TPOV:
KABADO si Lucky habang nakaharap sa buong pamilya ng dalagang si Marione. Nawalan kasi ng malay ang dalaga dala marahil ng matinding pressure at idagdag pang wala pa itong tulog sa buong magdamag.
Kaya heto at wala siyang ibang pamimilian kundi ang harapin ang pamilya ni Marione. Nakahanda naman siyang humarap sa mga ito lalo na't malinis ang hangarin nito sa dalaga. Pero iba pa rin pala ang kaba kapag mismong kaharap mo na ang pamilya ng mahal mo. Wala pa naman si Marione sa tabi niya kaya lalo siyang kinakabahan!
Bakas ang gulat sa lahat na magpakilala ito bilang kasintahan ng dalaga at ngayon ay nahihinulaan na ng pamilya nitong buntis si Marione kaya ito nawalan ng malay!
"Marry, Marione," pinal na hayag ni Mr Cedric Montereal.
Napasinghap ang lahat ng nakarinig maging si Lucky at napapalunok. Hindi pa siya sigurado kung papayag ang dalaga na magpakasal na sila. Pero kung siya lang ang tatanungin? Handa niyang pakasalan ang dalaga.
"Ayaw mo yata eh," ani Tyrone na paasik ang tono.
Ang panganay na Kuya ni Marione na matiim na nakatitig kay Lucky. Marahan naman itong nasiko ng nakababatang kapatid sa inasal nito.
"Kuya, hwag ka namang ganyan makipag-usap kay Sir Lucky," bulong ng nakababatang kapatid nitong si Dos na inirapan niya lang.
"I'm willing to marry her, Sir. No worries," kalmado at pormal nitong sagot.
Napatango naman ang mag-asawa na may pilit na ngiti sa mga labing nakamata dito.
"That's good to hear, Sir." ani Cedric na napatango-tango." Everyone, leave us alone. Mag-uusap lang kami ni Mr Hoffman."
Nagsitayuan naman ang lahat maliban kay Lucky na isa-isang nagpaalam sa mga ito. Nang silang dalawa na lamang ang nasa sala ay lalong trumiple ang kaba ni Lucky. Napapalunok ito na pinagpapawisan ng malamig lalo na't hindi nito mabasaan ng emosyon ang kaharap.
Napahinga ng malalim si Mr Cedric Montereal na matiim na tumitig sa binata. "Tell me more about yourself, Mr Hoffman," saad nito.
Napatuwid ng upo si Lucky na inilabas ang wallet at kinuha doon ang lisensya nito na iniabot sa kaharap.
"Inspector Lucky Hoffman, forty-five years old, single," pagbasa ni Mr Montereal sa lisensya nito.
"Pwede niyo po akong ipa-background check, Sir Montereal. Hindi po ako masamang tao at. . . malinis ang hangarin ko kay Marione." Saad ni Lucky na ikinatango-tango ng kaharap.
"What else?"
"Uhm, dati po akong may asawa. Sadly. . . our marriage failed po, Sir. Hindi kami nagkaanak kasi wala siyang kakayahan. Uhm. . . matalik ko rin pong kaibigan. . . ang ama ni Marione. Si Typhoon Del Mundo." Pagtatapat nitong bahagyang ikinaawang ng labi ng kaharap.
"Ka-kaibigan ka ng manugang ko?" pangungumpirmang tanong ni Mr Cedric na ikinatango ni Lucky.
"Opo, Sir. Since highschool pa lang po ay matalik na kaming magkaibigan ni Typhoon. Sabay kaming nagtapos at pumasok ng PMA. Sabay po naming inabit ang pangarap naming maging. Pero. . .magkaibang lugar po kasi ang naging destino naming dalawa kaya nagkalayo po kami," pagtatapat nito.
Matamang lang namang nakikinig si Cedric Montereal dito na binabasa sa mga mata ang kaharap kung nagsisinungaling ba? O hindi. At sa nakikita naman nito ay kitang hindi nagsisinungaling ang binata.
"Alam ko pong masyado akong mababa at matanda para kay Marione, Sir. Pero. . . ipaglalaban ko pa rin ang damdamin ko para sa kanya. Mahal ko po si Marione. May manahin man siya mula sa inyo? O wala. Si Marione ang gusto ko. Hindi ang kung anong meron siya," saad pa ni Lucky na matiim na nakikipagtitigan kay Cedric Montereal.
