot ng swivel chair nito na matamang itong tinitigan sa mga mata.
"Ah, so 'yong Lieutenant pala ang tinutukoy mo," sarkastikong saad ko na napatango-tango.
"Babe, mali 'yong ginawa mo eh. Nabastos mo siya."
"Nabastos? No, Lucky. Pinaalala ko lang kung saan siya lulugar!" paasik kong sagot na napataas ang boses.
"Lower your voice, babe. Hindi ito sound proof," kalmadong saad nito.
Natawa ako ng pagak na napailing dito. Napalunok naman itong nakatitig sa akin.
"So, kinakampihan mo ang babaeng 'yon, against me?" sarkastiko kong tanong.
Natameme ito na hindi makaapuhap ng isasagot sa akin. Napatango-tango ako na napailing.
"Okay."
"Babe, it's not like that. Ang sinasabi ko lang--"
"Tama na," putol ko sa anu pa mang sasabihin nito.
"Yon din 'yon, Lucky. Kinakampihan mo ang babaeng 'yon kaysa sa akin na asawa mo," asik ko na pabalang napatayo.
"Babe, hwag ka namang ganyan," paghabol nito na niyakap ako mula sa likuran sa akmang paglabas ko ng opisina nito.
Kahit gusto kong yakapin na lang din ito ay mas nanaig ang inis sa puso at isipan ko sa sinaad nito kanina. Nag-igting ang panga ko na pabalang binaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa tyan ko.
"Marione, let's talk, babe. Hwag ka namang magalit," pagsusumamo nito na hinabol ako sa may pinto at hinawakan sa kamay.
Walang emosyon ang mga matang napatitig ako ditong bakas ang takot at pangamba sa kanyang mga matang nangungusap. Napailing ako.
"Bitaw. Uuwi na ako," walang emosyon kong saad.
"M-Marione," puno ng pakiusap na sambit nitong inilingan ko lang na galit ang mga matang nakatitig ditong napapalunok at namumutla.
"Bitaw, Lucky." Madiing banta ko na nagngingitngit ang mga ngipin at mas pinalisik ang mga mata ko dito.
Napapalunok naman itong dahan-dahang napabitaw sa kamay ko. Napairap ako dito na pabalang lumabas ng kanyang opisina na ibinalibag ang pinto.
Walang kangiti-ngiting lumabas ako ng headquarters nito. At ang nakakainis? Hindi manlang niya ako sinundan dito sa labas para pigilan ako. Lalo akong nagngingitngit sa sama ng loob ko na pabalang pumasok ng kotse ko at halos masira na ang pinto sa lakas ng pagbalibag ko doon!
"Urghh! Nakakainis!" pagwawala ko dito sa loob ng kotse na pinaghahampas ang manibela.
Sunod-sunod namang tumunog ang busina ko na nasasagi ko iyon at nakakaagaw na ng attention sa mga tao pero wala akong pakialam. Para akong sasabog sa galit ko na hindi talaga ito sumunod. Sa sobrang inis ko ay pinaharurot ko na lamang ang kotse na panay ang busina at pag-takeover sa mga nakakasabayan ko sa kalsada.
Mahigpit akong nakakapit sa manibela na nanlilisik ang mga mata ko. Damn! Ng dahil sa babaeng iyon ay nagtalo tuloy kami at nagalit ako sa asawa ko. Sinasabi ko na nga ba. May gusto ang babaeng iyon sa asawa ko.
"If you think na maagaw mo si Lucky sa akin, you witch? Nagkakamali ka. Hindi mo kilala ang binabangga mo. Hindi mo alam. . .ang kaya kong gawin. Nagkakamali ka ng binabangga mong higad ka," nanggigigil kong asik na naiisip si Trisha na 'yon.
TUMULOY ako ng Bar namin. Wala din naman akong gagawin sa bahay. Masyado pang maaga at tiyak naman akong hindi ako susundan ni Lucky doon. Ayokong magmukmok sa isang tabi na parang batang inagawan ng candy.
"Ma'am Marione, magandang tanghali po. May kailangan po ba kayo?" magalang tanong ng guard dito sa labas ng Del Prado's Exclusive Bar namin na pinuntahan ko.
"Uhm, let me in, Kuya. Magpapalipas lang ako ng oras sa loob," saad kong ikinayuko nito na binuksan ang saradong pinto.
