MARIONE:
ILANG araw ko rin tiniis na hindi makita si Lucky dahil sa simpleng sagutan namin. Naiinis ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi mas mahal niya pa ang kaibigan niya kaysa sa akin na asawa niya.
Hindi ko naman maalis sa isip ko na magduda sa kanila dahil maghapon na nga silang magkasama sa trabaho eh. Pati ba naman sa gabi ay aagawin ng Trisha na 'yon ang oras ng asawa ko sa akin?
Hindi ko naman intention na makapagsalita ng masasakit sa kanya. Alam kong mali ako doon. Pero nadala lang naman ako ng selos at inis ko kaya ko nasabi ang mga iyon.
Pero wala naman akong planong hiwalayan siya. Kahit hindi ko man sinasabi sa kanya. Alam ko sa puso kong mahal na mahal ko siya. At hindi ako makakapayag na may lintang sisira sa aming dalawa. Akin lang. . . ang asawa ko.
Natigilan ako sa pagmumukmok na may sumagi sa isipan ko.
"No way! Baka habang nagkukulong ako dito ay tuluyan ngang inaahas ng Trisha na 'yon ang asawa ko!" gimbal na bulalas kong napasabunot sa ulo!
Napabalikwas ako na kaagad pumasok ng banyo! Hindi pwede! Makakalbo ko talaga ang Trishang 'yon!
Matapos kong makaligo at bihis ay lumabas na ako ng silid. Mabuti na lang at tahimik ang mansion kapag araw dahil nasa trabaho ang lahat.
Kabado ako na nasasabik! Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama habang pauwi ako sa tahanan namin ni Lucky.
Parang gustong-gusto ko na siyang mayakap kaagad! Ilang araw ko din siyang tiniis kung kaya't mis na mis ko na ang asawa ko. Ang mga paglalambing niya, pangungulit at kapilyuhang taglay na hinahanap-hanap ko.
Napapalapat ako ng labi na napapapipilantik ng mga daliri habang nagmamaneho pauwi. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan!
Pagpasok ko ng gate namin ay napansin kong nandidito ang bigbike motor ni Lucky. Parang lulukso palabas ng dibdib ko ang puso ko na nandidito pa ito. Halos patakbo akong pumasok ng mansion na may malapad na ngiti sa mga labi!
"Lucky!? I'm home, babe!" aniko na halos pasigaw!
Unang bumungad sa akin ang nakabibinging katahimikan ng buong mansion. Napalunok akong unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi ko.
Napapalunok ako na nagtungo ng kusina. Pero ni anino nito ay wala doon na ikinabundol ng kaba sa dibdib ko.
"Babe? Lucky, where are you?" kabado at nauutal kong saad.
Umakyat ako ng silid namin. Umaasa na nandidito ito. Pero maging dito ay walang bakas na narito ito. Maayos ang lahat ng gamit maging ang kama.
Nangangatog ang mga tuhod ko na nagtungo sa banyo, wardrobe at balcony pero walang Lucky ang nakita ko. Unti-unting nanghina ang mga tuhod kong napaupo ng sofa. Tumulo ang luha na bagsak ang balikat.
"Hwag naman sanang hindi siya umuuwi dito ng ilang araw," bulalas ko na panay ang pagtulo ng luha.
Napayuko ako na hindi na mapigilang mapahagulhol. Naninikip ang dibdib ko sa kaisipan na baka kay Trisha na ito umuuwi at baka nagpaplano na ring hiwalayan ako!
"N-no. . . this can't be. Hindi ako makakapayag maagaw ka sa akin, Lucky. Akin ka lang," bulalas ko na nagpahid ng luha.
Akmang lalabas ulit ako ng mansion nang lumapit ang isang guard namin.
"Good morning po, Ma'am," magalang pagbati nito na bahagya pang yumuko.
"Good morning din po, Kuya. Anong atin?" aniko na pilit ngumiti dito.
"Ahm, Ma'am. Baka lang po kasi hinahanap niyo si Sir Lucky. Wala po siya ngayon dito. Kaaalis lang po ng truck na sinakyan niya," anito na ikinatigil kong natulala sa sinaad nito.
"Anong ibig mong sabihin, Kuya?" kabadong tanong ko.
"May mission po yata sila Sir Lucky ngayon, Ma'am. Kasama niya kasi ang buong team niya. Mga armado sila at may mga dalang malalaking bag eh, " alanganing saad nitong ikinanigas ko sa kinatatayuan!
NANIGAS ako na malamang may mahalagang mission na susuungin sina Lucky at buong team nito. Hindi ko maipaliwanag ang takot na lumukob sa dibdib ko sa mga sandaling ito sa kaisipang mapapalaban sina Lucky!