"Well. . . that's not a problem to us, Mr Hoffman. Hindi naman issue sa pamilya ko kung mayaman o mahirap ang mapangasawa ng mga anak at apo ko. 'Yong mga anak ko nga eh. . .katulad mo ay mga ordinaryong tao lang ang pamumuhay. Pero hindi 'yon naging hadlang para tanggapin namin ang mga ito sa pamilya namin. Kung mabuti kang tao? Welcome ka sa pamilya ko kahit ikaw pa ang matatawag na pinakamahirap na tao sa buong mundo." Saad ni Mr Cedric na ikinangiti ni Lucky.
Unti-unti ay gumaan ang loob nito at naibsan ang kabang nadarama.
"Pero si Marione kasi. . . hindi pa 'yan nagdadala ng lalake dito sa mansion. Wala din 'yang pinapakilala sa amin na naging nobyo niya. Maraming manliligaw ang apo kong 'yan pero. . . mukhang wala pa naman siyang sinagot sa mga iyon. Kaya laking gulat namin na ngayon ay may dinala na siya dito at pinakilala formally sa amin ng asawa ko na kanyang kasintahan. Sa unang. . .pagkakataon," saad ni Mr Cedric na ikinatango-tango naman ni Lucky.
"Hindi ko po sasayangin ang tiwala at pagkakataon na ipinagkaloob niyo sa akin, Sir Montereal. Asahan niyo po na hindi luluha si Marione sa piling ko. Gagawin ko po ang lahat para maging karapat dapat sa pagmamahal ni Marione." Buong kumpyansang saad ni Lucky na matiim na nakikipagtitigan sa kaharap.
"Mabuti naman kung nagkakaunawaan tayo, Mr Hoffman. Ang mahalaga naman sa akin ay ang kaligtasan at kasiyahan ng pamilya ko. Sana nga. Sana ay hwag mong sirain ang tiwala ko. Wala pa kasing nakakagawa no'n sa mga naging manugang ko at asawa ng mga apo ko. Aasahan kong may isa kang salita, Mr Hoffman." Saad ni Mr Cedric na tumayo na.
Tumayo na rin si Lucky na ngumiting nakipagkamayan dito. Matiim na nagkatitigan na may ngiti sa mga labi.
"Maraming salamat po sa tiwala at pagkakataon, Sir Montereal. Hinding-hindi ko po kayo. . .bibiguin."
PAGKATAPOS makausap ng pamilya Montereal si Lucky tungkol sa agaran nilang pagpapakasal ni Marione bago pa mahalata ang tyan ng dalaga ay nagpaalam na itong uuwi at may pasok pa sa trabaho.
Pinuntahan pa rin naman nito ang kasintahang nahihimbing para magpaalam. Natigilan pa ito na maabutan sa silid ang mga naggagandahang dalaga na pinsan ni Marione. Napatayo ang mga itong hinintay siyang makalapit.
"Uhm, hi. Magpapaalam lang sana ako kay Marione," magalang saad nitong ikinasinghap ng mga dalagang kaharap.
"Ahem! I'm Sofia, Inspector. Pinsan ako ni Marione," kinikilig na pagpapakilala ng isang dalaga sabay lahad ng kamay.
Nangingiti namang tinanggap ni Lucky ang malambot na kamay ng dalaga na impit pang napapairit kaya nakukurot ito sa baywang ng mga kasama.
"Hello, nice to meet you, Mis Sofia." Ani Lucky na ikinairit ng dalagang kitang kinikilig sa kaharap.
Kahit paano ay naibsan ang kaba ni Lucky na makaharap ang mga babaeng pinsan ni Marione na kita at dama naman niyang gusto siya ng mga ito para kay Marione.
"Danica, Inspector. Pinsan ko rin si Marione. Masaya kaming makilala at i-welcome ka sa pamilya," magiliw na pagpapakilala pa ng isang dilag.
Napakurap-kurap pa si Lucky na nagpalipat-lipat ng tingin kay Sofia at Danica dahil para lang silang iisang tao sa pagkaka-identical ng itsura nila. Napahagikhik naman ang dalawa na makita ang reaction ni Lucky na naguguluhan.
"Uhm, hello. Salamat sa pagtanggap, Mis Danica. Uhm. . . kambal ba kayo?" hindi napigilang tanong ni Lucky na sabay na ikinailing ng dalawang dalaga.
Nangunot ang noo nitong nagtatanong ang mga matang palipat-lipat ng tingin sa dalawa.
"Uhm, magpinsan kami ni Sofi, Inspector. Ahm. . . 'yong Daddy Khiranz niya at Daddy Khiro ko kasi. . . ay kambal. Kaya hawig kami ni Sofi na madalas napagkakamalhang twins. Actually. . .'yong mga parents namin nila Marione ay quadruplets. Maging ang Mommy nila Catrina, Yoona at Cathryn. Kaya kung nagkakatabi-tabi kaming magpipinsan ay para kaming magkakapatid," pagpapaliwanag ni Danica ditong napatango-tango na ngumiti sa mga ito.