"Pero, Ma'am Marione. Wala pa pong staff sa loob, ha? Walang magsisilbi sa inyo. Pero kung gusto niyo? Tatawag ako sa mga waiter o bartender natin para may magsilbi sa'yo sa loob," magalang saad nitong inilingan ko.
"It's okay, Kuya. I can manage myself. Hindi naman ako maglalasing eh. Magpapalipas lang ng sama ng loob. Magbantay kang maigi, huh? Wala akong bodyguard ngayon," habilin kong ikinangiti at tango nitong napayuko pa sa akin.
"Sige po, Ma'am Marione. Akong bahala sa inyo."
Tipid akong ngumiti na tinapik ito sa balikat bago pumasok ng Bar. Binuksan ko ang ilang ilaw na nagtungo sa counter. Pumasok ako sa loob na dumampot ng majito at apple na in-slice ko. Naupo ako ng high chair na direktang sa bote lumaklak.
"Fvck!"
Napamura ako na nasamid sa sunod-sunod kong paglagok at humagod ang init at pait ng alak sa lalamunan ko. Dumampot ako ng tissue na pinangpunas ko ng labi at pumulot ng apple.
"Damn, Marione. Kailan ka pa natutong maglasing dahil sa lalake, huh?" kastigo ko sa sarili na napailing.
Sumilay ang matabang ngiti sa mga labi ko na nangilid ang luhang maalala ang si Lucky.
"Hindi lang siya basta-bastang lalake. Asawa ko siya. M-mahal ko siya." Parang hibang pagsagot ko sa sarili na hindi na namalayang napahagulhol.
Napayuko ako sa countertop na hinayaang rumagasa ang masaganang luha ko para maibsan manlang kahit paano ang bigat at sama ng loob ko. Hindi ko alam kung tama ba? O mali ang ginawa ko. Gusto ko lang naman siyang makita, makausap at mayakap. Pero iba ang nangyari sa inaasahan ko.
Kahit na walang ginagawang masama si Lucky ay hindi ko pa rin maiwasang makadama ng lungkot at selos na mas kinampihan pa niya ang kaibigan niya kaysa sa akin na asawa niya. Oo nga't nalait ko at nabastos ang kaibigan niya pero. . . sana manlang hinabol niya ako at pinigilan. Pero hindi. Ni hindi nga siya tumawag para kausapin ako.
NAGNGINGITNGIT ang loob ko na hatinggabi na ay wala pa rin si Lucky. Imposible namang hanggang ngayon ay nasa headquarters pa rin ito! Matapos kong maglabas ng sama ng loob kaninang tanghali sa Bar namin ay umuwi din ako. Hapon na nang makarating ako dito sa mansion namin ni Lucky kaya inaasahan kong pauwi na ito.
Kaagad pa man din akong naligo, inayos ang sarili at nagpa-deliver ng hapunan namin sa Edzel Exclusive Restaurant ni Mama Liezel pero. . . nakakatatlong painit na ako sa ulam pero wala pa ring Lucky ang dumarating.
Palakad-lakad ako dito sa sala na napahalukipkip. Nakaligo na rin ulit ako at nakapantulog na. Wala na rin akong make-up dahil naiinis lang anong nagbihis at paganda pa naman para sa kanya pero heto at anong oras na ay wala pa rin ito. Ni hindi tumatawag sa akin kung mago-overtime ito sa trabaho.
O baka naman nasa ibang pugad na siya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi sa akin!?
Nagngingitngit ang loob kong lumabas ng mansion. May dalang wine na tinutungga at dito na lamang hihintayin ang pagdating ni Lucky.
Pero inabot na ako ng madaling araw ay wala pa rin ito. Ni hindi manlang ito tumatawag sa akin. Ayoko naman siyang tawagan dahil sa nangyaring bangayan namin kanina sa opisina nito ng dahil sa pesteng Lieutenant na 'yon!
PASADO alas-dyes ng umaga. Dumating ito na bakas ang puyat sa kanyang mga mata. Pilit itong ngumiti na mabungaran ako dito sa sala na nagngingitngit ang loob at pinaniningkitan ito.
Naawa naman ako bigla sa itsura nito. 'Yon pa rin kasi ang suot magmula kahapon. Nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata na halatang wala pa sa tulog katulad ko.