Mas lalo akong kinain ng takot na maalala ang nangyari kay Daddy. Na dahil sa mga mission nila kaya siya nawala sa amin. At ngayon naman ay ang asawa ko ang susuong sa digmaan!
"No way, this can't be! Kung bakit naman kasi sa pulis pa ako umibig eh!" sigaw ko dala ng frustration!
Nangangatal ang buong katawan ko! Hindi makapag-focus ang isipan ko. Sana lang ay maabutan ko pa sila. Nakakainis!
"Damn, Lucky! You're driving me crazy," bulalas kong mangiyak-ngiyak na!
Patakbo akong lumabas ng mansion na kaagad sumakay ng kotse ko. Bahala na. Baka maubusan na ako ng oras ay hindi ko manlang nasasabi dito kung gaano ko siya kamahal. Higit sa lahat ay hindi pa ako nakakapag-sorry sa kanya sa lahat ng mga atraso at pagiging pasaway kong asawa dito!
Parang lulukso palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito! Mahigpit ang hawak ko sa manibela na panay ang overtake sa mga nakakasabayan kong motorista.
"s**t! Sana naman maabutan ko pa sila," bulalas ko na napapakagat ng ibabang labi!
Naiiyak akong mabilis ang patakbo ng kotse para lang maabutan ko ang mga cargo truck kung saan nakasakay ang asawa ko. Ni hindi ko maramdaman ang takot ng bilis kong magmaneho dala ng halo-halong emosyon na naghahari sa puso ko!
Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang pag-alpasan ng masaganang luha ko. Gustong-gusto ko na itong makita at mayakap. Para akong mahihibang na hindi na mapangalanan pa ang aking nadarama. Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang makita ko ito. Mayakap at masabi ang aking nararamdaman.
"L-Lucky," sambit ko na napapahagulhol habang mabilis na nagmamaneho!
PARA akong nabuhayan ng dugo na makita sa harapan ang magkakahilerang sasakyan ng mga pulis na truck!
Diniinan ko ang busina na mabilis nag-overtake sa mga ito hanggang makarating sa pinakauna at pikitmata kong iniharang sa gitna ng daan ang kotse kong ikinabusina nila ng malakas at muntik ding nabangga ang kotse ko!
Kaagad akong bumaba ng kotse na parang sigang naglakad. Napatigil din ang mga sasakyan ng mga ito at nagsi-usyoso na kung anong nangyayari!
"Lucky!"
"Fvck! Babe, what do you think you're doing, huh!?" pagalit nito na makita ako at mabilis na patakbong sinalubong ako.
Napahikbi akong mahigpit itong niyakap na natigilan pa sa biglaang pagsulpot ko. Naghihiyawan at palakpakan naman ang mga ka-baro nito na tinutukso nila ang kanilang Inspector.
"You're such an stubborn, babe! Paano kung nahagip ka, ha!?" panenermon na nito na pinapahid ang luha ko.
"Lucky," humihikbing pagtawag ko habang nakatingala dito at nakayakap sa kanyang baywang.
"What?" anito na marahang pinahid ang luha ko.
Napapalabi naman akong nakatingala dito na pinagmamasdang maigi ang gwapo niyang mukha. Napangiti itong mariing napahalik sa noo ko na ikinahiyaw at tili ng mga kasamahan nito.
"Bakit ka humabol, hmm?" tanong nito na nagpakaseryoso na ang mukha at tono.
"Marami akong gustong sabihin, Lucky." Saad kong napapalabi na parang batang nakatingala dito habang nakayakap sa kanyang baywang.
"Hindi na ba 'yan makakapaghintay, babe? Look oh, may mission kaming pupuntahan," anito.
"Lucky, I'm sorry. I'm sorry sa lahat-lahat ng atraso at nasabi kong hindi maganda sa'yo. Mag-ayos na tayo, please? Mis na mis na kita at m-mahal kita," walang paliguy-ligoy kong saad.
Napaawang ang labi nito na natulala sa akin. Tila inuulit niyang binabalikan sa isipan kung tama ba ang narinig nito mula sa akin o namali lang siya ng narinig.
Naipilig nito ang ulo. Nag-iinit ang mukha ko pero mas nananaig sa puso kong masabi kung gaano ko kamahal ang asawa ko at makapag-sorry sa kanya sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko.
"Paki-ulit mo nga 'yong huling sinabi mo, Marione. Parang namali ako ng dinig eh," anito.
"Lucky naman, sabi ko mahal kita, mahal na mahal kita," aniko na mas nilakasan ang boses.
Narinig naman ito ng mga malapit sa aming naghiyawan naa nanunukso na naman. Parang mga nanonood ng magandang teleserye ang mga nandidito ngayon na matamang nakatutok sa amin ni Lucky dito sa harapan!