"Welcome to the family, Inspector. I'm Yoona, and this is my twins, Cathryn and Catrina." Magalang at pormal na pagpapakilala ni Doc Yoona sa sarili at mga kapatid nitong nakukurot nito dahil impit na napapairit ang mga itong halatadong kinikilig sa kaharap.
Nakangiting tinanggap ni Lucky ang mga kamay ng mga itong naglahad sa kanya. Hindi pa nakuntento sina Cathryn at Catrina na 'di na nagpaawat na bumeso sabay halik sa pisngi ni Lucky na pinamulaan ng mukha.
"Magtigil nga kayo. Nakakahiya," mahinang saway ni Yoona sa mga kakambal.
"Minsan lang naman, sis. Ikaw talaga," tili ni Cathryn na napayakap sa braso ng kakambal na napapailing na lamang.
"Pagpasensiyahan mo na ang mga kakambal ko, Inspector. Wala eh. . . minsan lang kasi sila matino," natatawang saad ni Yoona na ikinabusangot ng mga kakambal.
Nangingiti lang naman si Lucky na giliw na giliw sa mga pinsan ni Marione na hindi nahihiyang magpakatotoo sa harapan nito kahit ngayon pa lang ang unang paghaharap nila. Lalo tuloy itong humahanga sa dalaga dahil tiyak niyang kung gaano kalalog ang mga pinsan nitong nakapaligid sa minamahal ay tiyak na gano'n din si Marione.
"I'm Zoey po, Inspector. Pinsan ko rin si Marione," pagpapakilala pa ng isang dalaga.
"Hello, nice to meet you too, Mis Zoey." Ani Lucky na kinamayan ang dalaga.
Sunod namang nagpakilala ang isa pang dalaga na naiiling sa kakulitan ng mga pinsan nito.
"Hello, I'm Roxy, Inspector. Pinsan din ni Marione." Pagpapakilala nito na bumeso kay Lucky kaya pabirong hinila ng mga pinsan nito ang mahaba niyang buhok na ikinahagikhik ng dalaga.
Parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Lucky na kasundo kaagad nito ang ibang pinsan ni Marione. Dama kasi nito na hindi siya gusto ng mga lalake sa pamilya. Napilitan lang silang tanggapin dahil inaakala ng mga itong. . . nabuntis na niya si Marione. Lalo na ang Kuya Tyrone nito na wala manlang kangiti-ngiti sa kanya. Na harap harapang pinapakita ng binatang. . . hindi niya gusto si Lucky para sa kapatid.
Matapos makilala ang mga pinsan ni Marione at makapag paalam si Lucky sa dalaga ay lumabas na rin ito ng silid. Kailangan pa kasi nitong pumasok ng trabaho dahil marami silang hawak na mahahalagang kaso.
NAGNGINGITNGIT si Lucky na inaalala kung gaano kakulit ang mga babaeng pinsan ni Marione. Mabuti na lang at nahuli nito ang kiliti ng mga dalaga para maging boto sila sa kanya parasa pinsan.
Nag-aalala lang siya kapag nagising na si Marione. Tiyak na magugulat iyon na malamang ikakasal na silang dalawa. Hindi naman makatanggi si Lucky kanina nang kausapin siya tungkol sa kasal nila ni Marione.
Pakiramdam niya tuloy ay nagiging selfish siya na hindi sinabi sa pamilya ni Marione na hindi pa naman buntis ang dalaga. Marahil nahilo lang ito kanina kaya nawalan ng malay. Pero tila naging pabor ang bagay na iyon sa kanya na dahilan kaya ipinagkatiwala nila si Marione sa kanya at minamadali na rin na magpakasal sila.
Alam naman niyang bata pa si Marione. Pero hindi naman niya kayang pakawalan ang pagkakataon nitong maging asawa ang dalaga. Kaya mas pinili niyang itikom ang bibig kanina kaysa itama ang inaakala nila.
"Inspector Lucky Hoffman?"
Napaangat ito ng mukha na may kumatok sa pinto ng opisina nito sa kanilang headquarters. Napatayo ito na malingunan doon ang isa sa mga Kuya ni Marione na ikinabilis ng pagtibok ng puso nitong napalunok.
"Mr Del Mundo, how may I help you?" pormal nitong tanong.