Napatayo akong sinalubong ito. Kita ang lungkot at takot sa mga mata nito na tila nagpapaawa sa akin. Para namang hinaplos ang puso ko na mapatitig sa mapupungay niyang mga mata na parang nangungusap na hwag na akong magalit sa kanya.
"Good morning, babe. Kumain ka na ba?" malambing tanong nito na napayapos sa baywang ko at mariing humalik sa noo ko.
Para naman niyang sinusuyo ang puso kong nagtatampo. Napalabi akong tiningala itong matamis na ngumiti at napa-smack kiss pa sa mga labi ko.
"Hindi pa. Hinihintay kita," maktol ko na napapanguso.
Napangiti itong hinaplos ako sa ulo na hinagkan akong muli sa mga labi kong ikinangiti kong napayakap sa kanyang baywang.
"I'm sorry, hindi na ako nakatawag sa'yo kagabi," anito na hinaplos ako sa pisngi.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" muling tanong nito na napapalabi.
Nagmamakaawa ang itsura lalo na ang boses at kanyang mga mata. Napahinga ako ng malalim na lumamlam ang mga mata kong nakatitig dito.
"Hindi na. Kung sasabihin mo sa akin kung bakit magdamag kang wala," saad ko.
Pilit itong ngumiti na napahinga ng malalim na kita ang pagkabahala sa mga mata nito.
"Sinamahan ko ang kaibigan ko sa hospital. Wala kasi siyang bantay. Sumama ang pakiramdam niya kahapon. I'm sorry, babe. Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa opisina eh. Kaya hindi na kita natawagan pa," puno ng pagpapakumbabang saad nito.
Nakatitig ito sa mga mata ko na bakas doon ang sensiridad sa sinabi. Napatango-tango akong napanguso.
"Kaibigan? Sino? Si Galang ba? O si Fuentes?" tanong ko.
Nalukot ang gwapong mukha nito na hindi na makatitig sa mga mata ko ng diretso. Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ko. Sa nakikita kong reaction kasi nito ay parang nahihinulaan ko ng wala sa dalawang nasambit ko ang kaibigang tinutukoy nitong sinamahan ng magdamag!
"Lucky, hwag mong sabihing--"
"It's Trisha, babe. Sumama ang pakiramdam niya at dinala ko sa hospital," tuloy nito na ikina-akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo!
"What!? Si Trisha!? That b***h again!?" pasigaw ko na ikinatango nito.
Hindi ko namalayan ang pag-angat ng palad ko at malakas na nasampal itong ikinatagilid ng kanyang mukha!
Nanginginig akong kinakain na ng galit na muli itong nasampal! Hindi naman ito nanlaban o kahit sinasalo manlang ang kamay ko. Na tila hinahayaan lang akong ilabas ang galit ko.
"Nilalandi ka ng babaeng 'yon, Lucky! Can't you see it? May gusto siya sa'yo!" singhal ko na nanginginig ang boses!
"You're wrong, babe. Masama nga ang pakiramdam niya, please? Hwag ka namang ganyan sa kaibigan ko," pagtatanggol pa nitong pagak kong ikinatawa na napailing dito.
"Masama ang pakiramdam niya? O nagsasama-samahan lang para ma-solo ka?" sarkastikong tanong ko.
"Look, Marione. Wala pa akong tulog, please? Pagod at inaantok na ako, babe. Kaya nga lumiban na ako ng trabaho para makabawi ng tulog."
"Ah, so kasalanan ko pa ba ngayon kung napagod at napuyat ka, huh!?" asik ko na naduro ito.
Pagod ang mga mata na napatitig ito sa akin.
"Maliligo lang ako at aalis din. Akala ko makakapagpahinga ako dito," saad nito na tumalikod na paakyat ng hagdanan.
Napakuyom ang kamao ko na sinundan ito hanggang kwarto!
"May gusto ka ba sa Trisha na 'yon, ha!?" asik ko na hinila ito sa braso.
Walang emosyon itong humarap sa akin. Tila nagtitimpi na hwag akong patulan. Pero imbes na makadama ng takot ay mas naghari ang galit sa puso ko na nag-aaway na kami nito dahil sa pesteng Lieutenant na 'yon!
"Wala, okay? Kaibigan ko lang siya, Marione."
"Then prove it! Bakit pakiramdam ko niloloko niyo na ako, ha?!" sigaw ko ditong napapikit na napahilot ng noo.
"Damn, Marione. Tama na, please? Ayokong nagtatalo tayo," pagsusumamo nito na parang maiiyak na ang boses at itsura.