Naaagaw na rin namin ang attention ng mga dumaraan na ngkalat ba naman ang mga armadong pulis dito sa gitna ng kalsada at ng Inspector nila ay heto, naglalambing ang asawa.
Napalapat ito ng labi na pinamulaan ang pisngi. Napangiti na tuloy akong makita itong nagba-blush dahil sa kilig na hindi niya maitago.
"Hindi ko narinig."
Napalabi ako na halos magpapapadyak na ng mga paa sa inis.
"Inspector Lucky Hoffman, mahal na mahal kita! Sobra pa sa sobra! Tang'na mo naman eh. Mahal na mahal kita sabi!" sigaw ko na ikinahiyaw ng mga nakapaligid sa amin!
Para akong maiiyak sa harapan nito na ikinangingiti naman nitong matamang na nakatitig sa akin ang mga nangingislap niyang mga mata!
"Ahem! Mahal mo ako?" napapatikhim nitong tanong na nanunudyo ang tono.
"Oo nga kasi. Mahal kita. Lucky," napapabusangot kong sagot na ikinalapad ng ngiti nitong halos magsara na ang mga mata.
Hinapit ako nito sa baywang na bahagyang yumukong ikinatingala ko ditong napayapos sa kanyang batok.
Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito! Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama habang nakatitig sa mga nagniningning niyang mga mata.
Napahaplos ako sa kanyang pisngi na napangiting pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.
"Totoo ba? Mahal mo ba talaga ako?" mangiyak-ngiyak nitong tanong.
"Lucky, naman eh, mahal na mahal nga kita. Mangako kang babalik ka sa akin ng buhay, please?" pagsusumamo ko na ikinatulo ng luha ko.
Napangiti itong mariing hinagkan ako sa noo na ikinapikit kong napangiti.
"Hindi ako mamamatay kung 'yon ang inaalala mo kaya ka sumunod dito. Buhay mo naman ang nilalagay mo sa peligro sa bilis mong magmaneho. Hwag mo ulit ito uulit, ha? Labag sa batas ang over speeding, babe. Inspector pa naman ang asawa mo pero hindi ka sumusunod sa batas," saad nito na ikinangiti kong tumango-tango.
Hinaplos ako nito sa pisngi na matamis ngumiti sa akin.
"Mahal na mahal din kita, Ambit ko. Sobrang laking bagay sa akin ng ginawa mong ito. Kahit nilagay mo sa panganib ang buhay mo. Mahal na mahal kita, asawa ko. Kahit madalas ay pasaway ka at matigas ang ulo. Hindi no'n mababago ang pagmamahal ko sa'yo," sinserong saad nitong ikinalabi kong namuo ang luha sa mga mata.
"Magsimula tayong muli, Lucky. Mangako kang babalik ka sa piling ko ng buo at buhay, please?" mangiyak-ngiyak kong pakiusap na ikinangiti nitong napatango-tango.
Nagtaas ito ng kanang kamay na matiim akong tinitigan sa aking mga mata.
"Nangangako ako, Mrs Marione Del Mundo Hoffman, my wife. Babalik ako sa'yo ng buo at buhay. Magsisimula ng panibagong pagsasama kasama ka," buong-buo nitong saad na nanunumpa sa harapan ko.
Tumulo ang luha kong nakayakap dito ng mahigpit. Ikinulong naman ako nito sa kanyang bisig na panay ang halik sa ulo kong ikinangingiti ko habang yakap ito.
Napapikit akong naiyapos ang braso dito sa batok nito nang dahan-dahan itong yumuko at inabot ang mga labi kong ikinahiyaw at palakpak ng mga nakapaligid sa amin. Parang malulusaw ang puso ko sa mga sandaling ito at buong puso kong tinugon ang malalim at masuyong halik. . . ng asawa ko!
Napakapit pa ito sa baywang ko na mas pinalalim ang aming halikan. Halos higupin na nito ang buong bibig ko at maubos ang hangin sa baga ko!
"Mahal na mahal kita, Marione," anas nitong nakapikit na marahang pinaghahalikan ako sa buong mukha.
Napangiti akong pinaghahalikan din ito sa buong mukha bago muling siniil siya sa mga labi habang magkayakap kami dito sa gitna ng kalsada at pinapalakpakan ng mga ka-baro nito.
"I love you too, Lucky. I love you so much, babe. Mag-iingat ka, ha? Hihintayin kita sa bahay natin."
Ngumiti itong mariing hinagkan ako sa noo na hinaplos sa ulo.