Hindi niya kasi matukoy ang pangalan ng dumating. May kakambal kasi ito at identical ang itsura nila. Kaya naman hindi niya matukoy kung ang Kuya Tyrone ba ni Marione ito. . . o ang Kuya Typhus nito.
"Don't be to pormal, Inspector. Nandidito ako para makausap ka tungkol sa kapatid ko," seryosong saad nitong ikinalunok ni Lucky.
Natutulala itong napasunod sa binata na nagtungo sa sofa at sinenyasan siyang maupo sa harapan nito.
"Coffee?" alok ni Lucky na inilingan ng binata.
"I won't took too long, Inspector." Sagot ng binata na ikinatango-tango ni Lucky. "Do you remember my name?"
"T-Tyrone?" patanong sagot ni Lucky dahil napaka nonchalant kasi ng kaharap.
Tila hindi marunong ngumiti. Napangiwi si Lucky na mahinang ikinatawa ng binata na napailing.
"I'm Typhus, Inspector. Not Tyrone."
"Oh, sorry. Identical kasi kayo eh," napapakamot sa batok na sagot ni Lucky.
"It's okay, Inspector. Kahit naman sa mga bagong kakilala namin ay marami pa rin ang nalilito kung sino si Typhus at Tyrone sa amin ng kambal ko." Magiliw na sagot nito na nakangiti na.
Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Lucky dahil ang mabait na Kuya ni Marione ang nagpunta dito at hindi ang supladong si Tyrone.
"Uhm, Typhus. Kung ang tungkol sa amin ni Marione ang sadya mo? Wala kang dapat ipag-alala. Hinding-hindi ko. . . paglalaruan ang kapatid. Seryoso ako sa kanya at malinis ang hangarin ko," seryosong paninimula ni Lucky na ikinatuwid ng upo ng binatang kaharap.
Matiim na nakatitig sa mga mata ng binata na tila binabasa ito sa isipan. Hindi niya naman masisi ang mga ito kung pagdudahan ang pagmamahal niya sa kapatid nila. Kaya nakahanda itong patunayan sa lahat. . . kung gaano niya kamahal si Marione.
"Mabuti ng nagkakalinawan tayo, Inspector. Si Marione? Mag-isang babaeng kapatid namin 'yon. Ni minsan ay wala pa siyang naipapakilala sa amin na kasintahan niya. Nakabantay naman kami sa kanya kaya nakatitiyak kaming. . . ikaw pa lang ang nagiging nobyo niya," saad ni Typhus na ikinatango-tango ni Lucky.
"Hindi ko pababayaan ang kapatid niyo. Nangangako ako na pangangalagaan ko siya sa abot ng makakaya ko," sagot ni Lucky.
Napasunod ito sa binata nang tumayo na ito na naglahad ng kamay sa kanyang kaagad niyang tinanggap na matiim na nakipagtitigan kay Typhus.
"I can feel that you're a good person naman, Inspector. So, paano. . . ikaw ng bahala sa prinsesa namin, huh? But it doesn't mean na. . . hindi ka namin oobserbahan." Saad ng binatang ikinatango ni Lucky.
"Nangangako ako. Makakaasa kang. . . hindi ko siya pababayaan."
Matapos makausap ni Typhus ng masinsinan si Lucky ay lumabas na rin ito ng opisina ng bayaw.
HABANG nasa opisina ay hindi maiwasang matulala ni Lucky sa mga nangyari. Pakiramdam niya ay nananaginip siya ng gising sa mga sandaling ito.
Kung paanong kagabi lang ay napasagot niya ang dalagang napupusuan at ngayong umaga naman ay napag-usapan na ang pagpapakasal nila ng dalaga!
Kinakabahan ito sa magiging reaction ng dalaga sa napagkasunduan nila ng pamilya nito. Paano nga kaya kung hindi papayag si Marione sa napagkasunduan nila ng pamilya nito? Baka mamaya ay magalit pa sa kanya si Marione at lumayo. Hindi niya yata kakayaning. . . mawala sa kanya ang dalaga.
Sa maikling panahon na nakasama niya ang dalaga ay napamahal na ito sa kanya. Na nagkaroon kaagad ng puwang sa puso nito ang dalaga kahit wala pa namang kasiguraduhan ito kung mahal din ba siya ni Marione. . . o baka humahanga lang sa kanya kaya siya sinagot.
Malaki ang pinagkaiba ng magkasintahan lang sa mag-asawa na. Kaya kabado itong malaman ang magiging reaction ni Marione kapag nalaman na nitong. . . ikakasal na silang dalawa!
Napasandal siya ng swivel chair nito na mariing napapikit. Malalim ang iniisip kaya hindi makapag-focus sa trabaho nito.