"Kung gano'n layuan mo ang babaeng 'yon!" nanggigigil kong asik dito.
"Paano ko naman 'yon gagawin, huh? Matalik ko siyang kaibigan at kasama sa trabaho. Marione, please? Hwag mo na siyang pag-initan," pakiusap pa nito na lalong ikinainit ng ulo ko!
"Hwag ko siyang pag-initan? Tignan mo nga ang nangyayari sa atin ng dahil sa kanya!? Nagtatalo na tayo dahil sa pesteng 'yon!" garalgal kong singhal dito na naiduro ito.
Napailing itong napasapo ng ulo at pumasok ng banyo at iniwan akong walang imik!
Sa sobrang galit ko ay pinaghahagis ko ang lahat ng gamit dito sa silid namin! Kahit ang malaking portrait ng wedding picture naming nakasabit sa wall ay nahablot ko at inihagis sa pader na ikinabasag nito!
Nagngingitngit ang loob kong pabalang lumabas ng mansion at pinaharurot palabas ng gate ang kotse ko!
"Damn you! Magsama kayo ng kabit mo!" sigaw ko na napapahampas ng manibela.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha dala ng galit ko. Ngayon lang ako nagalit ng todo. Kaya naman hanggang ngayon ay dama kong nanginginig pa rin ang buong katawan ko!
Hanggang sa ang tahimik kong pag-iyak ay napunta sa paghagulhol na ikinahinto ko sa pagmamaneho at napasubsob ng manibela. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagkalampag ng kung sino sa bintana ko.
Mas lalo akong napahagulhol na makita doon si Lucky. Kinakatok ako na nangungusap ang itsura habang naliligo na sa kasarsagan ng malakas na ulan.
"Babe, please? Buksan mo 'to," pagkatok nito na hindi ko pinapansin.
Nagtatalo ang isip at puso ko sa gagawin ko. Naaawa din naman ako sa kanya na makitang nakikiusap habang naliligo na sa kasarsagan ng malakas na ulan. Pero nang sumagi sa akin ang dahilan kung bakit ako nagagalit ay muling uminit ang ulo ko at tuluyang kinain ng galit!
"Babe?" pagkatok pa nito na hindi ko pinansin.
Mahigpit akong napakapit ng manibela at pinaharurot ang kotse palayo. Napahagulhol ako na pasulyap-sulyap kay Lucky sa side view mirror ko na parang basang sisiw doon na naiwan at nakasunod ng tingin sa aking papalayo.
TUMULOY ako sa condominium ng pinsan kong si Sofi. Ang unica hija ng Tito Khiranz ko. Gulong-gulo pa ako at galit na galit. Gusto kong sumigaw, magwala, manakit na hindi ko naman magawa.
"Marione!?" bulalas nito na mapagbuksan ako ng pinto na basang-basa at mugto ang mga mata.
"Sofi," basag ang boses na pagtawag ko ditong napayakap sa kanya at napahagulhol sa balikat nito.
"Oh my God! Come in, Marione." Anito na inalalayan akong makapasok. "What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo, ha?" usisa nito na inakay ako sa may kusina.
"Pwede bang dito na muna ako? Magpapalipas lang ng sama ng loob," saad ko na ikinalamlam ng mga mata nitong niyakap akong hinagod-hagod sa likuran.
."Yeah, of course. You're welcome here. You can stay here anytime you want." Maalumanay nitong saad na kumalas na at pinahid ang luha ko. "Just a minute, huh? Take a shower first, Marione. Baka magkasakit ka niya'n. I'll get you some of my things," saad pa nito.
Nagtungo ito ng silid kaya pumasok na rin ako ng banyo nito dito sa kusina at nagbabad ng shower. Kahit kinakalma at pinapatahan ko ang sarili ay hindi ko pa rin mapigilang mapahagulhol sa nangyari sa amin ni Lucky.
Ang bigat-bigat sa dibdib ko na ito ang unang beses na nag-away kami ng gan'to. Gusto ko mang magkaayos kami pero. . . mas nananaig sa puso ko ang galit at pagtatampo dito na nagawa niyang hindi ako uwian dahil sa babaeng 'yon. Gaano ba kahalaga ang Trisha na 'yon sa buhay niya at naipagpalit niya ang asawa doon?