"Oo naman, ngayon pa ba na may maganda at makulit akong misis na naghihintay sa pagdating ko?" nangingiting saad nitong ikinatawa kong muling niyakap ito.
Muli din naman ako nitong ikinulong sa kanyang bisig na panay ang halik sa ulo ko habang hinahaplos ako sa likod. Kahit paano ay naging kalmado na ang puso ko. Payapa ang isip ko. Hindi ko mailarawan ang sayang nadarama sa mga sandaling ito na kayakap ko ang asawa ko at maayos na kaming dalawa.
Sobrang gaan ng dibdib kong para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na ayos na kami ni Lucky. Na nasabi ko rin sa kanya ang tunay kong nadarama. At handa ng harapin ang bukas kasama siya. Ang asawa ko. Ang mahal ko. Ang Inspector ko. Ang Lucky ng buhay ko.
Muli kaming malalim na naghalikan at walang kahiya-hiyang ipinakita sa lahat ng mga nandidito kung gaano
namin kamahal ni Lucky ang isa't-isa.
Iginiya na ako nitong makapasok ng kotse ko at siya mismo ang nagkabit ng seatbelt ko bago muling siniil ako sa mga labi!
"Drive safe, babe. Hwag mabilis magpatakbo, okay?" pagpapaalala nitong ikinangiti at tango ko.
"I will, babe. Thank you. Mag-iingat ka rin doon, ha?" paglalambing ko na ikinangiti nitong napahalik muli sa aking kaagad ko rin namang tinugon.
"Yeah, I will, babe. I love you."
"I love you more, babe."
May ngiti sa labing marahan nitong isinara ang pinto ng kotse ko at kumaway.
Bumwelta naman na ako para makaalis na rin sila. Masaya naman itong nakipag-apiran pa sa mga katrabaho na tila tinutukso nila itong nagkakairitan.
Sunod-sunod ang mga itong bumusina sa akin na tila nagpapaalam. Napasunod na lamang ako ng tingin sa mga sasakyan ng mga ito na may ngiti sa labi kahit namumuo na ang luha.
"Ipagdarasal ko ang kaligtasan mo at buong team mo, asawa ko," usal ko na nagmaneho na rin pabalik ng mansion namin para doon na hintayin. . . ang asawa ko.
PAGDATING ko ng mansion ay bagsak ang katawan kong nahiga ng sofa. Napapanguso na naiisip ang asawa ko. Hindi na naman ako mapakali. Lalo na at kasama niya doon ang Trisha na 'yon. Hindi talaga mapalagay ang loob ko sa tuwing nasa paligid lang ang babaeng 'yon.
Pakiramdam ko ay may binabalak itong masama. Katulad ng pang-aagaw nito kay Lucky, sa akin. Malaki naman ang tiwala ko kay Lucky. Pero sa Trisha na 'yon? Ni katiting ay wala.
Damang-dama ko kaya ang ka-plastikan ng babaeng 'yon. Amoy na amoy ko ang tinatago niyang baho. Na malaki ang pagkakagusto niya kay Lucky. Masyado lang kasing mabait itong si Lucky kaya hindi napapansin ang mga kinikilos at the way kung paano siya titigan ng Trisha na 'yon.
Babae ako. At bilang babae ay kita at ramdam kong may pagtingin siya kay Lucky. Pero ibahin niya ako. Mabilis lang ako makakilala dahil malakas ang instinct ko sa mga nakakasalamuha ko. At masasabi kong hindi siya mapagkakatiwalaang nilalang. Kahit noong unang kita ko pa lang sa kanya. Mabigat na ang loob ko dito.
Napabangon ako na palakad-lakad dito sa gawi ng sala. Napapaisip kung anong gagawin. Hindi ako pwedeng maghintay na lang dito. Habang nandoon si Trisha kasama ang asawa ko. Baka mamaya ay ito na pala ang hinihintay niyang pagkakataon para tuklawin ang asawa ko. Hindi! Hindi ako makakapayag!
Kaagad akong umakyat ng silid ko at inayos ang ilang gamit na dadalhin ko! Hindi ako pwedeng magpatalo sa Trisha na 'yon!
Bakit nga ba hindi ko naisip kanina ang bagay na 'yon! 'Di sana ay magkasama pa rin kami ni Lucky na nagpunta ng Abra! Nakakainis naman eh!
Malapad ang ngiti ko na inimpake ang ilan sa mga damit ko. Bahala na. Hindi naman siguro magagalit si Lucky kung. . . susunod ako doon sa kanya sa Abra.
"Im coming, babe. Wait for me," sambit ko na napayakap sa bagpack ko na napapairit!
Kakaibang excitement ang nadarama. Sana lang ay walang maging aberya sa pagpunta ko sa kinaroroonan ng asawa ko!