Siya namang pagbukas-sara ng pinto at pumasok ang pamilyar na prehensya at pabango ng isang babae na kilalang-kilala nito.
"Mukhang puyat tayo ah?" malambing puna nito na naupo sa kanyang harapan dala ang dalawang cup ng kape.
Napangiti itong masamyo ang aroma ng kapeng barako na dala ng dalaga. Nagdilat ito ng mga mata na napahilamos ng palad sa mukha.
"Wala pa nga akong tulog eh," anito na dinampot ang kanyang kape.
Napanguso naman ang kaharap na matamang pinakatitigan ito. Binabasa ang tumatakbo sa isip ng binata.
"May problema ba, Lucky? Baka makatulong ako," saad nito na ngumiti sa binata.
"Ikakasal na ako, Trish. Ang saya ko lang na mapapangasawa ko na siya," masigla at nakangiting bulalas nitong ikinatigil ng dalaga at unti-unting. . . napalis ang matamis nitong ngiti.
Parang bombang sumabog iyon sa dibdib ng dalaga na ikinadurog ng puso nito. Nangilid ang luha nito na pilit pinipigilan lalo na't kita nitong napakasaya ng kaibigan.
"I-ikakasal ka?" nauutal nitong tanong.
"Yes," tumatango-tangong tugon nito sabay sumimsim ng kape nito.
Halos mawalan ng kulay ang mukha ng kaibigan sa pagkumpirma nitong ikakasal na ito.
"Kaa-annul mo lang ah," halos pabulong nitong saad na ikinangiti ni Lucky dito.
"Exactly, Trish. Annul na ako. Pwede na akong magpakasal ulit sa sino mang babaeng maibigan ko," nakangiting sagot ni Lucky na ikinadaan ng sakit sa mga mata ng kaibigan.
Pero dahil bumaling na ito sa kanyang laptop ay hindi niya iyon nakita maging ang pagtulo ng mga luha ng kaharap nito habang matiim na nakatitig dito.
"Congrats, then," puno ng ka-plastikang saad nito na ikinaangat ng mukha ni Lucky na napangiti.
"Thank you, Trisha. Malaking bagay sa akin na nasa side kita at suportado ka sa pagpapakasal ko. Alam mo namang kayong mga kaibigan at katrabaho ko lang. . . ang matatawag kong pamilya ko," ani Lucky na tinapik sa braso ang dalagang hilaw na nakangiti dito.
"Of course, kung masaya ka naman eh." Sagot nito na labas sa ilong.
LUMIPAS ang maghapon na naging abala si Lucky sa opisina nito. Hindi napapansin ang ilang missed calls na mula kay Marione. Kaya naman banas na banas na ang dalaga sa mansion nila na hindi sumasagot ang kasintahan.
Laking gulat ng dalaga na pagkagising nito ay pinag-uusapan ng mga pinsan ang kasal nito at pagdadalang-tao! Hindi naman siya makatanggi dahil kahit sinasabi niyang hindi siya buntis ay hindi niya makumbinsi ang pamilya!
Nagngingitngit ang loob nito dahil pakiramdam niya ay inipit siya ni Lucky sa sitwasyong wala na siyang pamimilian kundi ang pumayag sa kasalang magaganap!
"Damn! Why you're not answering my calls after making scene here without my permission!?" inis na asik nito sa cellphone na iniisip ang binata.
Nanggigigil itong lumabas na nagtungo ng Bar! Masama ang loob dahil kahit tinatanggi niya sa kanyang pamilyang hindi siya buntis ay walang naniniwala sa alibi niya!
Hindi niya alam kung paano pumayag ng ganu'n-ganu'n lang ang buong pamilya nitong magpakasal na sila ni Lucky at naka-set na next week ang schedule nila!
Kung alam lang niya na mako-corner siya ay hindi na sana sinagot kagabi ang binata. Hindi niya tuloy mapigilang magsisi na pinasok ang relasyon.
Masyado siyang nabibilisan sa mga nangyayari. Kamakailan lang noong gabing unang encounter nila ni Lucky. At sa pangalawang pagtatagpo nila. Ngayon naman ay kasasagot niya lang dito pero heto at magpapakasal na sila!?
Sanay si Marione na malaya siya. Kaya never pa itong nagkaroon ng boyfriend na ko-control-in siya sa bawat galaw niya. Pero heto at napikot siya ng wala sa oras ng isang. . . Tito!