It's obvious naman na may gusto sa kanya ang Trisha na 'yon. Kaya hindi ko maintindihan kung nagbubulag-bulagan lang ba si Lucky. . . o may gusto din siya sa babaeng 'yon.
Napatingala ako sa showerhead na hinayaan lang rumagasa ang masaganang luha ko. Inuubos ang bigat sa dibdib ko. Baka sakali at makausap ko na ng maayos si Lucky.
Ayaw ko rin naman na nagkaka gan'to kami. Na nagkakagalit kami. Nasanay na ako na malambing at masaya ang pagsasama naming dalawa. Nagkukulitan at harutan. Pero ngayon? Heto at magkalayo kami na masama ang loob.
Iniwan ko siya sa kalagitnaan ng kalsada at malakas na ulan. Tiyak akong. . . nagtatampo na rin siya. O baka mamaya ay nasagad ko na ang pasensiya niya. Baka mamaya ay may valid reason na siya para iwanan ako at sabihing immature pa ako. Na hindi pa handa sa buhay may-asawa.
Matapos kong makaligo ay siya namang pagkatok ni Sofi sa pinto na dala ang damit niyang susuotin ko.
"Here, use this na muna para makabihis ka. Sunod ka na agad, ha? May inihanda akong hot choco para sa atin," nakangiting saad nitong ikinatango kong inabot ang damit nito.
Napatitig ako sa mukha ko sa salamin. Namumugto na ang mga mata kong malamlam. Mapula na rin ang pisngi at ilong ko sa kanina ko pag-iiyak. Tiyak na magtatanong si Sofi kung bakit ako napasugod at kung bakit ako. . . umiiyak.
Nang makapag bihis na ako at suklay ng buhok ay lumabas na ako ng banyo. Kasalukuyan naman itong gumagawa ng sandwich na may dalawang mug ng chocolate ang nasa mesa. Umuusok pa nga ito na kitang bagong timpla.
"Here, inumin mo na muna ito, Marione. Para mainitan ang sikmura mo," saad nito na inilapag sa harapan ko ang hot choco.
"Thank you, Sofi."
Ngumiti lang naman ito na binigyan pa ako ng gawa nitong sandwich bago naupo kaharap ako na sinabayan akong sumimsim ng hot choco.
"So, what happened to you, hmm?" paninimula nito.
Napalabi ako na nag-iwas ng tingin dito. Ayoko mang mapasama si Lucky sa kanila pero. . . ang bigat-bigat sa dibdib ko ang nangyayari sa amin at kailangan ko ng mapag lalabasan ng sama ng loob. Baka sakaling gumaan ito at makausap ko na si Lucky ng maayos.
Napahinga ito ng malalim na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. "Marriage problem?"
Tumango lang ako na namuo ang luha sa mga mata ko. Muli naman itong napabuntong hininga ng malalim na inabot ang kamay ko at marahang pinisil-pisil iyon.
"What should I do, Sofi? Ayokong nag-aaway kami ni Lucky pero. . . galit pa rin naman ako sa ginawa niya. Imagine. . . nagtalo kami kahapon dahil sa bestfriend nito na katrabaho pa niya mismo. Pagkatapos kagabi ay magdamag ko siyang hinintay, Sofi. Magdamag. Naghanda pa nga ako ng dinner date namin para sana makabawi. Pero kanina lang siya dumating ng mansion. Ay alam mo ang nakakatawa kung bakit hindi siya nakauwi sa akin kagabi at buong magdamag?" mapait kong turan na napailing. "Kasi kasama niya ang bestfriend niyang impakta na na nagkunwaring may sakit para hindi iwan ni Lucky. Ang ending? Heto. . . kami ni Lucky ang nag-aaway dahil sa pesteng kaibigan niya." Pagbubukas ko ditong napatanga na kita ang gulat sa magandang mukha.
"Hey, everything will be fine, hmm?" pag-aalo nito na inabot ang kamay ko at marahang pinisil-pisil iyon.
"Do you think hindi niya ako ipagpapalit sa Trisha na 'yon?" tanong ko na ikinangiti nito.
"Alam mo, hindi ako expert sa love pero. . . magkakaayos din kayo ni Lucky. Pakinggan mo rin siya, hmm? Hindi porke't siya ang may mali ay hindi ka na makikinig sa kanya. At the end of the day? Asawa mo pa rin si Lucky. You should listen to him too, hmm?"
"Okay. . . I'll talk to him but. . . not now."