ALAS-DYES na ng makauwi si Lucky mula sa headquarters nito. Napapahilot ng sentido sa pagkirot ng ulo dala ng pagod at antok. Pero hindi pa man siya nakakaidlip ay sunod-sunod ang pag-doorbell ng kung sino sa pinto na ikinabangon nito.
Naka-boxer brief lang ito na lumabas at punagbuksan ang bisita. Naniningkit ang mga mata nitong papaidlip na sa sobrang pagod at antok.
Pero para namang nabuhay ang kanyang dugo sa katawan na mapagsino ang dyosang nakatayo sa harapan nito.
"Babe!?" gimbal na bulalas nitong namimilog ang mga mata.
"Tsk," napaismid naman ang dalaga na padabog na pumasok ng unit nito.
Napangiti itong niyapos ang kasintahan sa tyan mula sa likuran na ikinulong sa kanyang bisig at hinahalik-halikan sa batok nitong ikinasisinghap ni Marione na unti-unting nalulusaw ang galit nito sa binata.
"What are you doing here, hmm? Namis mo ba ako?" paos ang boses na paglalambing nito.
"You're not answering my calls," pagsusungit nito na napahalukipkip at pabalang naupo ng sofa.
Napasapo ito sa ulo na makadama ng pagkahilo dala ng nainom na alak. Naupo din naman si Lucky sa tabi nito na inakbayan itong pinasandal ng dibdib nito at panay ang halik sa ulo ng dalaga.
" I'm sorry, babe. Hindi ko intention na hindi masagot ang tawag mo. Busy ako maghapon sa opisina. Sobrang pagod at antok na antok na akong nakauwi dito eh. Actually, kararating ko pa lang," pagpapaliwanag nito.
Nakabusangot pa rin naman ang dalaga na tila balewala ang papaliwanag ng nobyo.
Yumakap si Lucky dito na sinisilip-silip ang mukha nitong nakabusangot pa rin. Nangingiti namang pinaghahalikan siya sa pisngi ni Lucky. Naglalambing sa kasintahang parang batang nagtatampo ang itsura.
"I'm sorry, babe. It won't happen again, " paglalambing pa nito na muling niyakap si Marione.
Napahinga ng malalim si Marione na pilit kinakalma ang sarili. Galit siya kaya siya nagpunta dito. Pero heto at bumibigay na kaagad ang puso niya sa paglalambing ni Lucky sa kanya! Kahit itanggi niya ay alam niya sa sariling. . . kinikilig siya kung paano maglambing ang binata.
Umayos ito ng upo na pinalungkot ang itsura. Napahinga naman ng malalim si Lucky na kabado lalo na't kita nitong. . .may bahid ng kakaibang lungkot ang mga mata ni Marione.
"What happened? Anong sinabi mo sa kanila? Bakit iniisip nilang buntis ako at magpapakasal na tayo next week?" tanong nito na nakabusangot.
Napahinga ng malalim si Lucky na hinawakan ang kamay nitong dinala sa kanyang mga labi at madiing hinagkan iyon.
Napasinghap si Marione na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente at kiliti mula doon na ikinagapang ng init sa kanyang mukha.
Ang sabi niya sa sarili ay aawayin niya ang binata at makikipaghiwalay para makatakas sa kasalang naghihintay sa kanya. Na gagamiting alibi ang hindi pagsagot ng nobyo sa kanyang mga tawag. Pero heto at bumibigay na naman ang puso at katawan nito sa simpleng paglalambing ng binata. Na kusa na namang napapasunod ito dito!
Napapisil si Lucky sa kanyang baba na iniharap sa kanya. Napapalunok itong mapatitig sa mga mata ng nobyo na tila nangungusap ang itsura. Parang hinahaplos ng mga iyon ang kanyang puso na lumalambot na naman para dito.
"I love you so much, Marione. Hindi mo pagsisisihan na magpapakasal ka sa akin, babe. I promise you that," buong pusong saad nito na matiim na nakatitig sa mga mata ng dalaga.
"L-Lucky," mahinang anas nito.
Napangiti si Lucky na hinaplos siya sa pisngi at siniil sa kanyang mga labing ikinapikit nitong dahan-dahang napayakap sa nobyo at tinugon ang halik nitong napakalalim at banayad!
"Uhmm. . . L-Lucky," ungol ni Marione na dahan-dahang kinarga siya ni Lucky ng bridal style at marahang naglakad. . . papasok ng silid!
Para itong maiihi nang maramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kama. Lalo siyang natatangay at nadadarang nang pumaibabaw din sa kanya si Lucky habang patuloy sila sa mapusok na halikan.
Napayakap ito sa batok ni Lucky na napapahaplos na rin sa baywang nitong ikinatatangay ni Marione.
"L-Lucky. . . uhmm," malanding ungol nito na napatingala.
Bumaba naman sa kanyang panga ang mga labi ni Lucky na dahan-dahang ibinababa ang zipper ng dress nito mula sa likuran na ikinaarko ng likod nitong hinayaan ang binatang hinubad ang kasuotan nito.
"L-Lucky," nasasarapang sambit nito ba maramdamang sumubsob si Lucky sa malusog niyang hinaharap!
Napasabunot ito sa batok ng binata na salitang nagpapakasasa sa kanyang n*****s! Parang batang gutom na gutom na salitang sinisipsip ang tayong-tayo nitong korona.
"Can I own you tonight, babe?" sensual na tanong ni Lucky dito.
Parang malulusaw si Marione na nakikipagtitigan dito lalo na't nangungusap ang itsura ng mga mata ni Lucky na mapupungay!
"Yes. Own me, babe. . . please?"
MAAGA pa lang ay umuwi na ng mansion si Marione. Nahihimbing pa si Lucky nang iwanan niya ito. Naiinis na rin siya sa sarili dahil nag-iiba siya bigla kapag nasa harapan na nito si Lucky.
Akala pa naman niya ay mahihiwalayan na niya ito para makatakas sa nalalapit nilang kasal dahil umuurong na naman ang buntot nito pero. . . ni hindi niya magawang magalit sa binata nang magkaharap na sila. Para siyang malulusaw sa puso na napapatitig sa mapupungay na mga mata ni Lucky na parang nangungusap ang itsura.
Pagdating niya ng mansion ay tumuloy ito sa silid ng inang may karamdaman. Napalabi ito na makita ang inang nahihimbing sa gitna ng kama nito. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang ina na maingat sumampa sa kama at nagsumiksik sa dibdib ng ina.
"Uhmm," mahinang ungol ng Mommy Catrione nito na ikinalabi nitong niyakap ang ina.
"Mommy, what should I do? Nalilito na po ako sa totoo lang po. Sana gumaling na po kayo at nagagabayan kami sa mga desisyon namin sa buhay," anito na parang batang nagsusumbong sa ina.
"I like Lucky. Gusto ko rin naman po siya, Mom. 'Yon lang at. . . nabibilisan po ako sa naging desisyon nila Mama Liezel at Papa Cedric na ipakasal na kami ni Lucky. I don't know, Mom. May parte kasi sa puso ko na tumututol sa kasal namin kasi masyado pang maaga. Bagong magkakilala pa lang kami ni Lucky at gusto ko sanang makilala muna naming maigi ang isa't-isa. Pero. . . heto at hindi naman po ako makatanggi sa kasal namin. Ayoko rin namang mapahiya si Lucky kaya hindi ko po magawang tumutol sa kasal. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin, Mom. Nalilito na po ako," pagtatapat nito kahit hindi sigurado kung naiintindihan pa ba siya ng kanyang ina.
Napangiti ito na maramdamang gumalaw ang Mommy niya na niyakap itong napaangat ng mukha na napangiting lalo na makitang gising na ang Mommy Catrione niya.
"Good morning, Mommy. I'm sorry po binulabog ko ang tulog niyo. Nalilito po kasi ako at gustong magpa-comfort sa yakap mo, Mom. Iba po kasi ang dating sa puso ko ng yakap ng Mommy Catrione ko. Kaya kayo ang nilapitan ko." Saad nito na napangiting pinaliguan ng halik ang buong mukha ng inang nakamata dito.
" I love you so much, Mommy. Can I sleep here with you? Gusto ko po kasing magkayakap sa inyo," ungot nito na ikinangiti ng inang walang imik na niyakap ang anak na napapalabing nangilid ang luhang mas nagsumiksik pa sa dibdib ng ina.
"Thank you, Mommy. I love you po." Saad nito na nagpatangay na sa antok.
Nangingiti namang marahang hinahaplos ni Catrione sa ulo ang dalaga nitong ngayo'y parang kuting na nahihimbing sa bisig ng ina nito.
"I love you more, anak ko. I wish and pray na maging successful ang kasal niyo ni Lucky. I can feel that your future husband is a good man. Kaya alam kong. . . itatrato ka ng tama, anak ko." Piping usal ni Catrione na masuyong pinaghahalikan sa buong mukha ang anak na nahihimbing.
Napangiti itong marahang hinaplos sa pisngi ang anak. Napakagandang dalaga na kuhang-kuha ang mukha ng ama nila.
"Good morning, Mommy!"
Napalingon ito sa may pinto na napatikhim ng mahina na masulyapan doon ang isa pang anak nitong binata. Si Dos na Jr niya. As usual ay may dala itong agahan nilang mag-ina para may kasabay itong kumain. Nakaligo at bihis na rin ng pang-pulis ang anak kaya hindi nito maiwasang isiping ang asawa ang nakikita dahil kamukhang kamukha ni Dos. . . ang yumao nitong asawa.
"Oh, dito ba natulog si Marione? Hindi ka po ba nangangawit, Mom?" anito na naupo sa gilid ng kama na inalalayang makaupo ang ina at isinandal ng headboard.
Napangiti itong hinaplos sa ulo ang kapatid nitong bakas sa mukha na puyat na puyat.
"Pasaway. Mukhang galing kang party ah," natatawang saad pa nito bago bumaling sa ina at pinaghahalikan ito sa buong mukha.
"Okay ka lang ba, Mommy?" tanong nito na iniabot ang gatas ng ina.
Tanging pagtango lang naman ang isinagot nito na ikinangiti ni Dos. Ibig sabihin. . . naiintindihan pa rin naman sila ng ina nila kahit may pinagdadaanan itong mental health.
"Mommy, kumain po kayo ng marami, ha?" paglalambing pa nito na sinubuan na ang ina.
Kung titignan ang ina nila ay parang may sakit lang itong ikinabagsak ng katawan at timbang. Pero mas mahirap pa pala sa sakit ang pinagdadaanan nito na depression.
Dahil ang karamdaman ay may mabibiling gamot para mapagaling. Hindi katulad sa depression na nasa tao na kung paano niya matutulungan ang sarili. At sa sitwasyon ng ina nila? Tila sumuko na ito at walang planong. . . tulungan ang sarili para makabangon.
CIVIL wedding. 'Yon ang hiniling ni Marione na maging kasal nila ni Lucky. Gusto mang tumutol ng pamilya nito at ni Lucky ay si Marione pa rin ang nasunod.
Hindi rin maintindihan ng dalaga ang sarili. Nagdadalawang-isip kasi ito kung itutuloy ba niya ang kasal? O tumakas sa lahat?
Pero sa huli ay heto. Nakasakay na sila sa kanilang private plane papuntang France kung saan ang kanilang bakasyon at honeymoon ni Lucky.
Bakas sa mga mata ng asawa na sobrang saya nito kaya naman pilit niyang pinapasigla ang itsura. Ayaw din naman niyang masaktan ang asawa lalo na't napakalambing at clingy nito dito. Bagay na gustong ng kanyang puso at katawan!
Mapait itong napangiti na nahaplos ng hinlalaki ang diamond ring na suot nito. Tanda na kasal na nga ito sa isang iglap lang.
Nahihimbing naman na si Lucky na nakasandal sa kanyang balikat. Hindi niya tuloy mapigilang tumulo ang luha.
Ayaw niyang saktan ito. Pero may bahagi sa puso niya na hindi masaya sa nangyaring kasalan. Marahil dahil natatakot din ito sa maging bunga ng pagsasama nila ng asawang nadaan sa paspasan. Na sa isang iglap ay heto siya. Siya na ngayon. . . si Mrs Hoffman.
NAPAPIKIT itong tahimik na pinapakiramdaman si Lucky. Maging ang asawa ay napakatahimik din. Hindi niya tuloy mawari kung napapaisip na rin ba itong masyado nilang minadali ang lahat-lahat o nagsisisi na itong nagpakasal na silang dalawa!
Kung tutuusin kasi ay hindi pa nila lubos na kakilala ang isa't-isa. Kaya may mga agam-agam pa rin si Marione kung magwo-work kaya ang pagsasama nilang nadaan sa paspasan.
"Sana tama ang desisyon kong pumayag sa kasal namin ni Lucky." Piping usal nito na napapalapat ng labi.
Dama naman ni Lucky ang pressure na nadarama ni Marione. Kahit hindi sabihin ng asawa ay dama nitong. . . tila nagsisisi itong nagpakasal na sila. Hindi niya tuloy malaman kung paano kausapin ito lalo na't tahimik lang itong bakas ang kakaibang lungkot at pangamba sa mga mata.
Napangiti ito nang makaidlip na ang asawa na unti-unting naisandal ang ulo sa balikat nito. Lakas loob nitong kinuha ang kamay ni Marione na pinag-intertwined ang mga daliri nila na nangingiting iniangat ang kamay ng asawa at mariing hinagkan. . . ang wedding ring na suot nito.
"I love you so much. . .my wife." Bulong nito na mariing napahalik sa noo ng asawang. . . nahihimbing.